“Mama,” mahina ngunit puno ng damdamin na pagbanggit ni Ripped nang makita niya sa kanyang harapan ang kanyang ina na si Yen na naluluhang nakatingin sa kanya. Nasa sala sila at pumayag na si Tattered na ipakita at ipakilala na si Yen kay Ripped. Hindi mapagsidlan ang nararamdamang tuwa ni Yen nang makita ang anak. Hindi niya akalaing kilala pa rin siya nito. Sa isip-isip niya, siguro kaya kilala pa rin siya nito ay dahil sa hindi hinahayaan ni Tattered na hindi pa rin siya nito makilala kahit man lamang sa mga litrato at kwento. Mabilis na tumakbo si Ripped palapit kay Yen. Yumuko naman ang huli at sa isang iglap ay nagkayakap ang dalawa ng sobrang higpit na tipong ayaw na nilang pakawalan pa ang isa’t-isa. “Miss na miss kita anak,” naiiyak na bulong ni Yen habang hinahaplos ang likod

