“Mama, aalis na po ba kayo?” malungkot na tanong ni Ripped kay Yen. Matagal silang naglaro at hindi na nila namalayang gabi na. Nakatingin naman si Tattered at Rohem kay Ripped at Yen habang magkatabi silang nakatayo malapit sa sofa. Ningitian naman ni Yen si Ripped. Tumango-tango siya. “Oo, eh.” Bahagya siyang yumuko para magpantay ang mukha nila ng anak. “Huwag kang mag-alala dahil babalik din naman ako bukas. Maglalaro tayo ulit hanggang gabi,” aniya pa. “Pero Mama… baka naman hindi kayo bumalik,” ani Ripped sa malungkot na tono. Umiling-iling si Yen. “Babalik ako. Pangako ko, babalik ako, okay?” tanong niya. Nasaktan ang loob niya dahil sa ramdam niya ang takot mula kay Ripped na baka iiwan na naman niya ito at hindi na babalikan pang muli. ‘Hindi ko na hahayaang mangyari ‘yon,’ is

