“Bigla ko lang naalala, bukas na pala tayo babalik sa trabaho pagkatapos ng dalawang linggong suspension,” ani Tattered kay Rohem. Nasa loob sila ngayon ng kwarto ni Ripped at pinapatulog ito. “Oo nga pala,” ani Rohem saka ngumiti. “Nakausap mo na ba si Jenny tungkol sa pagbabantay muli kay Ripped?” tanong pa nito. Tinango-tango ni Tattered ang ulo niya. “Nakausap ko na siya nu’ng isang araw,” aniya. “Ang inaalala ko lang ay si Yen dahil ngayong nandito na siya at pinayagan ko siyang makita at makasama ang bata, hindi ko na masyadong mababantayan ang bawat kilos niya. Baka mamaya ay may gawin siya para mas makuha ang loob ni Ripped at mas naisin na ng anak ko na sumama sa kanya kaysa sa akin,” nag-aalalang sabi niya pa. “Hindi naman niya siguro gagawin iyon. Saka sinabihan mo na rin nam

