“Welcome back to the both of you,” masayang pagbati ni Gino kay Rohem at Tattered. Nasa loob sila ng opisina nito at ngayon ang araw ang pagbabalik nilang dalawa sa trabaho. Ningitian naman ni Tattered si Gino at gayundin ang ginawa ni Rohem sa kanyang boss. “Salamat po,” ani Rohem na ikinangiti sa kanya ni Gino. “Mukhang nasulit niyo ang bakasyon niyong dalawa,” saad ni Gino. “Parehas kayong fresh,” aniya pa saka natawa. Natawa din sina Tattered at Rohem. “Sulit na sulit nga, Sir. Salamat sa suspension,” pagbibiro ni Tattered saka ngumiti. Napangiti naman si Gino. “Huwag niyo naman akong inggitin,” nangingiting biro niya pa. Muli namang natawa si Tattered at pati na rin si Rohem. “Okay! Sige, back to work na!” ani Gino saka ningitian sina Tattered at Rohem. “Back to work!” magkas

