Masaya ang gising ni Rohem kinabukasan. Mababanaag iyon sa kanyang gwapong mukha. Napapangiti pa nga siya habang kumakain. Nasa dining table na ngayon sila ni Sandblast at magkaharap na nakaupo sa mga upuan na nakapwesto sa magkabilang side. Nakahain sa mesa ang samu’t-saring pagkain pang-almusal na ngayon ay kanilang pinagsasaluhang dalawa. Tiningnan ni Sandblast ang bunsong kapatid. Napansin niya ang saya sa mukha ni Rohem. Ngumiti siya. “Haaay! Iba talaga kapag inlove. Nakakapagpasaya ng buhay,” nangingiting sabi ni Sandblast sa nakababatang kapatid. Napatigil naman sa pagkain si Rohem at tiningnan si Sandblast. Ningitian niya ang kanyang kuya. “Halata ba masyado?” nangingiting tanong ni Rohem. Ngumisi si Sandblast. “Halatang-halata,” sagot niya. “Sana lang hindi na matapos ‘yan,”

