CHAPTER 42

1673 Words

Napatigil si Sandblast sa pagbabasa ng mga dokumento at tumingin sa nagri-ring na telepono na nakapatong sa kanyang office desk. Kumunot ang kanyang noo saka kinuha iyon at sinagot ang tawag. “Good afternoon, Sir. May gusto pong kumausap sa inyo,” wika ng kanyang secretary sa kabilang linya. “Papapasukin ko po ba siya?” tanong pa nito sa kanya. Nasa gilid ng entrance ng kanyang opisina ang area nito. Kumunot ang noo at nagsalubong ang kilay ni Sandblast. “Sino?” nagtatakang tanong niya. Wala naman kasi siyang inaasahang bisita ngayon o nagpa-schedule sa kanya for meeting. “Siya daw po si Patrick,” sagot ni Layna, ang kanyang secretary. “Kaibigan niyo raw po siya,” aniya pa. Biglang bumilis ang pagpintig ng puso ni Sandblast pagkarinig pa lang niya ng pangalan ni Patrick mula sa bibig

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD