ADAM SEBASTIAN “Mahal, nagbibiro lang ako,” sabi ko sa kanya. “Ako ang hindi nagbibiro,” sabi niya sa akin. “Mahal, mahal na mahal kit–” “Mom, relax. Hindi ka pa rin talaga sanay kay daddy. Ganyan lang talaga siya maglambing. Bubuga ka na agad ng apoy,” natatawa na sabi ni Finn na anak namin. “Alam mo naman na mother dragon si mommy,” dagdag pa ng bunso namin na si Blythe. “Sige, kampihan niyo ang daddy niyo,” sabi naman ng asawa ko. Ako naman ay napangiti na lang dahil hanggang ngayon ay hindi talaga nagbabago ang asawa ko. Dragon pa rin talaga siya at bubuga pa rin talaga siya ng apoy kapag nagagalit siya. At isa naman ‘yon sa minahal ko sa kanya. Hindi siya si Rachel kung hindi diya laging galit. Matanda na ako pero ang swerte ko dahil alam ko na ako pa rin ang mahal niya. Na ak

