Naunahan ako ng bodyguard sa pagpapaputok. Mabuti’t naisara ko kaagad ang pintuan ng beranda ng kuwarto ni Ramon kaya hindi na niya ako tinamaan. Hindi ako makakatalon. Mataas masyado. Pero kung dito lang ako, pagtutulungan nila ako. Dehado ako kaya kailangan kong makahanap ng paraan agad para makababa. Nakita kong may sangang nakausli na pwede kong gamitin para makababa. Tatalon nga lang ako at kailangan kong makakapit agad para hindi ako mahulog. Buong lakas akong tumalon. Hindi bumagsak ang paa ko sa sanga tulad ng aking plano pero nakakapit ako. Naglambitin ako hanggang sa nakapit ang paa ko. Hanggang sa nasundan na rin ako ng kalaban at agad niya akong pinagbinaril habang nagmamadali akong bumaba sa sanga. Bang! Bang! Bago pa niya ako tamaan ay mabilis na akong tumalon sa gilid

