Mabilis ang aking pagtakbo nang biglang may malakas na kamay na humila sa akin. Tinutukan ko siya ngunit mabilis niya iyong naagaw. Huli na nang matutukan ko ng baril ang humila sa akin dahil mas maagap siyang agawin ang armas ko. Batid kong inaabangan lang niya ang pagdaan ko. Lalong tumindi ang kaba sa dibdib ko dahil nasisiguro ko, iyon na ang katapusan ko. Sinira ko ang pagkakataon ko sanang makatakas at makaganti pa sa mga mat atraso sa akin. Ngunit hindi na ako basta-basta pahuhuli. Kailangan ko pa ring lumaban. Alam kong may magagawa pa ako. Nang akmang sisikuin ko siya ay bigla siyang nagsalita. "Kuya! Ako ‘to! Si Kevin!" “Kevin? Akala ko…" “Tara na kuya! Bilis! Mamaya na tayo mag-usap. Kailangan na nating makaalis dito ngayon din." Mabilis akong sumunod sa kanya pero nakokon

