Mabilis ang aking pagpapatakbo sa aking sasakyan. Naabutan ko pa si Brent sa daan na mabilis ding naka-motor. Sinundan ko siya. Alam kong may mga bodyguard si Ramon na nakatira sa kanya bukod pa sa kanyang mga security guard. Hindi porke matanda siya, madali na lang para sa akin ang pabagsakin siya. Nang alam kong malapit na si Brent na makarating sa bahay ni Ramon ay agad akong nag-light signal saka ko siya hinabol at sinenyasan na mag-park sa tabi. Agad naman siyang tumalima. Ipinarada ko ang sasakyan ko. Gumilid na rin muna siya. Kinuha ko sa sa trunk ng sasakyan ko ang isang bag na naglalaban ng pera bago kami nag-usap. “Bakit?” tanong niya sa akin. Hindi ko masisisi kung bakit hindi niya ako magawang igalang dahil sa tingin niya at alam niya e halos magka-edad lang naman kami. “K

