Pagkatapos ng last scene ay pakiramdam ko parang nahigop lahat ng energy ko. Wala na akong gana ngumiti, wala na akong lakas para ipakita na okay pa ako. Sa dami ng camera at tao sa paligid, kailangan kong magpanggap pero deep inside gusto ko nang sumigaw. Gusto ko nang matapos lahat. Paglapit ko kay Nicholas, ramdam ko agad ang bigat ng presensiya niya. Nakatayo siya sa gilid, nakahawak sa bulsa ng slacks niya, at parang lahat ng tao sa paligid ay nawalan ng boses. Para bang siya lang ang malinaw sa paningin ko. Huminga siya ng malalim, at bago pa ako makapagsalita, ginulo niya ang buhok ko gamit ang kamay niya. “Good job,” bulong niya sa mababang tono na parang para sa akin lang. At kahit pagod ako, kahit gusto kong kumawala, may kung anong init na dumaloy sa dibdib ko. Good job. Dala

