Ang morning break na iyon ay parang slow motion sa akin. Ang simpleng presensya lang niya ay sapat na para maging masaya ang araw ko. Ramdam ko na kahit gaano pa ka-busy ang mundo, basta kasama ko siya, may peace ako, may kilig, at higit sa lahat, may pagmamahal na ramdam sa bawat galaw niya. Pabalik kami sa office ni Nicholas, magkahawak ang mga kamay namin, pero ramdam ko agad na may ibang energy sa paligid niya ngayon. Hindi siya malikot, tahimik lang, pero ang bawat hakbang niya ay parang may intensity na hindi mo maalis sa isip mo. Habang naglalakad kami sa hallway, narinig namin ang ilang staff sa gilid, medyo excited ang boses. "Gagi! Ang lakas ng kilig ko kay Miss Leona saka kay Leonard! Kung sila magkatuluyan sobrang pogi o ganda ng anak," sabi ng isa. Agad kong naramdaman ang

