Parang ang bilis ng lahat. Ilang buwan pa lang ang lumipas pero heto ako ngayon, nakaupo sa vanity chair habang inaayos ang buhok ko at ini-spray-an ng stylist na parang paghahanda sa coronation. The trailer was released yesterday and the internet was loud. Grabe, parang isang malakas na sigaw ang pagputok ng pangalan ko sa trending list. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiiyak, kasi noon pang bata ako pinangarap ko lang makasali sa pelikula, ngayon may mall shows na ako sa harap ng libo libong tao. Nakita ko pa ang notification sa phone, mention after mention, fan edits, clips from the trailer. They loved it. They loved me with Leonard, kahit hindi ko bet ang pairing na iyon off cam. Pero work is work. Sa mundo ng showbiz, kahit ayaw mo, you learn how to smile. You learn how to look in

