Pagkarating pa lang namin sa harap ng malaking building ng Greyford Enterprises, parang nanlamig agad ang palad ko. Ang taas ng building, parang tumatagos hanggang ulap. Makintab ang salamin, modern ang design, at kahit hindi ka magtanong, alam mong isa ito sa pinakamatatag at respetadong kumpanya sa bansa. Huminto ang sasakyan sa mismong harap ng entrance. Agad namang lumapit ang guard at valet para salubungin si Nicholas. Bumaba siya na parang ibang tao na ang kaharap ko. Kanina, sa loob ng kotse, nagkukulitan pa kami. Pero ngayon… biglang nag-iba ang buong aura niya. Nicholas Greyford, the CEO. The billionaire. The man everyone listens to. “Stay close,” mahinang utos niya. Tumango lang ako. Hindi ko na nagawang magsalita. Pagpasok namin sa loob ng lobby, halos lahat ng mata ay nap

