“Ano sabi mo?” galit kong singhal habang halos tumalbog ang boses ko sa buong sala. Hindi ko rin napigilan ang mabilis kong paghakbang palabas, sinusundan ko siya papuntang kitchen. “Wala,” malamig niyang sagot, ni hindi man lang lumingon. Napapikit ako sa inis. “Sabi mo mukha akong tae! Kapal mo, ah!” Bahagyang tumigil siya at tumingin sa akin mula sa gilid ng balikat niya. Nakaangat ang kilay, parang wala siyang pakialam, parang napaka-normal lang ng sinabi niya. “Narinig mo naman pala, e,” aniya sabay iling, diretso tuloy-tuloy sa dining table na parang wala akong binubugang apoy dito. “Ulol ka ba? Ako mukha tae? Eh kung ikaw kaya, mukha kang walang damit forever!” Hindi ko na napigilang itaas ang boses ko lalo, napapadyak pa ako ng sahig habang sinusundan siya. “Huwag na kayo mag

