Kabanata 6: My Comfort Zone

1103 Words
"I'm always here if you need me. I can be your comfort zone, your guardian, and I can also be your boyfriend milady." At bahagya akong natawa dahil sa huli niyang sinabi. Sa isang iglap ay lumabas mula sa kanyang likuran ang malalaki, puti, at magandang pakpak na nakapag pamangha sa akin. Nakakamangha, hindi ko akalaing totoo nga talaga ang mga nilalang na tulad niya. "Ano, Heavenly? Halika na..." Unti-unti akong lumapit sa kaniya, hinawakan niya ang aking kamay at nagtungo kami sa terrace. Masyadong malamig sa labas pero parang hindi ko nararamdaman. Mas nangingibabaw pa rin ang init sa pagitan namin ni Cairo. "S-saan tayo pupunta?" Hinarap ako ni Cairo at muling ngumiti. Ang kanyang mga ngiting... nakapagpapagaan ng aking pakiramdam. Sana ay laging ganito. "Sa kung saan tahimik at mapayapa, mag tiwala ka lang sa akin, Heavenly." At sa ilang saglit ay bigla na lang akong kinabahan ng maramdamang unti-unti na kaming umaangat. Nakahawak sa mga bewang ko is Cairo at nakahawak naman ako sa kaniya mga kamay na nakaalalay sa akin. "Huwag kang kabahan, andito lang ako." Napapikit na lang ako ng maramdaman ko na mas lalo kaming uma-angat. Sobrang higpit ng kapit ko sa mga kamay ni Cairo at pilit iniisip na ligtas ako sa mga kamay niya. Nalulula na ako kaya't 'di ko na nagawang mag mulat pa ng mga mata. Dinama ko ang napaka lamig na hanging dumadampi sa aking mga balat habang patuloy na naririnig ang bawat pagaspas ng pakpak ng anghel na nakaalalay sa akin ngayon. Unti-unti ay gumaan nang muli ang aking pakiramdam at nagawa ko nang imulat ang aking mga mata. Sa mga oras na ito ay hindi ko namalayang nakangiti na pala ako dahil sa aking mga nakikita. Halos tanaw ko na ang lahat. Ito ang isa sa pangarap ko... Ang tanawin ang buong mundo. Oo nga't hindi buong mundo ang nakikita ko ngayon pero, alam mo ba 'yong pakiramdam na wala kang ibang iniisip at pinoproblema... Ang gaan sa pakiramdam na tanaw mo ang iilang sulok ng mundo at napaka gandang pag masdan. Pakiramdam ko ay unti-unti ko nang nakakalimutan ang sakit sa puso ko. "Malapit na tayo, Heavenly." Saad ni Cairo. Hindi ko man alam kung saan, pero alam kong maganda rin doon at mapayapa. Dinama ko muna ang bawat lugar na nadadaanan namin. Ang mga ilaw sa bawat gusali na waring mga bituin ang higit na nag paangat ng kagandahan ng paligid. Hindi ko alam na ganito pala kaganda ito, noon kasi ay hindi ko binibigyang pansin ang kahit na ano, kahit na si... Brylle, kaya rin siguro ganito ang kinahantungan ng lahat. Ilang sandali pa ay tanaw mula rito ang parola sa bandang gitna ng karagatan. Halos hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko ng makita ang dagat. Takot ako dito, at ngayon ay naiisip ko na maaaring mahulog ako. "Stop overthinking, Heavenly. Remember what I said," sabi ni Cairo, alam kong nababasa niya ang nasa isip ko kaya't alam niyang natatakot ako. Pinakalma ko ang aking sarili hanggang makarating kami sa tuktok ng parola. Dahan-dahan niya akong ibinaba at halos matumba naman ako sa takot. Hindi na ako hawak ni Cairo, kaya't mas lalo akong natakot. Bumaba na rin si Cairo at muling tumiklop ang kanyang mga pakpak at sa isang iglap ay muli rin itong nag laho. Umupo si Cairo at sumandal sa mumunting bubong ng parola. "Come here, milady." Lumapit ako sa kaniya kahit halos manginig na ang mga paa ko. Pinagpag niya ang kaniyang tabi na pinapahiwatig na ako'y umupo sa tabi niya kaya't 'yon ang ginawa ko. "Look." Itinuro niya ang mga bituin sa langit. "Alam mo ba na hindi ka dapat malungkot? Ang mga bituin na iyan... Andiyan lang sila at patuloy na kumikinang, pero pag huminto sila sa pag kinang at pagliwanag ibig sabihin nito ay pagod na sila." pagliwanag niya. "Hindi ko masyadong maintindihan." Bahagya naman siyang natawa. "Ikaw, para kang bituing kumikinang... At ako? Isang hamak na anghel na hindi hahayaang mawala ang iyong liwanag." "B-bakit?" Ang bawat katagang binibitawan niya ay katumbas ng unti-unting pag gaan ng aking pakiramdam. "Hindi na mahalaga pa 'yon, Heavenly. Intindihin mo na lamang." Muli na naman siyang natawa ng makita ang pag kunot ng aking noo. "Alam mo, Cairo, hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko tapos ganiyan ka pa." Napa-cross arms ako at umiwas ng tingin sa kaniya. "Heavenly, lahat naman tayo may mga bagay na hindi maintindihan." Muli akong kumalma at nakinig sa kaniya. "Minsan ay panahon ang kailangang hintayin bago mo maintindihan ang lahat." patuloy niya. "Hindi mo man maintindihan ang nararamdaman mo ngayon, hindi mo man batid kung bakit nangyayari 'to sayo, darating din ang panahon at unti-unti mong maintindihan ang lahat." Muli niyang napagaan ang pakiramdam ko at sa bawat binibitawan niyang salita ay siyang unti-unting pagkawala ng sakit sa puso ko. "Alam mo, Cairo... Hindi ko rin alam kung bakit mo nasasabi ang lahat ng 'yan. Dahil ba anghel ka o dahil naranasan mo na rin?" Tumingin sa akin si Cairo. "Dahil naranasan ko na rin." Kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Nais ko pa sanang mag tanong pero agad naman siyang tumayo at tumingin sa kawalan. "Heavenly," tawag niya sa akin. Tumayo na rin ako at kinalimutan ang takot. "Tingnan mo, payapa ang dagat at magandang pag masdan. Hindi mo dapat katakutan, hindi 'ba?" Tinanguhan ko siya ngunit nakatuon lang ang aking pansin sa dagat. "Payapa ang gabing ito at malaya kang isigaw lahat ng nais mo. Ilabas mo ang bigat na nararamdaman mo, Heavenly," kalmadong sabi niya. Saglit ko pang pinag masdan ang paligid at sinunod ang sabi ni Cairo. "Pagod na ako sa buhay ko!" sinimulan ko nang sumigaw habang nakatitig lamang sa akin si Cairo. "Pagod na akong masaktan! Pagod na akong mag kunwaring masaya! Pagod na akong mag kunwaring walang pakialam sa lahat ng bagay! Pagod na akong mag tago sa likod ng masayang maskara! Pagod na pagod na ako!" At halos mapaluhod na lang ako at humagulgol. Agad naman akong inalalayan ni Cairo at pinaupo. Gumaan nga ba ang pakiramdam ko? Oo, nailabas ko na ang bigat na nararamdaman ko at naiyak ako dahil sa wakas ay nagawa ko nang pakawalan ang sakit sa puso ko. "Okay ka lang ba, Heavenly?" Tumingin ako kay Cairo at ngumiti. Tinanguhan ko rin siya at mahigpit na niyakap na naging dahilan ng pagkagulat niya. "H-Heavenly?" "Thank you... Thank you My Crazy Guardian Angel." My Crazy Guardian Angel. My Comfort Zone. Itutuloy... Abangan ang mga susunod na kabanata. ~ShamieDove
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD