Tanghali na akong nagising at napabuntong hininga pa bago bumangon. Anong oras na rin kaming nakabalik dito ni Cairo kagabi kaya't ito puyat ako.
Dumeretso ako sa cr at nag-ayos saka bumaba. Naabutan ko si tita Crell na may kausap pero hindi ko alam kung sino kaya sinilip ko ito at halos mapatalon ako.
"Daddd!" Patakbo akong lumapit sa kanya at napatingin naman siya sa akin at agad akong niyakap ng mahigpit. "Dad hindi ko alam na uuwi ka na pala." Ilang araw na kasing hindi umuuwi si daddy dahil sa work niya at lagi siyang nag o-over time kaya halos doon na rin siya matulog at binibisita na lang siya ni tita Crell pero hindi ako sumasama.
"Miss me? Hindi ko rin alam na nakauwi ka na pala," saad niya at bumitaw na ako sa pagkakayakap. "How's your vacation, Heavenly?" tanong pa niya at hindi agad ako nakasagot.
Ayaw ko namang sabihin agad na wala na kami ni Brylle dahil parang ang pangit na bungad naman no'n. "Ah, o-okay naman po," sagot ko na lang at tinanguhan niya ako at bahagya ring nginitian.
"BTW, hon..." Napalingon kami kay tita Crell. "May kasama nga pala si Heavenly pag-uwi niya." Oh, shocks! It's Cairo...
"Who? Is it Brylle? Where is he?" sunod-sunod na tanong ni dad at napasinghap naman ako. Why oh why?! Ayaw kong maging topic si Brylle. I haven't move on yet.
Sasagot na sana si tita Crell pero inunahan ko na ito. "Ah, no. Hindi si B-Brylle, dad." Parang nagtaka pa si daddy at bahagya ring napakunot ang noo. "Then who?" he asked. Muli sana akong sasagot pero naagaw ang pansin namin ng isang malakas kalabog na parang may nahulog na kung ano, at para 'yung mula sa kuwarto ni Cairo.
"What's that, manang?!" pasigaw na tanong ni daddy. Lumabas naman si manang mula sa kusina "Ah, titingnan ko po, sir." Yumuko si manang at agad na umakyat sa taas. Susunod sana ako pero pinigilan ako ni dad. "Heavenly, dito ka muna I'm talking to you," may-awtoridad na utos ni dad.
"D-dad?"
"Sino ang sinasabi ng tita Crell mo na kasama mo raw pag-uwi mo? Kung hindi si Brylle ay sino? Kaibigan mo ba?" sunod-sunod na namang tanong ni dad.
"Ah, si--" Muling naputol ang sasabihin ko nang marinig ang mga yabag sa hagdan at napatingin ako dito at nakita si Cairo na tumatakbo at...
"Wahhh! Sorry pooo!" At hinahabol ni manang? "Sorry po hindi ko sinasadyaaa!" Mabagal ang takbo ni manang at halos matumba pa ito sa hagdan.
"And who is he?!" nagtatakang tanong ni dad. Gosh! "Oh, Cairo. What's wrong?" kalmadong tanong ni tita Crell. Napatingin naman ng masama si dad sa tumatakbong si Cairo. Nakalapit sa amin si Cairo at agad na tumago sa likod ko. Hindi ko tuloy alam ang ire-react ko.
"C-Cairo ano ba? Ano bang nangyayari?" naguguluhang tanong ko pero hindi agad siya sumagot instead ay sumigaw pa siya na parang bata nang makalapit sa amin si manang na may hawak na pamalo. "Wahhh! Maawa ka po masamang gawain 'yan." Tita Crell laughed. Napahinto naman si manang at napatingin sa pamalong dala niya at nang mapagtanto kung ano ang ginagawa niya aya agad niyang itinago ang pamalo at ngumisi pa sa amin.
"Ijo, pasensya ka na," nakangising sabi ni manang. "Ano po ba kasing ginawa ni Cairo, manang?" tanong ko dahil hindi naman ganito ang gagawin ni manang kung alam niyang walang kasalanan ang isang tao. Mabait kaya si manang. "Ah, eh..." Napakamot pa sa ulo si manang. Napansin ko ring parang naghihintay ng sagot si dad at tita Crell. "Nasira lang naman niya 'yong paboritong bonsai ni ma'am Crell," paliwanag niya pero nakangisi pa rin parang ang creepy tuloy. Sa tingin ko nanggigigil si manang at hindi natutuwa.
"W-What?!" Napalingon kaming lahat kay tita Crell. Napahawak siya sa kanyang ulo at parang mahihimatay na kaya't agad siyang inalalayan ni daddy. "Are you okay?" nag-aalalang tanong ni dad at tinanguhan naman siya ni tita Crell.
"Sino ba 'yang Cairo na 'yan, huh?!" medyo may galit na tanong ni dad. Nagkatinginan naman kami ni Cairo. Uhg! Mapapahamak pa ata ako dito dahil kay Cairo. Anghel ba talaga 'to? Hindi halata, eh. Pasaway...
"I'm Cairo the handsome po, Mister..." Muling napakunot ang noo ni dad dahil sa biglang sagot ni Cairo. Napatingin ulit sa akin si dad. "Is he your new boyfriend? But how? Where is Brylle?" Ito na nga't tinanong na niya, gosh! Napabuntong hininga muna ako bago sumagot. "We're just friends, dad. At saka w-wala na po kami ni B-Brylle," utal-utal na sagot ko. Alam kong magugulat si dad, ilang taon ba naman kami ni Brylle tapos magtatapos kami ng ganon-ganon na lang? How pathetic.
"But why and why? Sinaktan ka ba niya?"
"Ah, dad. Saka ko na lang po ipapaliwanag." Ayaw ko munang pag-usapan ang tapos na. Gusto ko mang ipaintindi sa kanila pero ayaw ko namang muli akong lumuha. At... at ayaw kong maiyak sa harap nila. "Okay, I understand. It's better to forget him." Tinanguhan ko lang si dad. Alam kong naiintindihan niya ako dahil lagi naman niya akong iniintindi, that's why I love him so much. Kaya inintindi ko rin siya nang sabihin niya ang tungkol sa kanila ni tita Crell back then.
"Thanks, dad. Ahmmm, m-magpahinga na po muna kayo ipagtitimpla ko kayo ng kape." Nginitian niya ako at tinanguhan saka umupo sa sofa katabi si tita Crell.
Umalis na ako at nagtungo sa kusina hanggang sa bumalik sa isip ko si Cairo. Narito nga pala siya at nakasunod sa akin.
"Heavenly, kamukhang-kamukha mo ang daddy mo 'no?" Napalingon ako sa kanya. Ngayon ay nakasandal siya sa may lababo at pinagmamasdan lang ang pagtitimpla ko ng kape.
"Syempre, ama ko siya. Tsk!" Palagay ko pamimilosopo ang sagot ko. "Okay," tanging naisagot niya at bahagya na lang akong natawa. "Gusto mo rin ba ng kape?" tanong ko.
"Syempre, oo. Gusto kong matikman ang lasa niyan. Balita ko masarap daw 'yan." Iniabot ko sa kanya ang isang tasa ng kape. "Tikman mo. Hindi lahat ng kape ay masarap, depende rin ito sa pagkakatimpla." Agad niyang hinigop ang kape at halos iluha niya rin ito. "Ang initttt!" sigaw niya.
"Ikaw kasi, hipan mo muna." Kumuha ako ng pamunas at iniabot iyon sa kanya.
"Ah, ganon ba 'yon?" parang bata na namang tanong niya. Ganito ba talaga ang mga anghel? Parang mga bata pero para sa akin ang cute. Haha. "Sige, dadalhin ko muna itong coffee ni dad sa kanya." Hindi ko na hinintay pa ang sagot at agad na tinalikuran siya saka muling bumalik sa salas kung nasaan sila tita Crell.
"Here's your coffee, dad." Inilapag ko sa mesa ang kape at uupo sana ako sa tabi nila pero bigla namang may kumatok sa pinto.
"Manang pakibuksan nga 'yung pinto," utos ni dad.
"Ah, ako na lang po," presenta ko naman at tinanguhan lang niya ako. Agad akong lumapit sa tapat ng pinto at binuksan ito. Bumungad sa akin ang isang lalaki na nakaitim at nakasuot ng sumbrero. Paano ito nakarating dito samantalang sarado 'yung gate. Napaka-mysterious naman nito.
"Ah sino po sila?" tanong ko pero hindi ito sumagot agad at iniabot lang ang isang bouquet of flowers. "Para kanino po ito?"
"Ipinabibigay lang po," sagot niya nang hindi man lang tumitingin sa akin.
"Pinabibigay? Sino ang nagpabigay?" tanong kong muli pero hindi niya ako sinagot at bigla na lang umalis. Ano 'yun baliw?
"What's that, Heavenly?" tanong ni tita Crell. Lumapit naman ako sa kanila. "OMG! A bouquet of flowers! Kanino raw galing? Kay Brylle?" Hindi muna ako sumagot. Nagtatakang binasa ko ang card na nakalagay sa mga bulaklak. Dito nakasulat ang pangalan ng nagbigay.
"Haicus," basa ko sa nakasulat na pangalan. Sino si Haicus?