Kabanata 8: Hell is waiting...

1227 Words
Habang isinasalansan ko ang mga bulaklak na natanggap ko sa flower base ay hindi pa rin mawaglit sa isipan ko kung sino si Haicus at kung bakit niya ako binigyan ng flowers. Secret admirer ko ba siya? Eh? Patuloy ako sa pag salansan ng mga bulaklak habang pinagmamasdan lang ako ni Cairo. Kanina pa siya nakatitig sa akin mula kanina habang walang ekspresyon ang mukha. Weird. "Sino kaya 'yon 'no?" Napatingin ako sa kanya nang mag salita siya. "Sinong tinutukoy mo?" tanong ko. Napakunot naman ang noo niya. "Eh, di yung nag bigay sa 'yo niyang mga bulaklak, sino pa ba? Tsk! Siguro sa dami ng may gusto sa 'yo nalilito ka na." Umiwas siya ng tingin. Umupo naman ako sa tabi niya. "Sa'kin? Maraming nagkakagusto, Oo. Pero ni isa sa kanila wala pa akong nagustuhan maliban na lang sa isang tao--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang humarap sa akin si Cairo at nag salita. "Maliban sa isang tao na siya namang nanakit sa 'yo?" Hindi ako nakasagot. "Alam ko naman kung sino... Pero maaari bang kalimutan mo na lang ang taong 'yun, para sa ikabubuti mo rin." Bahagya naman akong napatungo. Mahirap makalimot, pero kung gugustuhin ko ay madali lang. Yeah, nababasa ni Cairo ang nasa isip ko alam ko kaya mahirap ring takasan ang ganitong usapan. Napabuntong hininga ako. "A-ayaw ko na siyang pag-usapan. Gaya nga ng sinabi mo... kakalimutan ko na siya. By the way, I have to go." Agad akong tumayo. "Sandali, saan ka pupunta?" tanong niya habang nakasunod sa akin. "Bakit hindi mo alam? Di ba nababasa mo ang nasa isip ko?" "Oo nga, pero blanko ang isip mo." Natigilan ako at humarap sa kanya. "Sa school, pasukan na ulit next week at marami pa akong dapat ayusin," paliwanag ko na lang at muling tinalikuran siya. Dumeretso ako sa kwarto ko at hindi na nakasunod sa akin si Cairo. Pero pag bukas ko ng pinto... "Pwede bang sumama?" ay galanteng nakaupo na siya sa kama ko. Ugh! I almost forgot, may kakayahan siyang mag laho at sumulpot na lang kung saan-saan. "Hindi pwede," sagot ko at nilampasan siya. Agad akong nag tungo sa walk in closet ko para kunin ang mga damit na isusuot ko. "Bakit naman hindi pwede?" "Basta hindi pwede, huwag kang makulit." "Kailangan kasama ako. Kailangan kitang bantayan." Pagmamatigas niya. Napailing na lang ako. "Hindi ko kailangan ng guard. Kaya ko sarili ko." Napailing naman siya. Hindi ko na lang pinansin. I got my bag at saka lumabas ng bahay at sumakay ng kotse. But when I open the car's door, ay bumungad sa akin si Cairo. Buwesit naman! "Anong ginagawa mo diyan?" mataray kong tanong. "Naka-upo," he answered sarcastically. Sa dinami-dami naman siguro ng anghel, e bakit ito pa ang naging Guardian Angel ko? My goodness! "Sorry ka. Swerte ka pa nga kasi ang cute ng guardian Angel mo." Oh, I forgot. Nababasa niya ang nasa isip ko. Tinarayan ko na lang siya. "Cute nga pero nakakainis! Alis nga d'yan!" I push him papunta sa left sit pero nag papabigat pa siya. "Hala! Ang bad mo, susumbong kita," parang batang sabi niya. Tsk! Childish! "Huwag mo na akong itulak, lilipat naman ako, e. Basta isasama mo ako?" "Somewhere, over the rainbow ~~ A-aray!" Hindi na ako nag dalawang isip. Binatukan ko agad si Cairo kahit anghel pa siya. Eh, kakanta-kanta ba naman e alam na nag mamaneho ako. Buti sana kung mala-anghel rin ang boses niya. "Bakit ba? Hindi ka naman mamamatay kapag kumanta ako, ah!" pigil-iritang sabi niya. Sige, mainis ka lang para fair. Kasama ko na si Cairo ngayon, papunta kami sa school. Wala na akong magagawa, mapilit siya, e. Pero pag ako hindi nakapag pigil dito naku! Patawarin ako ni Lord. "Way up high~~ohhh~" Patuloy sa pag kanta si Cairo at hindi ko na lang ito pinansin baka kung ano pa ang magawa ko sa anghel na ito. Ewan ba kung paano niya nalaman ang kantang 'yon at nakiki-vibe pa siya. "We're here. Huwag ka nang bumaba." I closed the door nang makababa ako sa kotse. Nakatitig lang sa akin si Cairo habang walang ekspresyon ang mukha, hindi ko alam kung anong iniisip nito. Bago pa ako tumalikod nakita ko sa mukha nito na parang batang iniwan ng nanay. Habang naglalakad ako napapaisip rin ako kung ano na ang mangyayari sa buhay ko ngayong may anghel nang laging naka buntot sa akin. Siguro sasabay na lang ako sa agos ng buhay. Bahala na ang tadhana, hindi ko rin alam kung ano talaga ang misyon sa akin ni Cairo. Maybe, mapagbago ako? I don't know either. "Oh, Heavenly?" Nakasalubong ko si Kria kasama si Lia. Kambal sila. "Mag-e-enroll ka na? Sabay tayo," sabi nila pareho. I just smiled. "Hayst, I know the answer naman. Kakarating mo lang. So, tara? Enroll tayo." Inakbayan na nila akong dalawa at sinama sa office kung saan kami pwedeng mag-enroll. After namin mag-enroll, nagpaalam na rin ang kambal na uuwi na rin sila kasi may lakad pa raw sila kaya naiwan ako dito sa school. Nagpunta pa kasi ako sa library may inasikaso lang. Nag tingin na rin ako ng libro. While choosing a book, may napansin akong lalaki na naka-hoodie. Narito rin siya sa loob ng library pero mukhang wala naman siya binabasa. Basta nakasandal lang siya sa may book shelves. Hindi ko rin masyadong makita ang mukha niya. Hindi ko na lang s'ya pinansin at nag patuloy ako sa pag pili ng libro. But then, nagulat na lang ako sa pag lingon ko dahil nasa likod ko na 'yung lalaking naka itim na hoodie. "A-ahh... A-ano pong kailangan nila?" I asked dahil baka may kailangan lang siya. Pero hindi siya sumagot. Unti-unti siyang lumapit sa akin hanggang halos isang dangkal na lang ang pagitan namin. Amoy ko ang matapang niyang pabango. "Ah, e-excuse me?" Kinakabahan na ako. Umantras na lang ako pero na-corner na ako. Sino ba 'to? Gosh! Cairo where na you? Nang lalo siyang makalapit sa akin ay inilapit niya ang kanyang mukha. Akala ko hahalikan niya ako. "Malapit na, Heavenly. Hell is waiting," bulong niya. Tapos bahagya pa siyang tumawa. Iyong tawang nakakaloko, parang tawa ng demonyo. Sa sobrang kaba at takot ko ay nagawa ko na siyang itulak at mabilis akong tumakbo. Pakiramdam ko nakasunod pa rin siya sa 'kin dahil rinig ko pa rin ang kanyang malamig na boses sa tainga ko. "Hell is waiting... Soon you'll be mine." Paulit-ulit ko itong naririnig. Grabeng kabog ng puso ko. Pag labas ko ng library ay madilim na marahil ay uulan, pero kanina naman mainit? Ah! What's happening?! "Hindi mo'ko matatakasan. Lagi lang akong nagmamasid sa'yo. Hahaha! Hell is waiting, Heavenly..." Huli kong narinig bago ko makasalubong si Cairo. Agad ko itong niyakap. Hingal na hingal ako, at kabado. "What happened? Hindi ko mabasa ang nasa isip mo. Are you okay?" agad niyang tanong. Hindi pa rin ako umaalis sa pag kakayakap sa kanya. "Cairo, tell me... Tell me that you wouldn't leave me. At hindi mo'ko pababayaan..." Gusto ko itong marinig mula sa kanya, gusto kong mawala ang takot ko. "Heavenly, don't worry. You're safe with me. I will never leave you." Then he hugged me back. Now I feel comfortable.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD