bc

Costiño Series 5: The Painful Battle

book_age16+
688
FOLLOW
1.8K
READ
possessive
dominant
inspirational
doctor
bxg
heavy
serious
campus
childhood crush
engineer
like
intro-logo
Blurb

Delrose Visitacion Costiño has a big heart to help the people. She's like her mother, a doctor of everyone. To find a cure in a certain ill. Until one day, the global pandemic came and change her life. Would she find a cure to debar this pandemic? Or everything lost to her?

chap-preview
Free preview
Simula
Simula Namulat ako sa mundong punong-puno ng problema. Lumaki akong maraming natuklasang karahasan na nagaganap. Mga kabataang napag-iwan ng panahon. Mga taong nalulong sa mga masasamang bisyo. Bata palang ako, minulat sa akin ni mama na ang mundo ay unti-unti ng namamatay. Pagod na itong kargahin tayong lahat. Pagod na itong umikot at alagaan tayo. Pagod na itong gumalaw at bigyan tayo ng makakain. Nakaranas ako ng iba't-iba delubyo na dulot ng mundo. Bagyo, matinding sakit, tagtuyot, at kawalan ng sapat na pagkain. Paano nangyari iyon? Isa lang ang nasa isip ko kung bakit natin nararanasan ang mga ganitong pangyayari. Napapabayaan na natin ang kalikasan. Inuubos natin ang punong nagbibigay hangin para tayo ay huminga. Unti-unting nagiging industrial ang lahat. Ang dating nagsisitaasang puno ay ngayon building na ang nakatayo. Ang maganda simoy ng hangin ngayon ay sakit sa balat. Sa nakalipas na taon, nararamdaman ko ang galit ng mundong ito. At hindi na ako magugulat pa, isang araw ay gumanti ito sa atin. Sa marahas na paraan. Sa uubos ng tao. Sa kukuha ng buhay. Nabasa ko sa isang libro ang nangyari noong 2013 kung saan libo-libo ang namatay dahil sa dulot ng matinding delubyo. Sumunod ang pagputok ng bulkan dahil sa klima. Lindol na yumanig sa iba't-ibang nasyon. At ngayon naman ay hinihintay pa natin kung anong sunod ang gagawing pag gaganti ng kalikasan sa atin. Nilapag ko ang stethoscope sa lamesa at umupo sa swivel chair ko. Ngayong araw ay pagod na pagod ako dahil sa dami ng pasyenteng dinala sa hospital na ito. Iba't-ibang uri ng sakit ang pilit kong pinapagaling upang mailigtas pa ang taong hindi pa handa mawala sa mundo. Binuhay ko ang cellphone at tinignan kung may mensahe ba galing sa mama ko. Hindi ako nagkamali dahil nakita ko sa screen ang message ni mama. From mom: Nak please be safe. Tumawag sa akin ang director chief ng hospital sa Ormoc, dumadami na daw ang cases ng virus sa ibang bansa. Natatakot ako at baka lumaganap dito sa atin. Please, be safe. Nag-aalala na kami ng papa mo. Pagod akong ngumiti sa mensahe ni mama. Hindi maiiwasan ang ganyang panganib, lalo pat nararamdaman ko na ganti ito ng mundo sa atin. Kahit anong pilit na pag-iwas, kung tatamaan ka tanggapin mo. It's either you'll refuse to believe or let that virus kill you. I am a doctor, like my mother field. Pinasok ko ang larangan na ito dahil nakumbinsi ako ni mama na mas masarap sa pakiramdam kapag may natutulungan ka. Though my father is against in this field, but he didn't stop to pursue it. Dalawang taon na akong doctor dito sa Tacloban Medical Center. Sa Manila ako kumuha ng medicine pero dito ko napili magtrabaho. Hindi ako napigilan ni papa sa kagustuhan na pangarap, alam ko na nag-aalala lang siya sa akin pero kaya ko naman ang sarili ko. My mother is a good doctor in her time. She was came from the well known family, The Fumar Family. She was consisted honor back in her junior but when my father came, her life ruined. Gaya ng kwento niya sa akin, may lihim daw na pagtingin si papa sa kanya. Kinulit daw siya at sa huli ay nahulog. My father is her great love, kahit pa noong pinaghiwalay sila ni Lola. When she finished her studies abroad, my father pursue her again. And at the end, they belong to each other arms. On the other hand, my father is a great enemy of my mother. He was very in love with her to the point that he wanted to impregnate my mother. Pero dahil nilihim niya ang totoong buhay, inakala ni mama na mahirap lang talaga siya. Pero hindi siya pumayag na mawala nalang basta-basta ang babaeng mahal niya, he insist himself to get mom. And as what I've, they bring back in each other's arm. My parents love story is the best for all the stories I've heard. It never get old, until now I can see the love in their eyes. Never faded. Napahinga ako ng malalim bago tumayo sa swivel chair at lumapit sa bag ko. It's already six in the night, and I need to go home now. I'm so tired and my body wants my bed now. Pagkalabas ko ng office, sumalubong sa akin si mang Gerard. Siya ang janitor sa hospital na ito. Nandito na siya nung bago palang ako, mabait na tao at may responsibilidad sa pamilya. Ngumiti siya sa akin kahit pa may mask ang kanyang mukha. Why are they wearing mask? Ano bang meron? "Uuwi ka na po doc?" Magalang niyang tanong. Tumango ako habang nakangiti. Matanda na si mang Gerard at alam ko na hindi na niya kaya ang magtrabaho pa. Pero dahil may pinapaaral siyang mga anak at pinapakaing pamilya, nagpapatuloy parin siya sa pagkayod. "Opo Mang Gerard. Tapos na ako sa duty ko eh, kayo po?" Sagot ko. Tumayo siya ng tuwid at nilagay ang floor map sa gilid. Tumingin siya sa akin at huminga ng malalim. "Mamaya pa ako eh. Kailangan ko pang tapusin itong paglilinis. Doc bakit wala kayong suot na mask?" Tanong niya ulit. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Kailangan bang magsuot nyan ngayon? Balita ko ay virus free pa ang bansa at wala pang cases kaya dapat hindi na muna magpapanic ang mga tao. World is suffering a deadly virus. Yesterday I heard in some of my co-doctors that it was already declared as a global pandemic. Ibig sabihin malala na siya at nahihirapan pa ang mundo na makahanap ng lunas. Saan nga ba nag-umpisa ang virus na ito? At ngayon ay kumikitil ng libo-libong buhay. I am not yet afraid because there is no cases in the country, but I had to prepare. Prepared for duty in times of needed. Lalo pat malaking banta ito sa buhay ng mundo. The virus killed the human expiratory system. As what I've learned, it slowly kill the immune of human. Kapag daw hindi malakas ang resistensya ng isang tao, may posibilidad na tamaan ito ng nakamamatay na sakit. Last month it was news in the television that the virus killing the people of China. As of last month, the total death toll rises in ten thousand, and counting. There is no yet a vaccine that prevent the virus. "I forget it. Atsaka wala pa naman siguro dito sa bansa natin." Sagot ko. He just sighed. "Doc dapat ay prepared kayo. Sa oras na dumating sa bansa natin ang delubyo, may panangga ka. Nag-aalala nga ako sa anak ko na nasa Maynila. Hindi pa tumatawag sa amin hanggang ngayon." Malungkot niyang sabi. Tumango-tango ako sa matanda. Dapat hindi na talaga siya nagtratrabaho pa. Ang katulad niya ay nasa bahay nalang, nagpapahinga. Nung una sinabihan ko siyang magpahinga na sa trabaho kaso ayaw niyang iwan ang pagiging janitor. Ika'y ito daw ang nagpatapos sa anak niya na nasa Maynila ngayon. To be exact, his son graduated of engineering in Far Eastern University. Laking pasasalamat niya sa maykapal dahil napagtapos niya ang lalaking panganay na anak. Tatlo ang anak niya, dalawang lalaki at isang babae. Yung dalawa nalang ang nag-aaral samantalang nagsisimula nang magtrabaho ang anak niyang engineer. Hindi ko lang alam ang pangalan. Sa tuwing sinasabi niya kasi sa akin pangalan ng anak niya, nakakalimutan ko sa dami ng ginagawa. Well it doesn't matter. Wala naman akong balak na alamin pa. I'm so busy with the patients, sometimes I even forget eating my meals. Nagagalit ng husto si mama kapag nakakaligtaan ko ang pagkain, masisisi niya ba ako eh ang daming dapat asikasuhin sa hospital. "Siguro ko busy lang Mang Gerard. Alam niyo naman ang syudad, masyadong madaming ginagawa. Maghintay nalang po kayo." Suhestiyon ko sa kanya. Tumango ang matanda bago pumikit sa akin ng madiin. Siguro talagang nag-aalala siya sa anak na nandoon sa Maynila. Wala naman kasing magulang ang hindi matitiis ang anak. Kahit ano pa ang kasalanan ng anak, sa huli kaya pa ding patawarin ng magulang. Sa kaso namin ng magulang ko. I've been some fights when I was college. Aaminin ko masyadong mataas ang pananaw ko sa sarili. I've put my pride to highest and even some of our professor didn't reach it. Nakikipag away sa mga kaklase ko kapag usaping gamot ang pinag-uusapan. Gusto ko lang naman na maging maayos ang mga dosage ng gamot sa oras na ibigay sa mga tao. Marami ang posibilidad na mangyari sa tao kapag mataas ang dosage ng gamot. It might have some implications that affect their life. It can get illness or even to death. Kaya kapag maging doctor dapat secure ang healthy ng tao. Naalala ko doon pa tumira sa Maynila sila mama at papa para gabayan ako sa pag-aaral. Kahit pa inaalagaan nila ang bunso kong kapatid. They stayed at my side whenever I needed them. They stayed to protect me. And I'm so grateful that I have parents like them. "Siguro nga doc. Baka busy lang." Dagdag niya pa. "Diba nakapagtapos na 'yong lalaking anak niyo. Engineer ba?" Tanong ko. Naguluhan ako sa sarili kung tinanong ko pa. He'd been telling me about the life of his son a long year. Kaya lang hindi ako sigurado kung tama ba ang naiisip. Baka mali ang pagkakaintindi ko. Masyado kasi akong maraming iniisip at kahit mga lalaking nakakasalamuha ko ay hindi mga kilala. Focus lang talaga ako sa trabaho, minsan nga nadulas si lola na sabihin sa akin na baka tumandang dalaga ako. Sa sobrang devoted ko sa pagiging doctor hindi ko na napapansin ang mga lalaking nanliligaw sa akin. I devote myself in this field. I devote my life being a doctor. Mahirap sa umpisa pero kapag minahal mo ang trabaho, nagiging madali ang lahat. I've been in this field for almost two years now. I've been encountered different people everyday. Healing patients everyday. Witnessing different kind of illness everyday. Nang pinasok ko ang larangan ito, inalay ko na ang buhay ko dito. Ngumiti si mang Gerard sa akin. Parang naalala niya pa ang anak na napatapos. Balita ko nasa college na din ang dalawa niya pang anak. Patuloy na inaahon ang pamilya sa kahirapan. I salute to this man! He deserved to have a life peace. "Oo doc. Engineer ang natapos ng anak ko. Atsaka nag top 2 board exam siya hindi niyo ba naalala?" Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Talaga ba? Nag top two sa board exam 'yon? Hindi ko nga talaga matandaan sa sobrang dami ng iniisip. I didn't even remember his name Mang Gerard! "Baka pati pangalan hindi niyo din matandaan doc. Kilalang kilala ka nun, palagi kitang kini-kwento sa kanya. Sabi'y may doctor kaming may malasakit sa tao. Kaya gusto kang makita sa personal." Sabi niya pa. Napangisi ako. Nakakahiya pa at sinabi niya sa anak ang ginagawa ko dito. "Mang Gerard naman. Nakakahiya pa sa tao." Sabi ko. Umiling pa siya bago ngumiti ng maluwag sa akin. Mang Gerard in his age still handsome. Malaki ang katawan niya, siguro'y malaki din nun kabinataan niya pa. Si papa hanggang ngayon makikita mo pa din ang kagwapuhan kahit pa may edad na. Nasa kuwarenta na siya at malakas pa din. Totoo naman ang sinasabi ni mama sa akin, he has the most handsome face she ever saw. Kung ihahalintulad daw si papa sa ibang lalaki, kayang-kaya makapasok sa showbiz kahit walang backer. Well I believe in that! Nakita ko ang mga larawan ni papa sa couple album nila. Gayundin si mama, sobrang ganda. Kaya sobra ang gulat ko ng malamang walang naging boyfriend si mama sa loob ng ilang taon. It's been my father her first after all. Ika'y nawalan siya ng panglasa sa ibang lalaki simula ng makilala niya si papa. Kahit ngayong may edad na sila, I can say that it's still there. The love, and passionate to each other. "Ruslan Dominico ang pangalan ng anak ko, panganay at may pangarap sa buhay. Gustong gusto makilala ang doctor na may malasakit sa tao." He said. Tumango-tango ako sa sinabi niya. Ruslan Dominico pala iyon, akala ko kasi Gerald o Jerald. See? Marami akong pagkakamali, na pati pangalan ng ibang tao nakalimutan ko na. Tumingin ako kay Mang Gerard. I sighed heavily. It's already seven, napasarap ang usapan namin. "Sige po Mang Gerard, aalis na ako. Hinihintay na kasi ako ng magulang ko ngayon." Pagpapaalam ko. Ngumiti naman ang matanda bago may dinukot sa bulsa niya. Kumunot ang noo ko habang hinihintay na ilabas niya iyon. Ilang sandali pa ay nakita ko ang isang mask na malinis at hindi pa gamit. Tumingin siya sa akin at inabot iyon. "Gamitin niyo po doc, mas mabuti ingat na po." Mabait niyang sabi. Ngumiti ako sa kanya at tinanggap ng buong puso ang mask. This kind of man, he deserved peace. Sana naman ay hindi na siya pag-alalahin ng anak niya. Mas mabuting ingatan niya ang magulang, lalo pat matanda na ito. "Maraming salamat po Mang Gerard. I will use this everyday. At hintayin niyo lang po ang tawag ng anak niyo, baka one of this days tumawag iyon." Sabi ko. Tumango siya at malungkot na ngumiti. Nag-aalala talaga siya sa kalagayan ng anak. "Sana nga doc..." Iyon ang huling pag-uusap namin ni Mang Gerard dahil umalis na ako ng hospital. Habang sakay-sakay ng kotse, hindi ko mapigilan isipin ang panganay niyang anak. Wait what the hell? Why am I thinking that guy? I didn't even see his face. Umiling nalang ako habang tinatanggal sa isipan ang lalaking ni minsan ay hindi ko pa nakita. Sa Our Lady Fatima School ako nag-aral ng medisina, it was one of the best school in terms of medicine. Kahit nasa Maynila ako, hindi ko naman siguro nakasalamuha ang anak niya. Maybe it will never happened to cross our paths. Dahil sa haba ng biyahe, binuksan ko ang radyo para makinig ng balita. Kasalukuyang binabalita sa radyo ang isang influenza na nangyayari sa mundo. Nilakasan ko ang volume ng radyo at nakinig ng mabuti. "The cases of this virus increase to double toll death. As what the department of health said, everyday thousand of dead is reporting. Ang sabi ng eksperto, ang virus na ito ay malala at maaaring umubos ng tao kapag hindi maagapan." Seriously? Ganun na kadami ang namamatay sa ibang bansa? Sa pagkaka akala ko, isang flu palang ito at kaya pang maagapan ng antibiotic. Tapos ngayon ay virus na, ang bilis naman mag develop ng sakit na ito. "Alamin natin kung saan nga ba nagsimula ang virus na ito. Usap-usapan ng mga doctors na nagsimula ang virus sa isang flu. Ang mga sintomas nito ay katulad lang daw ng pangkaraniwang sakit. Pero habang lumalaganap ito sa bansang Chicago, nag iba ang epekto nito sa taong natatamaan. Ang tawag sa virus na ito ay Trojan virus, ito ay program virus sa isang computer at kinuha ng mga doctor upang ipangalan sa virus na ito. Ang pangunahing hayop na nagtataglay nito ay daga." Trojan virus? Bagong naitalang virus ito ah! We have avian flu in Hong Kong in 2003-2004 that spread out among Asia. It was a type of virus transmitted to a birds. The Avian flu killed thousand lives and never been find a cure until now. Second is the 1918 Spanish flu, across the globe invade this flu. Bagama't matagal na itong virus, naitala itong isa sa mga deadly epidemic ng mundo. Tumagal ng tatlong taon ang paglaganap nito sa bansang Spain, and now we have Trojan virus. "Ang virus na ito ay nakuha sa dumi ng daga. Particular sa ihi nito, kapag nahalo sa tubig ay mabilis kumalat at nagiging sanhi ng pagtama sa isang tao. Unang sintomas na mararamdaman ng taong natamaan ng virus ay ang mainit na paghinga, nanghihina ang katawan at nahihilo, sumunod ay ang pagsakit ng kalamnan at panginginig ng tuhod. According to the department of health, the symptoms are just like a normal ill, mahirap ma-trace kung positive ba ang isang tao." Totoo ba ito? Huminto ako sa kahabaan ng Astrodome at nakinig pa sa radyo. "Nakukuha ang virus na ito sa tubig na minsan ay iniinom ng tao. Hindi lang sa pag-inom maaaring matamaan ang tao, posibleng maging sa ilong ay makuha ito. Kapag ang tubig na pangligo ay may dala-dala ng virus, maaaring sa pagligo ay makuha ito. Ito ang ikatlong virus na nakamamatay, tatagal ng sampung araw ang taong nagpositibo sa virus, sa ibang bansa ay naka quarantine ang mga tao upang maagapan pa ang pagdami ng kaso. Sa bansang Chicago ay naitalang humigit apat na libo na ang namatay, since it was the first country felt the virus." Oh God! Until now there is no treatment yet? Paano masusugpo kung hanggang ngayon ay walang gamot? Paano matutulungan ang mga taong natamaan kung hanggang ngayon walang pwedeng gawin para mapatay ang virus. Sampung araw lang ang itatagal ng tao sa oras na magpositibo ito. So ibig sabihin unang araw palang ay lalabas na ang sintomas. At kapag maramdaman ng tao ang lahat ng sintomas, ito ay nag positibo na sa Trojan virus. Walang ibang pwedeng gawin ang taong natamaan kung di ay hintayin ang araw na mamatay sila. Hindi pwede iyon! Dapat mabigyan sila ng lunas, mauubos ang tao kapag hindi ito malunasan. "Ang kakaiba pa sa virus na ito ay airborne siya. Maliban sa tubig, maaaring makuha ng isang tao ang sakit sa hangin. Kaya lahat ng tao ay pinapagamit ng mask upang hindi malanghap ang hangin na nagtataglay ng virus. Sa ngayon pinangalanan na itong TvD-1 o mas kilalang Trojan Virus Disease. Ito ay posibleng isang sangay ng leptospirosis ngunit malala at nagtataglay ng nakamamatay na sakit." Kinabahan ako. Hindi ba pwedeng gawan ng paraan ang mga taong natamaan nito? Hahayaan nalang ba silang mamatay? Sa Uganda nagsimula ang virus at maaaring sa tubig ito unang lumaganap. Kung iyon ang pagbabasehan, maaaring sa tubig din tumama ang virus. Particular sa tubig na iniinom. "Sa ngayon ay pinag-aralan ng department of health ang tubig ng bansa. As of last day, the DOH reported that our water is safe and free from TvD-1. Sa mga dam at iba pang kinukuhaan ng tubig, ito ay ligtas pa at hindi pa nararating ng virus. Ang payo ng mga doctor ay kung maaari pakuluan muna ang tubig na iinumin. Siguruhing kumukulo ito para mapatay ang virus na sanhi ng pagkamatay. Umiwas sa matataong lugar gaya ng malls, parks, and any other crowded place. Wala pang lunas ang sakit, ang tanging pwedeng gawin ng mga doctor ay symptomatic, painumin ng iba't-ibang antibiotic para maagapan ang sintomas." Antibiotic? That includes medicine in a normal flu. Unang sintomas palang ay dapat uminom na ang tao ng gamot pang lagnat. Para maiwasan ang pagkamatay, dapat sumunod ang lahat sa paalala ng eksperto. "Chicago is now under shut down. Since it was the rat capital. United States lend their help to the country, they give the personal protective equipment for the personnel and supplies of water for the drinking. Since Chicago water is contaminated of the virus, it is under restricted to drink. Uulitin ko ang mga sintomas na maaaring maramdaman ng tao sa oras na matamaan siya ng TvD-1. Una, Hot breathing o mainit na paghinga. Pangalawa, body pain o pagsakit ng katawan. Tatlo, dizziness o paghihilo. Apat, muscle soreness o pagsakit ng kalamnan. Ikalima, chills o pagnginig ng tuhod. After five days of quarantine, ang taong natamaan ay magkakaroon ng pamumuti ng labi, rushes sa katawan. Sa ikasampung araw ay ang pagsuka ng dugo sanhi ng pagkamatay." Nakakaawa ang mga taong inosente at nadamay sa kasarinlan ng mundo. Ang mga sanggol na walang kamalay-malay, unti-unting pinapatay dahil sa kasamaan ng tao. Ang mga matatandang gusto pang masaksihan ang paglagi ng apo nila ngayon ay wala na. Sa mundong ibabaw, kalamidad at sakit ang papatay sa atin. At alam kong paghihiganti na iyon ng mundo. Masyado na nating itong inabuso, na ngayon ay kalikasan ang pumapatay sa atin. "As of now, the toll death increase 5,890. At humigit 1,375 ang namamatay na mga doctors at nurses. Dahil sa kakulangan ng PPE, ang Chicago ay isinailalim sa lock down. Walang flights ang pwedeng papasukin sa bansa. Sana ay maging handa tayo sa sakit na ito, kung hindi man ngayon dapat ay maging handa lang. Hangga't maaari uminom ng mainit na tubig para maiwasan ang virus. Wag na munang makihalubi sa matataong lugar. Iwasan ang mga dates, gatherings and any other crowded places. As long as possible, stay at home and standby. Makinig sa payo ng doctors para iwas sakit. Kung may nararamdaman mang lagnat o iba pang sakit, magpakonsulta agad sa hospital. We can defeat this epidemic if we listened to the government. Let's just help each other to debar virus." Pinatay ko ang radyo. Iyon nalang muna ang mabuting gawin. Manatili sa bahay at hayaan ang mga doctors ang gumawa ng paraan para mapagaling ang may mga sakit. Napahinga ako ng malalim bago tumingin sa salamin ko. Stress na ako at kulang sa tulog. I think, I need some rest. Pinaandar ko na muli ang kotse at umalis na. Nakarating ako ng bahay hating gabi na. Tahimik sa labas at tanging street light lang ang liwanag sa kalsada. Hindi ko na nagawang ipasok sa loob ang kotse, lumabas ako at pumasok sa loob ng gate. I left my car out of the house, safe naman ang lugar namin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.9K
bc

His Obsession

read
104.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.7K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook