"Well, hindi naman kami gano'n kadalas na magkita...I think he's fine," nakangiting tugon ni Sieviana . "Hindi na ba kayo nag-uusap?" Umiling si Celine pero walang bahid na kalungkutan sa pagmumukha nito, "Hindi na. Siguro ay dahil abala siya sa trabaho niya. At isa pa, wala naman akong nakikitang dahilan para mag-usap kami palagi." "Akala ko ba nagkakamabutihan na kayo?" pagtatanong ni Sieviana habang kumain ng ubas. Rinig na rinig naman ni Sieviana ang pagputok ng chicaron habang kinakain ito ni Celine. Masarap naman kasi talaga ang chicharon na dinala niya kaya kahit na sino ay masasarapan talaga kapag natikman nila ito. "Wala akong sinabing ganiyan, a!" agad na angal ni Celine. "Magkaibigan lang kasi talaga kami at kung tutuusin, okay na ako do'n! Sino ba naman ako para mangara

