Bago pa ako tuluyang lumabas sa kwarto ni Silvien, binigay niya ang isang papel sa akin. Nang una ay hindi ko pa magawang bawiin ang tingin sa kaniya habang may pagtatanong sa mga mata ko kung para saan iyon. “Read it...” kalmadong sinabi ni Silvien at nag-oobserba lamang ang tingin. Tumayo ako nang maayos at kinuha iyon nang inabot niya. Inalis ko ang tingin sa kaniya at agad binaba sa papel na ngayon ay hawak na. I blinked once or twice just to make sure if I’m reading the header right... “W-What is this, Silvien?” halos mahina ko pang tanong at dahan-dahan nga iyong pinasadahan ng mga mata. “Tell me what you want to add, Triana. Iyan na ang lahat ng gusto ko,” dagdag niya at naupo roon sa swivel chair. I bit my lip when I felt the bitterness drip down my throat. Hindi ko iyon

