Nakasunod ako kay Silvien. Mukhang VIP talaga siya rito sa Bronte Hills at lagi ring dito tumutuloy lalo pa’t alam niya ang bawat pasikot-sikot. Kaya hindi na ako nagreklamo nang siya nga mismo ang maghahatid sa akin sa hotel suite ko. Gusto kong samaan ng tingin ang kaniyang likod ngunit nang bigla siyang humarap, agad kong inayos ang lukot na ekspresyon! Dumiretso kami sa isang presidential suite. Silvien has a card key already, dahilan para nangunot ang aking noo at napaawang ang labi. Wait, why does he have a card key of my suite? Calm down, Tri. Siguro ay ibibigay niya rin iyon sa ‘yo tutal ay ikaw naman ang tutuloy roon. Ang bait niya naman kung siya pa ang nagbukas ng pinto ko? Kaya nang nagbukas iyon at pumasok si Silvien, hindi ko na naiwasang mapatigil. Huminto ako sa

