Chapter Eleven

1178 Words
MAX'S POV Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Wala kaming pasok kasi kailangan naming mag rest. Mabuti na yung ganun para makapag relax ako. Nakakapagod kaya yung nangyari kahapon. Cheerdance tapos dagdagan pa yung pagpapakita ni Jacques sa'kin. "Alex!" Sigaw ni mommy sa baba. "Bakit po?" Tanong ko kay mommy. "Nandito yung pinsan mo," Sagot naman ni mommy. Bigla naman akong na-excite kaya agad akong lumabas ng kwarto at bumaba. Nakita ko naman si Lyndon na nakaupo sa couch habang nanonood ng T.V. "Hey Lyndon," Bati ko sa kanya. "Yow Alex," Nakangiting tugon ni Lyndon. Siya si Lyndon Isaac Silverio. The only son of Lyndrick Arthur Silverio and Issa Maricris Silverio. First cousin ko si Lyndon. Yung mommy ko at ang daddy niya ay magkapatid. Singer siya tsaka magaling mag compose ng mga kanta. May album na nung 16 years old siya. Produced mismo ng kompanya ng lolo namin, yung Silverio Music Industry. Someday si Lyndon ang magpapatuloy sa pamamalakad ng kompanya. Habang ako naman ang magpapatuloy sa pamamalakad ng kompanya ng lola namin, ang Silverio Clothing Line. Oh diba? Yayamanin. Two companies owned by our family. Pero kahit kumikita ang pamilya namin ng malaki, hindi kami pinalaki ni Lyndon na sanay sa luho. Tinuruan kami ng lolo at lola namin kung paano mabuhay ng simple. Dahil hindi naman daw lahat ng oras, may pera kami. Kaya ayun, nasanay kami ni Lyndon na hindi ini-spoil ng magulang. Kaya nga hindi ako sanay na pinoprotektahan ako ni Dexter eh para tuloy akong bata. "Anong meron at pumunta ka dito?" Tanong ko kay Lyndon. "Wala. Kakamustahin ka lang. Tagal din nating hindi nagkikita eh," Sagot niya. "Oo nga eh. Masyado ka kasing busy. Iba talaga pag sikat na," Natatawang sabi ko. "Sira. Pero balita ko sa Auradon Academy ka nag-aaral ngayon," Sabi niya habang kumakain ng chips. "Oo nga eh. Diba doon ka din nag-aaral?" Tanong ko. "Oo. Sa education department ako." Sagot naman niya. "Talaga? Bakit hindi tayo nagkikita doon? Sa education department din naman ako," Nagtatakang sabi ko. "Hindi naman ako masyadong mahilig lumabas ng room eh," Sagot niya. Napatango naman ako. "Anyway, nanood ka ba kahapon?" Tanong ko. "Hindi. May practice yung grupo namin eh," Sagot niya. Napasimangot naman ako sa naging sagot niya. "Oh. Wag kang gumanyan. Pumapanget ka eh," Natatawang sabi niya. "Ewan ko sa'yo," Mataray na sabi ko. "Eto naman pikon agad. Babawi naman ko next time. Chill ka lang," Sabi niya. Inirapan ko nalang siya. Tumayo naman ako at iniwan muna siya. Pumunta ako sa kusina at nakita ko si mommy na nagluluto. "Mommy anong ulam?" Tanong ko. "Of course your favorite, pork caldereta," Nakangiting sagot ni mommy. "Talaga tita? Favorite ko din yan," Sabat ni Lyndon. "Bastusan lang? Sabat ka ng sabat diyan," Mataray na sabi ko. "Eh ano naman ngayon?" Sabi ni Lyndon. "Ano ngayon? Biyernes," Natatawang sabi ko. "Sira ulo," Kamot-ulong sabi niya. "Mas sira ulo ka," Sabi ko naman. "Pinaka sira ulo ka," Ganti niya. "Sshh. Tama na yan baka mag away pa kayo," Pagsaway ni mommy. Tumahimik naman kami pero nag bebelatan pa din. Ayaw talaga namin magpatalo eh. I guess we really are cousins. It runs in our bloods. Maya maya nag ring ang phone ko. Tiningnan ko naman kung sino yung tumatawag. Unregistered Number. Nagtaka naman ako kaya sinagot ko na. "Hello," Sabi ko. "Hey Max. Kamusta?" Sabi nung nasa kabilang linya. "Jacques? Pano mo nalaman yung number ko?" Gulat na tanong ko. "Hiningi ko sa mommy mo kahapon nung pumunta ako diyan," Sagot naman niya. "Bahala ka," Sabi ko at binaba ang tawag. "Sino yun?" Takang tanong ni Lyndon. Bago pa ako makasagot, nag ring ulit yung phone ko. Nireject ko yung tawag tsaka ko in-airplane mode para walang makatawag. "Sino ba kasi yun?" Tanong ulit ni Lyndon. "Wala yun. Wrong number," Inis na sagot ko. "Wrong number? Bakit nagulat ka pa at kilala mo yung tumawag?" Tanong ni Lyndon. "Masyado kang pakialamero," Naiiritang sabi ko. "Sagutin mo nalang kasi yung tanong ko. Sino yun?" Nagtitimping tanong niya. "Si Jacques. My ex boyfriend," Walang ganang sagot ko. "Weeeh. Ikaw? May ex boyfriend?" Natatawang tanong ni Lyndon. Tiningnan ko naman siya ng masama. " Sira ulo ka talaga eh noh? Magtatanong ka sa'kin tapos hindi ka maniniwala sa sagot ko," Naiinis na sabi ko. "Chill lang boss. Masyado ka namang high blood," Sabi niya pero natatawa pa din. Inirapan ko nalang siya. Nawalan ako ng ganang makipag-sagutan ngayon. Maya maya ay tumunog ang door bell. "Buksan mo," Utos ko kay Lyndon. "Ikaw na," Sabi niya. "Bubuksan mo o tatadyakan kita?" Pagbabanta ko. Wala naman siyang nagawa kundi sumunod. Madali palang kausap 'to eh. "Yow bro," Rinig kong sigaw ni Lyndon mula sa sala. "Eyy," Rinig ko naman ang boses ni Dexter. Pinuntahan ko naman sila sa sala. At ayun ang mga kumag nakaupo sa couch habang nanonood ng TV. Feel at home eh. "Ang kakapal talaga ng mga mukha niyo," Sabi ko sabay upo din sa couch. "Oh papaalisin mo ako? Isusumbong kita kay Tita," Sabi ni Dexter. "Sinabi ko bang papaalisin kita?" Mataray na tanong ko. "Alam ko naman ang mga style mo eh," Sagot ni Dexter. "Hoy Alex bakit ka ba nandito? Akala ko ba tinatamad ka," Sabi ni Lyndon. "Bakit? Bahay mo ba 'to? Tsaka wala akong sinabing tinatamad ako," Naiinis na sabi ko. "Share mo lang?" Sabay na tanong ni Lyndon at Dexter at tumawa ng malakas. Inirapan ko nalang sila at bumalik sa kusina. Hindi ako mananalo sa dalawang yun eh. "Oh anak. Tawagin mo na si Lyndon. Kakain na," Utos ni mommy. "Ayoko," Sabi ko. "Sinusuway mo ba ako?" Nakapamewang na tanong ni mommy. Hayst. No choice. Bumalik naman ako sa sala. "Anong ginagawa mo dito?" Nang aasar na tanong ni Lyndon. "Kakain na daw," Walang ganang sabi ko. Nagsitakbuhan naman sila patungong dining area. Hayy. Mga patay gutom talaga. Sumunod naman ako sa kanila. Nakita ko silang nagkwe-kwentuhan. Umupo naman ako at nag cellphone at in-off ang airplane. Naka receive naman ako ng maraming messages. Mga unregistered number. Kay Jacques na naman 'to. Hindi ko na binasa yung texts niya. Pinanood ko nalang yung video ng sayaw namin kahapon. "Oy patingin. Manonood din kami," Sabi ni Lyndon. "Ayoko nga," Sabi ko. "Ang damot mo," Sabi ni Dexter. "May cellphone naman kayo ah," Angal ko. "Wala kaming video ng cheerdance niyo eh," Sabi ni Lyndon. "Meron kaya si Dexter," Sabi ko. "Wala ah," Sabi ni Dexter. "Manigas kayo diyan. Nanonood ako eh," Sabi ko na at pinagpatuloy ang panonood. Maya maya dumating na si mommy at nilapag ang niluto niyang pork caldereta. "Oyy mukhang mabubusog ako ngayon ah," Masayang sabi ni Dexter. "Bakit hindi ka ba pinapakain ni Tita Claire?" Tanong ko. "Sira. Syempre pinapakain ako ni mommy. Pero iba pa din ang luto ni tita," Sagot ni Dexter. "Isusumbong kita kay tita," Sabi ko. "Joke lang," Sabi ni Dexter. Binelatan ko nalang siya. Takot lang mapagalitan eh. Pagkatapos naming kumain, bumalik na ako sa kwarto ko. Sina Lyndon at Dexter naman nasa sala at naglaro ng video games.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD