Chapter Ten

1206 Words
MAX'S POV Kinakabahan na ako. Today is the day of our cheerdance competition. Nandito kami ngayon sa isang room ng education department. Inaayusan na kaming mga dancers. "Alex!" Rinig kong may tumawag sa'kin. Nilingon ko naman ang pinto. At nakita ko sina Dexter at Luke. Nilapitan ko naman sila. "Okay ka lang?" Tanong ni Dexter. "Kinakabahan nga ako eh," Sagot ko. "Ano ka ba, kaya mo yan. Nandito lang kami," Sabi naman ni Luke. Ngumiti nalang ako at niyakap sila. "Okay guys, ready na, magpeperform na tayo," Sabi ni Tita Chloe. Lumabas na kami ng room at pumunta na sa basketball court. Pagkadating namin doon, nagsigawan ang mga estudyante. Todo cheer sa mga sinusuportahan nilang department. "Everyone settle down! Let's give a round of applause to our first contingent to show their cheerdance routine, from education department!" Sabi nung MC. Nagtipon tipon muna kami para magdasal at pumunta na sa gitna ng court. At nagsimula na kaming sumayaw. DEXTER'S POV Nandito kami ngayon ni Luke sa bleachers. Nanonood ng cheerdance competition kasama ang barkada. "Go Max!!" Sigaw ni Elisa. Todo cheer ang mga taga education department. Ang ganda ng routine nina Alex. "Grabe ang galing sumayaw ni Max!" Hyper na sabi ni Rossleigh. "Syempre. Dancer talaga yan," Proud na sabi ko. Pagkatapos ng routine nina Alex, pumunta kami sa pwesto nila. Binigyan ko si Alex ng tubig. "Grabe Max, ang galing mo kanina," Puri ni Melissa. "Salamat," Nakangiting sabi ni Alex. "Nakakapagod yung sayaw niyo ah," Sabi ni Marlon. "Syempre cheerdance yun eh," Natatawang sabi ni Alex. "May gusto ka bang kainin?" Tanong ni Luke kay Alex. Umiling lang si Alex. May tiningnan siya sa likod ko at parang nagulat. Tumayo siya at umalis. Saan naman kaya pupunta yun? Sinundan namin siya ni Luke. Nakita naming pumasok siya sa isang room sa engineering department. Dahan dahan kaming lumapit sa room na iyon. Naririnig namin na may kausap si Alex. MAX'S POV "So ano ang pag-uusapan natin?," Mataray na tanong ko sa kanya. "Max, nandito ako para humingi sa'yo ng tawad sa lahat ng kagaguhan na nagawa ko sa'yo noon," Seryosong sagot niya. Natawa ako ng mapakla. "Ikaw? Humihingi ng tawad? Anong katarantaduhan na naman yan? Hihingi ka ng tawad, tapos ano? Magtitiwala ulit ako tapos sisirain mo na naman," Sarkastikong sabi ko. "Max, hindi na mauulit yun. Please patawarin mo na ako. At bumalik ka na sa'kin," Pagmamakaawa niya. "Huwaw! Ang kapal naman pala talaga ng pagmumukha mo. Mapapatawad naman kita pero yung makikipagbalikan ako sa'yo? Para ano? Para sirain mo ulit yung buhay ko? Katangahan na yun kung maniniwala pa ako," Natatawang sabi ko. "Tsaka bakit ngayon pa? Wala na ba kayo nung pinagpalit mo sa'kin kaya bumabalik ka ngayon?" "Max. Please," Naiiyak na sabi niya. Lumuhod 'siya' at niyakap ang mga binti ko. "Oh. Sinong nagpaiyak sa'yo? Sinabi ko bang umiyak ka? Tumayo ka nga diyan baka gusto mong sipain kita diyan," Naiiritang sabi ko. "Please. Hindi ako tatayo hanggang hindi mo ako pinapatawad at bumalik sa'kin," Umiiyak na sabi niya. Napapikit ako ng mariin at huminga ng malalim tsaka ko minulat ang maga mata ko. "Please lang. Ayoko na. Pagod ako. Nakakapagod kang mahalin," Cold na sabi ko. Dahan-dahan siyang tumayo at tumingin sa'kin. Kitang-kita ko ang mga mata niyang may umaagos na luha. Pinunasan niya yun at biglang naging seryoso ang mukha niya. Nagulat naman ako nang hinawakan niya ang braso ng mahigpit. "Aray. Ano ba. Nasasaktan ako," Sabi ko. "Max, hindi mo nga ako mapapatawad sa ngayon pero ito ang tatandaan mo. Hindi ako titigil hangga't hindi ka bumabalik sa'kin. Magkamatayan na. Sisiguraduhin kung magmamakaawa ka sa'kin na balikan ako," Seryosong sabi niya sabay alis. Nabalot ng takot ang buong katawan ko. Mabilis ang kabog ng puso ko habang pinagmamasdan siyang naglalakad papalayo. Yun si Jacques Edmund Tolentino. Ex boyfriend ko. Actually he is my first boyfriend. Nagtagal kami ng halos tatlong taon. Masaya naman kami dati. Siya yung taga hatid at sundo sa'kin maliban kay Dexter. Alam ni Dexter yung tungkol sa'min. Botong boto nga si Dexter nun eh. Not until I found out na may nilalandi siyang iba. Maiintindihan ko naman nun kung pinagpalit niya ako sa isang babae eh. Kaso pinagpalit niya ako sa isang bakla din. Kaya nung nakipaghiwalay ako sa kanya, sinubukan kong magbago. Nahirapan na akong magpatawad. Masyado akong nasaktan sa nangyari. Kaya nga nung bumalik si Luke, hindi ko agad siya napatawad at hindi ko naibigay sa kanya ang buong tiwala ko dahil sa takot na baka iwan na naman niya ako. "Alex," Rinig kong may tumawag sa'kin. Lumabas ako ng room at nakita ko sina Dexter at Luke. Niyakap ko naman sila. "Kung alam ko lang na siya ang ime-meet mo, hindi na sana kita pinayagan," Sabi ni Dexter. "Gagong yun." "Sino yun Alex?" Tanong ni Luke. "Si Jacques. My ex-boyfriend," Sagot ko naman. Napatango nalang si Luke. Marami pa talaga siyang dapat malaman. "Tara na balik na tayo sa basketball court baka awarding na," Sabi ni Dexter. Bumalik naman kami sa basketball court. Pagkadating namin dun, sakto namang awarding na. Pumunta agad ako sa team mates ko. "Saan ka galing?" Nag aalalang tanong ni Tita Chloe. "Ah. Sa CR lang po," Pagsisinungaling ko. "Our grandslam champion for the cheerdance competition is the education department!!" Nagsigawan naman lahat ng mga estudyante. Nagsasaya ang lahat lalo na ang mga estudyante ng education department. Syempre mas masaya ako. Worth it ang pagod namin eh. As their cheerleader, malaking karangalan yun sa'kin. Ako na ang nag claim ng trophy at cash prize namin. "Congratulations!!" Masayang sabi ni Tita Chloe sa amin. "Congratulations din ma'am!" Masiglang sabi ng team mates ko. "Congratulations Alex," Nakangiting bati sa'kin ni Tita Chloe. "Thank you po tita. Congrats din po," Sabi ko sabay yakap kay tita. Pumunta na ako kina Dexter at Luke. Nandun din ang barkada at ang mga kaibigan ni kuya Mike "Congratulations Max!" Bati ng buong barkada sa'kin. "Thank you guys. Thank you sa support niyo," Naluluhang sabi ko. "Oh tara na. Mag celebrate na tayo bago pa umiyak si Max," Sabi ni Elisa. Nagtawanan naman kaming lahat. I'm so lucky to have them. "Congrats Max," Sabi ni Kael. Ngumiti naman ako. "Salamat Kael," Nahihiyang sabi ko. "Ang haharot!" Sigaw ni Elisa. Sinamaan ko siya ng tingin. Sira ulo talaga yung babaeng yun. Umalis na kami at pumunta sa McDo para mag celebrate. Syempre hati kami ni Dexter sa bayad. Kailangan din niyang magpa blow out dahil nanalo siya kagabi. Masaya kaming kumakain habang nagkwe-kwentuhan. Maya maya ay nag ring ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Si mommy pala. Sinagot ko naman ang tawag niya. "Hello po mommy?" Bungad ko. "Alex, anong oras ka uuwi?" Tanong ni mommy. Tiningnan ko ang relo ko. "Around six p.m. po. Bakit po?" Sabi ko. "May naghahanap kasi sa'yo dito. Jacques daw ang pangalan," Sabi ni mommy. "What?!" Gulat na sabi ko. "Paalisin mo mommy." "Bakit ba anak?" Nagtatakang tanong ni mommy. "Eh. Basta po. Paalisin mo nalang po," Sagot ko. "Oh sige na nga. Bye na. Mag iingat ka," Sabi ni mommy. "Salamat mommy," Sabi ko naman at pinatay na yung tawag. Bwesit talaga yung lalakeng yun. Ayaw niya akong tantanan. Nakakainis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD