Chapter Nine

1146 Words
MAX'S POV Nandito kami ngayon sa auditorium para manood ng coronation night. Nakaupo kami sa malapit sa unahan. Todo sigawan ang mga estudyante pag rumarampa na sa stage ang kanilang pambato. Anyways, kasama namin ngayon sina kuya Mike at ang barkada niya. Guess what kung sino katabi ko? It's Kael. Ayiee. Kinikilig ako. "Okay ka lang?" Tanong ni Kael. "Oo naman," Sagot ko. "Hoy bakla ang harot mo," Sabat ni Elisa. Sinamaan ko siya ng tingin. Panira talaga 'to ng moment. Walang support eh. "Hayaan mo nga yan. Ngayon lang makakaharot yan kasi wala yung bantay," Natatawang sabi ni Rossleigh. "Sinong bantay?" Nagtatakang tanong ni Kael. "Sino pa ba, edi yung over protective niyang childhood friend na si Dexter. Actually kasali siya sa pageant ngayon eh," Sagot ni Elisa. Tumango lang si Kael at bumalik na kami panonood. Maya maya ay rumampa na ang mga kandidato at kandidata. "Wait. Si Race ba yun?" Nagtatakang tanong ni Marlon. Agad naming hinanap si Race. Oo nga. Si Race nga. "Sumali pala siya," Sabi ni Melissa. "Bakit hindi niya sinabi sa atin?" Tanong ni Rossleigh. "Baka nahihiyang sabihin sa atin," Sagot ni Elisa. Maraming kaganapan ang nangyari sa pageant. Hanggang sa nag announce na ng Top 3. And to my surprise, nakaabot ng top three si Samuel. Well, walang duda, ginagalingan niya bawat portion ng pageant eh. Ngayon, final Q and A na. At sasagot na si Dexter. Pasensya na kung hindi ko na dinitalye ang pageant. Siguro naman alam niyo na kung ano ang nangyayari sa isang pageant. Charot. "Good evening Mr. Andales of Education department," Bati nung MC kay Dexter. "Good evening po," Nakangiting bati naman ni Dexter. And as usual, nagtilian ang mga estudyante ng Education department. Tiningnan ko si Dexter. Confident na confident ah. Sanay na sanay talaga siya eh. "Here's the final question," Sabi ng MC. "What do you think is the best quality of a title holder should possess? Why?" "Thank you for the question, good evening to the judges and to my co-Auradonians. The best quality of a title holder should possess is having a sense of responsiblity, for I believe being responsible means being trustworthy also. As a title holder it is our duty to become the voice of a whole. A good example, a role model. Fulfilling the duty responsibly, and being trusted of the people whom you are representing. Thank you," Mahabang sagot ni Dexter. Nagsigawan ulit ang mga estudyante. Well, that's my best friend. Ngayon naman sasagot na si Luke. "Good evening Mr. Randall of Education Department," Bati sa kanya ng MC. "Good evening din po," Nahihiyang bati ni Luke. Nagsigawan ang mga taga education department. "Ang ingay ng mga taga education department. Dalawa kasi ang nakapasok sa kanila," Natatawang sabi ng MC. At bumaling ulit kay Luke. "Here's the final question, what do you think is the best quality of a title holder should possess?" "I think the best quality of a title holder should possess is perseverance. I know that being a title holder is not easy. A title holder must learn not to give up. He must do his duty no matter how difficult it is. No matter how many times he fail, he must keep on trying to become a successful title holder. A real title holder wears his crown not only on his head but also in his heart. Thank you," Dire-diretsong sagot ni Luke. Nagsigawan naman ang mga nanonood. Ako naman, napanganga. I never thought he could answer that question so perfect. Napahanga niya ako. "And that's it ladies and gentlemen. That ends our final Q and A portion. Later we will know who is our new King and Queen of Auradon Academy," Nakangiting sabi nung MC. "Grabe ang galing pala ni Luke noh?" Rinig kong sabi ni Elisa. "Akalain mo yun, mahiyain pero magaling pala," Rinig ko namang sabi ni Marlon. Ako naman heto hinihintay ang results. Kinakabahan ako eh. Parang may chance na manalo si Luke. "Okay ka lang Max?" Nagulat naman ako nang magsalita si Kael sa tabi ko. "Okay lang ako," Sagot ko nalang. "Parang hindi ka mapakali ah," Nag aalalang sabi ni Kael. "Gutom lang siguro 'to," Pagpapalusot ko. "Sige bibili muna ako ng pagkain," Sabi niya at umalis. Kinalma ko naman ang sarili ko. Bahala na. "Ladies and Gentlemen, this is the moment of truth. The crowning of the new King and Queen of Auradon Academy," Sabi nung MC. Natahimik ang lahat. Makikita sa mukha nila ang excitement at kaba. Hinihintay ang susunod na sasabihin ng MC. "The second runner up for the King of Auradon Academy, from the engineering department, Jan Carlo Jiminez!" Napuno ng sigawan ang buong auditorium. Nagtitilian ang mga babae at mga feeling binabae. "And now, I will announce the King of Auradon Academy. Ibig sabihin, ang hindi matatawag ay ang first runner up," Sabi ng MC. Tumahimik ulit ang buong paligid. Ako naman napapikit. Parang hindi ko kayang marinig ang sasabihin ng MC. "Our new King of Auradon Academy is from education department, congratulations..." Pabitin na sabi ng MC. Oh no. Parang di ko kaya. "Mr. Dexter Antoni Andales!!" Bigla kong namulat ang aking mga mata kasabay ng tilian ng mga estudyante sa auditorium. Nanalo si Dexter! I'm so proud of him. Pagkatapos ng pageant, agad kaming pumunta sa backstage. Nakita namin si Dexter na inaayos ang mga gamit niya. Nilapitan namin siya. "Congrats Dex!!" Masayang bati ko sa kanya. "Congrats Dexter!" Bati ng barkada. "Salamat guys. Salamat sa support," Nakangiting sabi ni Dexter. "Sus. Alam naman naming mananalo ka eh," Sabi ni Elisa. "Ayseees. Sisipsip ka na naman para ilibre ka," Natatawang sabi ni Rossleigh. "Pero in fairness, nakaka-kaba yung laban. Ang galing din naman ni Luke sumagot," Sabi ni Melissa. Speaking of Luke, hinanap ko siya. Nakita ko naman siyang papaalis na. "Luke!!" Tawag ko sa kanya habang tumatakbo. Huminto naman siya. Nang maabot ko siya, humarap siya sa'kin. Malungkot ang mukha niya. "Talo ako," Malungkot na sabi niya habang nakayuko. Napangiti naman ako. "Pinapatawad na kita," Sabi ko. Inangat niya naman ang ulo niya. "Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ni Luke. "Oo. Panalo ka pa din naman eh kahit first runner up ka lang. Kaya pinapatawad na kita," Nakangiting sagot ko. Bigla niya naman akong niyakap ng mahigpit. At saka siya napaiyak. "Salamat Drae," Umiiyak na sabi niya. "Ano ka ba? Okay na. Tahan ka na," Malambing sa sabi ko habang hinihimas ang likod niya. Humiwalay na siya sa pagkakayakap at ngumiti. Pabalik na kami sa backstage nang makita namin si Dexter na nakangiti. Lumapit siya sa amin at nag group hug kami. Ang sarap sa feeling na okay na kami. SOMEONE'S POV Parang hindi ko kaya ang nakikita ko ngayon. Ang sakit makitang may kayakap siyang iba. Parang may tumutusok na karayom sa puso ko. Huwag kang mag-alala Max, nandito na ulit ako. Babalik na ako para sa'yo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD