MAX'S POV
2 weeks before the Sports Fest, at nandito ako ngayon sa basketball court para sa practice ng cheerdance namin.
"Alex halika na," Tawag sa'kin ni Tita Chloe. Nandun na pala yung ibang cheerdancers.
"Opo," Sabi ko at lumapit na sa kanila.
Nakita ko naman si Luke na paparating. Lumapit siya kay Tita Chloe.
"Mom can I borrow Alex for a moment?" Sabi ni Luke.
Nagkatinginan naman kami ni Tita Chloe.
"Tita mamaya nalang siguro after ng practice," Sabi ko.
Binalingan ni Tita si Luke. "Mamaya nalang anak. Kailangan naming simulan ang routine. We have only 2 weeks to practice. It can wait naman siguro," Sabi ni Tita kay Luke.
"Okay po," Sabi ni Luke at tumingin sa'kin. "Meet me later sa rooftop."
Kahit labag sa loob ay tumango ako. Ayoko namang malaman ni tita na galit ako kay Luke. Umalis naman si Luke at nagsimula na kaming mag practice.
DEXTER'S POV
Nakita ko si Luke na papasok ng auditorium. Nilapitan ko siya.
"Nakausap mo na ba?" Tanong ko sa kanya.
"Mamaya na daw after ng practice nila," Walang ganang sagot niya.
Naawa naman ako sa kanya. Napatawad ko na siya kahit papano, kahit napaka gago nito dahil sinaktan niya si Alex noon. Pero actually, ako ang nagsabi sa kanya na kausapin niya si Alex eh. Gusto kong magkaayos na sila. Yung walang kondisyon. Ayoko namang pahirapan si Luke dahil unang-una hindi sanay si Luke na sumali sa mga pageants. Pano kung natalo si Luke edi hindi na siya pinatawad ni Alex ayoko naman mangyari yun. Luke had done enough effort para makahingi ng tawad kay Alex. Ayoko nang makita si Luke na naghihirap sa sitwasyon nila.
"Sasama ako sa'yo mamaya," Sabi ko. Tumango nalang siya. "Maaayos din ang lahat."
"Sana nga," Malungkot na sabi ni Luke.
"Wag ka nang malungkot. Tutulong naman ako eh," Sabi ko.
"Thanks pre," Sabi ni Luke.
"Anytime bro," Nakangiting tugon ko.
MAX'S POV
"Ano ba ang meron at kailangang reunited tayong tatlo?" Nagtatakang tanong ko.
Nandito kami nina Luke at Dexter sa rooftop. Ewan ko nga sa dalawang 'to kung ano ang okasyon at magkakasama kaming tatlo ngayon.
"Alex, ayusin niyo na yung sa inyo ni Luke," Seryosong sabi ni Dexter.
"Inaayos naman ah. Kailangan lang talagang matupad yung kondisyon," Sabi ko.
"Hindi ba pwedeng makipag ayos ng walang kondisyon?" Nagtitimping tanong ni Dexter.
"Eh ano bang pakialam mo? Yun ang gusto ko eh," Naiinis na sabi ko.
"Alex hindi ka ba napapagod?" Tanong ni Dexter.
"Napapagod saan?" Balik na tanong ko.
"Sa ganito. Alex humingi na ng tawad yung tao," Frustrated na sabi ni Dexter.
"Eh bakit ka ba kasi nangingialam? It's my choice, it's my decision," Nagtitimping sabi ko.
"Max Alexandrae," Nagbabantang sabi ni Dexter.
Binigyan ko ng matatalim na tingin si Dexter. Mukhang ayaw niyang magpatalo ah. Pwes hindi ko siya uurungan.
"Uhm Dexter. Hayaan na natin. Handa akong tuparin ang kondisyon," Sabi ni Luke.
"Ano?! Hindi pwede!" Sigaw ni Dexter.
"Dexter, trust me. Kakayanin ko 'to," Sabi ni Luke.
"Luke pano kung matalo ka sa pageant? Tatanggapin mo nalang na hindi ka mapapatawad ni Alex?" Inis na tanong ni Dexter.
"Tatanggapin ko. Dex, handa akong tiisin lahat mapasaya lang si Alex," Sagot ni Luke.
"Looks like it settled then. Wala nang dapat pag usapan," Sabi ko.
"Alex hindi ka ba naaawa kay Luke?" Tanong ni Dexter.
"Bakit ka ba kating-kati magkaayos kami ni Luke?" Balik na tanong ko kay Dexter.
"Alex ayoko na ng g**o," Frustrated na sagot ni Dexter.
"Eh wala namang g**o ah. Okay na yung napag-usapan namin ni Luke tungkol sa kondisyon. Ikaw lang naman kasi itong napaka OA. Wag kang makialam sa gusto ko," Sabi ko.
"Oh sige kung yan ang gusto mo, hindi na kita pipilitin. Alam kong hindi na mababago yang desisyon mo," Pagsuko ni Dexter.
"Good then. Uwi na tayo," Sabi ko at nagsimulang maglakad.
Pagkaalis ko, sumunod naman yung dalawa. Hayy naku Dexter. Wag mo munang sisirain ang plano ko. Everything is perfectly going well as what I planned.
SOMEONE'S POV
"Oy bro uwi na tayo. Kanina ka pa diyan sa bintana," Rinig kong sabi ng isa kong kaibigan.
"Ano ba kasi yang tinitingnan mo?" Tanong nung isa ko pang kaibigan.
"Yung nasa rooftop ng Education Department," Sagot ko.
"Ah sina Max yan ah. Bakit mo tiningnan?" Tanong ulit nung kaibigan ko.
"Wala. Tara na nga," Naiiritang sagot ko.
"Crush mo noh?" Pangtutukso nila.
Hindi ko na sila pinansin at umalis na kami. Pumunta kami sa parking area. Nakita ko naman sina Max na paparating kaya agad akong pumasok sa kotse ko. Hindi pa ako dapat makita ni Max ngayon. Paghahandaan ko muna ang pagbabalik ko. It's been a very long time since we talked to each other. I'm not sure if he is still willing to see me or not. But I'll give it a try.