MAX'S POV
"Drae, sorry kung umalis ako noon ng walang paalam. Biglaan din kasi yung alis namin. Nagka problema ang kompanya ni lolo sa Amerika kaya kailangan naming pumunta doon para ayusin yung problema," Pagpapaliwanag ni Luke sa'kin.
Nandito kami ngayon sa rooftop ng building ng department namin. Pinuntahan niya ako sa room kasi gusto na daw niyang makipag-ayos. Pumayag naman ako since ayoko na ng g**o. Si Dexter? Ayun hindi sumama. Kailangan daw namin ng privacy.
"Bakit hindi ka man lang tumawag o naghanap ng paraan para makapag-communicate sa'kin?" Seryosong tanong ko.
"Ayun na nga eh. Akala ko kasi hindi ka magagalit. Bata pa tayo nun. Hindi ko naman akalain na ganun ang mararamdaman mo," Nahihiyang sagot niya.
"Kahit na. Hindi mo alam kung ilang beses akong pabalik-balik sa bahay niyo umaasang baka bumalik na kayo. For 10 years akala ko hindi ka na babalik kaya sinabi ko sa sarili ko na baka wala ka na, na hindi ka na babalik," Naiiyak na sabi ko.
"Drae patawarin mo na ako. Babawi naman ako eh," Sabi niya at hinawakan ang kamay ko.
Pinunasan ko naman ang luha ko. "Patatawarin lang kita sa isang condition," Sabi ko at tumingin sa kanyang mga mata.
"A-ano naman yun?" Tilang kinakabahan na tanong ni Luke.
"Win the pageant," Nakangising sagot ko.
Nakita ko namang napalunok siya. Kinakabahan talaga siya niyan ah. Let's see.
"Ano game?" Tanong ko.
"Game!" Sagot naman niya.
"Good luck," Nakangising sabi ko at iniwan siya doon.
Pagkadating ko sa room, nakita ko naman si Dexter na nagce-cellphone habang naka earphones. Lumapit naman ako at tumabi sa kanya. Kinalabit ko siya, nilingon naman niya ako. Tinanggal niya ang earphones niya.
"So what's up?" Tanong niya.
"Well, everything went well," Nakangiting tanong ko.
"That smile. Parang hindi ako maniniwalang everything went well," Nagdududang sabi ni Dexter.
Natawa naman ako. "Relax. Walang nangyaring masama," Natatawang sabi ko.
"Alex, kilala kita. Hindi ka basta basta nagpapatawad. Ano na naman yung kondisyon mo kay Luke?" Seryosong tanong ni Dexter.
Looks like he really know me. "I just told him na kung manalo siya sa pageant, then I'll forgive him," Kampanteng sagot ko.
"Seriously? Yun ang kondisyon mo sa kanya?" Gulat na tanong ni Dexter. Nakangiting tumango ako. "Eh paano kung hindi siya manalo?"
"Let's just see," Nakangising sabi ko.
"You are acting so weird. Parang hindi ko gusto yang mga ngisi mo," Naiiling na sabi ni Dexter.
Natawa nalang ako at inaya siyang pumunta na ng cafeteria. Gutom na ako eh. Pagkadating namin doon, as usual si Dexter ang umorder. Hinanap ko na sina Elisa at nakita ko naman agad.
"So kamusta ang pag uusap niyo ni koyang gwapo?" Tanong ni Elisa.
"Ayy chismosa ka teh? Private na yun," Sabat naman ni Rossleigh.
Napasimangot naman si Elisa. Natawa nalang ako.
"Looks like hindi kayo magkaaway ngayon ni Dexter," Pagpupuna ni Melissa.
"Siguro pagod siyang asarin ako. Nakakabagot nga eh. Parang gusto ko siyang asarin eh," Bored na sabi ko.
"Oh malapit na siya. Asarin mo na," Sabi ni Elisa.
"Wag nalang. Tinatamad ako eh," Sabi ko naman.
"Ay ang g**o mo sis," Naguguluhang sabi ni Elisa.
"Magulo diba? Manahamimik ka na. Ang ingay mo eh," Natatawang sabi ko.
Nilapag na ni Dexter yung pagkain na binili niya para sa'kin.
"Ang hilig mo sa pork steak noh?" Pagpuna ni Elisa.
"Ang hilig mong magsalita noh?" Pambabara ko.
Natahimik naman si Elisa at nagtawanan kami.
"Kain na nga tayo. Gutom na ako eh," Sabi ni Dexter.
"Edi kumain ka na, ano pa hinihintay mo? Pumuti yung uwak?" Pamimilosopo ko sabat tawa.
"Ewan ko sa'yo," Naiiritang sabi ni Dexter.
Tinawanan ko nalang siya. Wala eh. Pikon na. Sarap niyang asarin ngayon.
"Wag nang maingay. Kumain nalang tayo," Sabi ni Melissa.
Kumain nalang kami. Pagkatapos naming kumain ay bumalik agad kami sa classroom namin.
"Pansin ko lang. Parang loner si Lei ah," Sabi ni Melissa.
"Wala pa kasing kaibigan. Tsaka nag aadjust pa yan. Exchange student eh," Sabi ko sabay upo sa tabi ni Dexter.
"Kausapin mo kaya," Sabi ni Elisa sa'kin.
"Ikaw nalang kaya kumausap. Tutal idea mo naman yan," Sabi ko naman sabay labas ng cellphone. Maglalaro lang muna ako.
Nakita ko namang lumapit si Elisa kay Lei. Ayy kakausapin niya talaga. Nakinig nalang ako sa kanila.
"Hey," Rinig kong sabi ni Elisa. Tiningnan lang siya ni Lei. "How are you?"
"I'm good," Sagot naman ni Lei.
"Is it good here in the Philippines?" Tanong ni Elisa. Nagpigil naman ako ng tawa.
"Oh yeah," Bored na sabi ni Lei.
"If you need some help, just approach Max," Sabi ni Elisa.
Nagulat naman ko sa sinabi ni Elisa. "Baliw ka ba? Nananahimik ako dito eh," Sabi ko.
"Baliw talaga ako sis matagal na," Natatawang sabi ni Elisa.
"Kaya pala mas bagay ka sa rehabilitation center," Sabi ko.
"Ayy rehab? Hindi naman ako d**g addict ah," Sabi ni Elisa.
"Ayy hindi ba? Sarreh," Natatawang sabi ko.
Umupo nalang si Elisa sa upuan niya sa likod. Mukhang naasar eh. Hay naku. Hayaan niyo na siya dun.