Chapter Five

1155 Words
MAX'S POV Heto ako ngayon sa basketball court para mag screening para sa cheerdance competition. Hinahanap niyo si Dexter? Ayun pinatay ko na. Charot. Nasa screening para sa pageant. Ewan ko ba dun ang hilig niyang sumali, pero in fairness nananalo naman. "Alex?" Rinig kong tawag sa'kin ng isang babae. Nilingon ko naman siya. "Tita Chloe!" Gulat na sabi ko. Siya lang naman ang mommy ni Luke. "Ang laki mo na ah. Ang tangkad mo," Nakangiting sabi ni Tita. "Ah eh. Oo nga po eh," Nahihiyang sabi ko. "Ano nga po pala ang ginagawa mo dito Tita?" "Ah. Ako yung organizer ng cheerdance competition para sa department niyo," Sagot ni Tita. Nagulat naman ako sa sinabi ni Tita. OMG. Parang gusto kong umalis pero hindi ako makakilos. "Okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong ni Tita. "Opo. Okay lang po ako," Sagot ko naman. "Oh halika ka na. Tulungan mo akong mag screening," Sabi ni Tita. "Ah tita. Mag screening din po sana ako eh," Sabi ko. "Hay naku. No need na. Magaling ka naman eh. Ikaw na ang gagawin kong cheerleader," Sabi ni Tita at pinaupo ako sa tabi niya. LUKE'S POV "Oy pre, sigurado ka bang sasali ka sa pageant?" Tanong ni Vince. "Kanina ka pa tanong nang tanong sa'kin. Oo nga. Sasali ako," Sagot ko naman. "Talaga ba? Diba hindi mo hilig ang mga ganyan?" Nagtatakang tanong ni Shannon. "Eh si mommy kasi eh. Pinilit akong sumali. Babawasan daw niya allowance ko pag hindi ako sumali. So wala akong choice," Bored na sagot ko. "Good luck nalang Luke!" Natatawang sabi ni Marga. Nandito na kami ngayon sa auditorium. Grabe ang daming tao. Siguro manonood lang sila ng screening. "Ah sige pre, uupo muna kami dito," Sabi ni Vince. Tumango naman ako at pumunta na sa backstage. "Mag screening ka din ba?" Tanong nung isang organizer. "Opo," Sagot ko naman. "Sige. Isulat mo dito ang pangalan mo at kung saang department. Hintayin mo nalang tawagin ang pangalan mo," Sabi nung organizer. Sinunod ko naman ang sabi niya. Habang naghihintay sa backstage, nakita ko si Dexter. Nilapitan ko siya. "Hey bro," Bati ko sa kanya. Hindi niya ako pinansin. Mukhang galit pa talaga sila ni Alex sa akin. "Bro, pasensya na kayo kung ano man ang nagawa ko dati. Hindi ko naman ginusto yun eh," Seryosong sabi ko. "Luke, wag ka sa akin humingi ng tawad. Kay Alex ka makipag-ayos. Okay lang naman sa'kin eh. Kahit nga hindi ka na bumalik," Cold na sabi ni Dex. "Eh parang ayaw ni Alex na makita ako eh," Sabi ko. "Problema mo na yun," Sabi niya sabay alis dahil tinawag na siya. Hayst. Ano ba naman yan, parang malabong magkakaayos kami ni Alex. MAX'S POV "Salamat sa pag tulong sa'kin Alex," Sabi ni Tita Chloe. "Ah. Walang anuman po Tita," Nakangiting sabi ko. Katatapos lang ng screening namin para sa cheerdance. So far, madami ang magagaling. Nahirapan nga kami ni Tita mamili eh. "So ano? Samahan mo muna ako," Sabi ni Tita. "Saan po?" Nagtatakang tanong ko. "Sa auditorium. Pinasali ko kasi si Luke para sa pageant eh," Sagot naman ni Tita. "Ah. Eh. Tita may gagawin pa po ako eh," Natatarantang sabi ko. "Sige na. Ngayon lang," Pagpupumilit ni Tita. Hay. No choice. Pumunta kami ni Tita sa auditorium. Pagpasok namin, saktong si Luke na ang nasa stage. Nagkatinginan naman kami pero una akong umiwas ng tingin. Ano ba naman 'to. "Tara umupo tayo dito," Pag aaya ni Tita. Sumunod nalang ako. Hindi ko nalang pinansin kung ano ang nangyayari. Nakinig nalang ako ng music. Naramdaman ko naman na may kumalabit sa akin. Nilingon ko ito at nakita ko si Dexter. "Tara na," Bulong ni Dexter. "Oo teka lang," Bulong ko din. Naunang lumabas ng Auditorium si Dexter. Ako naman hindi mapakali. Ano ang sasabihin ko? "Ahm. Tita, lalabas na po ako. May gagawin pa kami eh," Sabi ko. "Oh sige. Ingat ka," Nakangiting sabi ni Tita. Nang makalabas ako, nakahinga ko ng maluwag. Mabuti naman. Bigla namang may humila sa'kin. Si Dexter pala. "Hoy saan mo ako dadalhin?" Tanong ko. Hindi niya ako pinansin. Aba. Buong lakas na hinila ko ang kamay ko mula sa pagkaka hila niya sa'kin. "Ano bang problema mo?" Naiinis na tanong ko. "Kailangan na nating umalis. Bago ka pa maabutan ni Luke," Sagot naman niya. "My gosh Dexter. And do you think papansinin ko siya?" Galit na tanong ko. "Alam ko namang hindi eh. Pino-protektahan lang kita," Mahinahong sagot niya. "Ayan ka na naman sa pagiging over protective mo eh. Hindi na ako bata para bantayan mo. Si Luke lang naman yun eh," Galit na sabi ko. "Please Alex. Ayoko lang masaktan ka na naman ng lalakeng yun," Sabi naman niya. "Naiintindihan kita sa pagiging concern mo sa'kin. But come to think of it, I'm all grown up and making grown up decisions. Hindi naman ako basta basta papasok sa isang sitwasyon na ikakapahamak ko. I may be a gay but it doesn't mean I'm weak. Ikaw nga ang nagturo sa'kin kung paano maging matatag at matapang eh. Suportahan mo nalang ako Dexter," Naluluhang sabi ko. Tumango naman siya, niyakap niya ako at niyakap ko din siya pabalik. I'm really lucky to have a best friend like him. "Alex?" Rinig kong may tumawag sa'kin. Alam kong si Luke yun. Nilingon ko siya. "Anong kailangan mo?" Mataray na tanong ko. "Gusto kitang makausap," Sagot naman niya. "Siguro wag muna sa ngayon. Pagod ako," Cold na sabi ko. Hinila ko naman si Dexter paalis sa lugar na yun. Rinig ko pang tinawag ako ulit ni Luke pero hindi na ako lumingon pa. KINABUKASAN "Congrats Dexter! Official candidate ka na for the Search of King and Queen of Auradon Academy," Pabati ni ma'am Jessa kay Dexter. "Thank you po ma'am," Nakangiting sabi ni Dexter. "So pano yan? Nasan ang fries ko?" Nakangiting tanong ko kay Dexter. "Hay naku. Ikaw talaga. Hindi pa nga ako yung panalo eh," Natatawang sagot ni Dexter. "Duh! Alam ko namang ikaw ang mananalo eh," Proud na sabi ko. "Oy guys, ano meron?" Tanong ni Elisa na kadarating lang kasama ang iba naming barkada. "Magpapakain si Dexter kasi official candidate siya for the pageant," Sagot ko naman. "Talaga ba? Waah! Congrats Dexter!" Pasigaw na sabi ni Elisa. Ramdam ko naman ang pagsiko sa akin ni Dexter. Binelatan ko nalang siya. "Ang ingay mo bes," Reklamo ni Rossleigh. "Sarreh po. Happy lang ako kasi may pakain," Hyper na sabi ni Elisa. "Oh ayan. Basta pagkain, walang patawad si Elisa," Natatawang sabi ni Jazzmine. "Oo nga eh. Matakaw," Pag sang-ayon namin ni Rossleigh. "Hoy grabe kayo sa'kin. Masarap kasing kumain eh lalo na kung libre," Sabi ni Elisa. "Ay kegaleng. Basta libre, g na g," Natatawang sabi ko. "Tara na nga sa McDo," Sabi ni Dexter. "Yehey!" Masiglang sabi namin. Pumunta nga kami sa McDo. Grabe ang ingay ni Elisa. Parang bata eh. First time niya ata sa McDo. Charot. Hahaha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD