Chapter 50

1209 Words

“ANONG pinag-usapan n’yo ng matandang ‘yon?” pagalit na tanong ni Kyle habang nakaupo ito sa executive chair nito at hinatiran ng kape ni Paulina. Napakurap ang dalaga habang nakatingin sa lalaki. Kagabi niya pa ito napapansin na parang ang init ng ulo. Hindi na lang niya pinansin dahil baka may iniisip lang ito sa trabaho o hindi kaya ay may nakausap kagabi sa party na hindi nito nagustuhan. Tinanong pa nga niya ito noong dumating sila ng condo kung gusto ba nitong magpahilot para ma-relax kahit kaunti pero parang nagalit pa ito lalo at binulyawan pa siya na matulog na sa kanyang unit. Ngayon naman dito sa opisina, palagi itong nagdadabog. Ilang beses siyang pinagalitan at sinigawan kahit tama naman ang mga ginawa niya. Parang itong babaeng may period. Kung hindi niya lang talaga it

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD