Hindi ko inalis ang tingin sa kanyang mga mata. Napakaexpressive ng mga ito at sa mga sandaling iyon ay halos ipagsigawan ng kanyang almond shaped eyes ang pagmamahal niya sa akin.
Inaamin kong tumatagos sa mga balat ko ang ipinararating nitong pakiramdam sa akin. Ilang taon na ang nagdaan pero kinikilig pa din ako kahit sa presensya lamang niya.
He looked into my eyes and said, "I'll wait until you are ready. Just please don't stop me from courting you again. I'll do anything to be worthy of your love."
Ikinulong nito sa kanyang mga palad ang kanang kamay ko at inilapit sa kanyang mga labi para halikan. Marahan niya itong binitawan pero parang ayaw niyang pakawalan.
"Hanggang kailan ang bakasyon mo dito sa San Bartolome?" Tanong nito.
"Luluwas na kami ng Maynila sa makalawa. Kailangan kong ihanda ang mga documents ko for the job offered to me ng parents ng best friend ko." Maluwag sa pakiramdam kong sagot sa kanya.
"Puwede bang bumalik bukas, magpapaalam daw si Jerome sa Uncle Redo mo na manliligaw siya kay Marian. Magchachaperone ako," pabirong sambit nito sabay kindat sa akin.
"Naalala kasi niya yung sinabi nito nung araw na magpaalam ako sa tatay mo na manliligaw ako sa'yo," paliwanag nito.
Natawa na lang ako ng maalala ang panahong iyon.
Natapos ang fireworks display. Nagpaalam na si Marian sa mga bisita at hinayaan ng tumugtog at magtakeover sa programa ang banda. Usually tumatagal ang sayawan hanggang magdamag.
Nagpaalam si Enrico para ipaalam sa mga magulang niyang kasama niyang dumalo na magpapaiwan muna ito at magpapasundo na lang kay Kuya Darwin.
Nagpaiwan din si Jerome at hindi na hinintay ang kinaumagahan. Nilapitan nito sina Uncle Redo at Auntie Vangie na nuoy kausap ang mga lolo at lola para ipaalam na manliligaw siya kay Marian.
"Nasa hustong gulang na kayo iho, hindi naman kailangan pero salamat at ipinaalam mo pa din sa amin ang intensyon mo sa aming anak." Sagot ng Uncle Redo sa kanya.
Nangingiti sa kilig si Marian na nuoy kasama na sina Remi at Laila sa isang mesa habang yakap ang bouquet na bigay ni Jerome sa kanya.
Nilapitan ko na din sila. Masaya kaming nagkukuwentuhan ng tungkol sa kung anu-ano lang nang lumapit si Gilbert at tumabi sa akin.
"Suko na ako," bulong nito sa akin. "Sa mga tinginan ninyong dalawa kanina nakita ko nang wala akong laban sa kanya." Hinanap ko ang mukha niya at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.
"Sana lang tuparin niya yung sinabi niyang susuyuin ka niya araw-araw buong buhay niyo kung magkakabalikan kayo." Mapait ang ngiting pagpapatuloy nito saka tinapik ang balikat ko at nagpaalam.
Naawa ako kay Gilbert kahit nuong una pa man ay pinipigilan ko na siyang manligaw sa akin. Alam ko ang pakiramdam ng umasa dahil nung makipag hiwalay ako kay Enrico ay umasa akong maghahabol ito kahit paano pero nabigo ako. May pagkakataong muntik ko na siyang mahalin pero sadyang hindi kami ang itinadhana.
Nang maalala ko ang kwintas ay tinawag ko siya para isauli ito sa kanya. "Gilbert, sandali!"
Kinuha ko sa bulsa ng jumpsuit ko ang pouch na pinaglagyan ko ng kwintas saka ko inilagay sa kamay niya at itinikom ang kanyang palad dito.
"Ano ito?" Takang tanong niya sa akin.
"Sa'yo yan, pinatago mo lang sa akin para ibigay sa babaeng habang buhay mong mamahalin." Niyakap ko siya saka nilahad ang aking palad para makipag-kamay, "Friends?" Tanong ko sa kanya.
Tinanggap niya yun ng may ngiti saka tumugon, "Friends."
Ibinulsa na niya ang pouch na may lamang kwintas at nanatiling nakiupo sa mesa namin.
Masaya ang puso ko sa kinahinatnan namin ni Gilbert. Someone else deserves his love.
Pagkuway lumapit ang magkaibigang Enrico at Jerome sa amin.
"Do you guys want to go to the beach tomorrow?" Tanong ni Enrico sa grupo namin. "You're invited too, Barcelona." dagdag nitong tiningnan si Gilbert.
"Ay bet, pero sa ngayon kailangan ko munang lumarga dahil maguumpisa na ang pageant sa bayan," pagpaalam nito sa amin.
"Gusto niyong manuod?" Si Laila ang nagtanong.
"Tara!" Sagot ko at napagkasunduan naming yung sasakyan ko na lang ang gagamitin namin.
Nagprisinta si Enrico na magdrive kaya binigay ko na sa kanya ang susi. Kinuha niya ang sasakyan sa likod ng bahay.
Nang makapagpaalam kami sa itay ay lumarga na kami. Sa likod naupo sina Gilbert at Laila. Inunahan naman ako ni Jerome sa tabi ni Marian sa gitna kaya sa passenger seat ako naupo.
Bukas ang mga bintana ng sasakyan at may kalakasan ang 90s alternative rock music na tumutugtog sa radyo ng sasakyan ng baybayin namin ang daan mula Isidro hanggang sa bayan.
Nang makarating sa auditorium ay maayos na ipinarada ni Enrico ang sasakyan sa hilera ng mga sasakyang nauna nang dumating dito.
Kasalukuyan ng nagbibigay ng talumpati ang mayor ng bayan ng dumating kami pagkatapos nuon ay nagumpisa na ang pagrampa ng mga kasali sa Binibining San Bartolome.
Humanap kami ng bakanteng upuan. Masuwerte namang mayroon malapit sa dressing room ng mga candidates.
Nang matapos magpakilala ang mga kalahok sa pageant ay nagyayang magfood trip si Gilbert.
"Di ka pa ba nabusog sa kinain mo kina Angeli kanina?" Tanong ni Laila sa kanya.
"Parang bumaba na yung kinain ko eh. Ayos lang naman kung ayaw niyo akong samahan." Kunwaring nagtatampong hayag nito.
"Let's go somewhere else, it's crowded here." Pagsang-ayon sa kanya ni Jerome.
Lumabas kami ng open air auditorium para puntahan ang plaza na katabi nito. May mga kabataang nagliligawan sa madilim na parte ng lugar habang ang iba naman ay ineenjoy ang playground.
Sa gilid ng plaza ay may mga kiosk at sa isa sa mga ito kami iginiya ni Jerome. Naunang maupo sa fixated bench sa loob ng kiosk si Marian dahil medyo mataas ang pumps na suot nito. Pagkuwa'y hinubad niya ang sapatos at hinilot hilot ang mga daliri sa paa. Agad naman siyang dinaluhan ni Jerome.
Matagal ng crush ni Marian si Jerome. Marami ding nagbalak manligaw sa kanya pero wala ni isa sa mga ito ang nagustuhan niya. NBSB ang pinsan ko. No boyfriend since birth.
Binigyan namin ng privacy ang dalawa. Niyaya ko sina Laila, Gilbert at Enrico na maglakad-lakad sa palibot ng plaza. It already feels awkward to be surrounded by the two men who previously expressed how they feel towards me tapos nariyan si Laila na feeling ko ay nakakaramdam nang maOP.
Nilingkis ko ang aking mga braso sa braso ni Laila habang nakasunod sa amin ang dalawang kasama naming lalake. Hawak ko pa din ang kamay ni Laila ay tumalikod ako habang lumalakad ng patalikod para kausapin sina Enrico at Gilbert.
"Nagugutom ako," hindi nga pala kami nakakain ni Marian dahil kami ang nagpatakbo ng unang parte ng programa sa bahay. "Gusto kong magMcDo. Sama kayo?" Tanong ko sa dalawa.
"Sa Sta Rosa pa ang 24/7 na McDonald's, gusto mong bumiyahe ng ganun kalayo?" Si Gilbert ang namamangha sa gusto kong gawin.
"20 to 30 minutes drive lang naman, baka less pa kasi wala namang gaanong sasakyan ngayon." Pangangatuwiran ko.
"May banchetto akong nakita kanina sa labas ng auditorium. Tignan muna nating kung may magustuhan kang kainan, pag wala, let's go to McDonald's." Mungkahi ni Enrico. Sumangayon ang mga kasama namin.
Niyaya namin sina Marian at Jerome at mula sa plaza ay tinungo namin ang banchetto. Suwerte nilang mayroong nagtitinda dito ng flavored fries at iba pang street foods na gusto ko kaya hindi na namin kailangang bumiyahe.
Nanlibre si Enrico na bumili ng dalawang bucket ng mixed falvored fries na kasing laki ng bandehado; pika-pika platter na naglalaman ng fried and grilled isaw ng manok, kwek-kwek, fishballs, kikiam, squidballs at cheese sticks; atsaka lugaw na may itlog at laman. Bumili naman si Gilbert ng tig-iisang 300 ml na inuming softdrinks at tubig. Si Jerome ay bumili ng donuts at isang buong cake na iba't-iba ang flavor kada slice.
Nakahanap kami ng lamesang kasya ang walong tao at dito kami naupo. Nasa iisang hilera kaming mga babae at napagitnaan ako nina Marian at Laila. Sa kabila ng mesa ay katapat ni Laila si Gilbert, sa tapat ko umupo si Enrico at siyempre si Jerome ay tumapat kay Marian.
Masaya naming pinagsaluhan ang pagkain sa harap namin. Biniro-biro ni Gilbert si Laila na sumakay sa kalokohan nito ng subuan siya ng fries at kung anu-anong pagkain. Ginantihan niya ito ng subuan niya si Gilbert ng mainit na lugaw at napapalahaw pa ito sa init ng pagkaing sumagi sa dila niya. Sising-sisi naman si Marian na inalok siya ng malamig na tubig.
Nang gabing iyon ay nabuo ang bago naming barkada.
Sa paglalim ng gabi ay marami kaming napag-usapan at pinagplanuhan na din ang aming beach get-away. Mag-aalas onse ng niyaya ko na silang umuwi. Inaantok na ako at halos matulog na ako sa lamesang kinainan namin.
Si Enrico pa din ang nagdrive pauwi. Hinatid namin si Laila at Gilbert pagkatapos ay tumuloy na kaming apat sa amin. Nang maiparada ni Enrico ang sasakyan sa likod ng bahay dahil may ilan pang ineenjoy ang banda at nagsasayawan sa driveway ay nagpaalam na din ang mga ito. Hinintay naming makarating si Kuya Darwin bago kami umakyat ni Marian sa kuwarto.
Siguro dala ng pagod ay pasalampak kaming nahiga ni Marian sa kama. Pero ang pinsan ko sa sobrang kilig ay di pa makatulog habang ako naman ay napipikit na.
"Gelay, gising ka pa?" Tanong nito sa akin.
"Hmmmm..." lang ang naitugon ko sa kanya.
"All these years akala ko one way love lang ang mararamdaman ko. Hindi ko akalaing mahal din ako ni Jerome." Masayang kuwento nito. Hindi ko maalala na napabalitang may girlfriend si Jerome kahit sikat na sikat ito sa mga kababaihan ng San Bartolome dahil sa kakisigan nito at galing sa basketball.
"Masaya ako para sa'yo," tapat kong tugon sa sinabi niya.
"Sinagot ko na din siya kanina," pagtatapat nito sa akin.
Napabalikwas ako at napaupo sa kama, "Spill!"
Masayang kinuwento ni Marian na nung iwan namin sila sa kiosk ay nagpahayag ng nararamdaman si Jerome sa kanya. Una pala silang nagkita nung intrams na nakipaglaro sila sa varsity team ng San Bartolome National High School. Ang unang pagkakataon din naming magkita ni Enrico. Nang malaman ni Marian ang nararamdaman sa kanya ni Jerome ay nagtapat na din ito sa lalake. Kaya sila na. Hayun, may jowa na ang pinsan ko.
Kaya pala hindi makatulog at kinikilig pa din.
Dahil sa paghahayag niyang iyon ay nawala ang antok ko. Nang maubos ang kuwento ni Marian tungkol kay Jerome ay di pa din kami makatulog. Hating gabi na iyon.
Naalala nito ang regalo ko sa kanya. Kinuha niya ito at kinalikot. "So, milyonarya kong pinsan anong balak mong gawing ngayong marami ka ng pera at hindi na kailangang magtrabaho?" Pabiro pero masayang tanong nito sa akin.
"Magtatrabaho pa din ako. Low key lang. Ayaw kong maglustay sa walang kabuluhang bagay. Sumang-ayon naman ang inay at itay. Kaya nakadeposito sa bangko yung pera. Ininvest ko ang iba sa stock market at maganda naman ang nagiging resulta." Paunang hayag ko sa kanya.
"Magiging front ko lang ang trabaho ko bilang branch manager sa Saver's Shop. Pero ang gusto ko ay makapagtravel sa buong Pilipinas at kung kakayanin ay buong mundo kasama sina itay at inay."
Tumigil ako saglit saka ko kinuha ang mga kamay niya at tiningnan siya sa mga mata, "Gusto ko kasama ka din sa adventure at para hindi ka na humanap ng trabaho ay bibigyan kita ng capital para magtayo ng travel agency sa Santa Catalina. Para nasa centro ng kalakaran ang travel agency mo at kahit sino mula sa apat na bayang nakapalibot dito ay puwedeng mag-avail ng services mo."
Napaawang ang bibig na lang siyang tumitig sa akin. Iwinasiwas ko ang kamay ko sa harap ng mukha niya at ng matauhan siya ay saka niya sinabing, "Wow! Hindi ko naisip magtayo ng sarili kong business pero ngayong nabanggit mo, tinatanggap ko pero paano ko ipapaliwanag sa itay at inay ko kung saan ako kumuha ng pondo?"
"Kaya nga hindi muna natin itatayo kaagad yung travel agency pero magsosource na tayo ng location at mga kakailanganin. Tapos mga after six months, saka natin bubuksan ang agency at sasabihin nating nagloan ako para pangcapital sa negosyong iyon," paliwanag ko sa kanya.
"Mukhang pinag-isipan mong mabuti ang lahat. Salamat. Pero anong gagawin ko duon sa anim na buwang hihintayin natin? Inaasahan ng inay na makakahanap agad ako ng trabaho para makatulong naman sa pag-aaral ni Mark." Natatarantang bulalas nito.
"Sasama ka sa amin sa Maynila para kunwari ay humanap ng trabaho pero uumpisahan na natin ang pagtatayo nung agency tapos padadalhan natin kada buwan sina Auntie at Uncle ng allowance. Kasya na ba ang ten thousand kada buwan?" Tanong ko sa kanya.
"Sapat na sapat." Sagot nitong may ngiti.
Malalim na ang gabi at makaraan ang limang minuto ay niyaya ko na siyang matulog. Maaga pa kami para sa beach get-away namin kinaumagahan.
Pumikit ako at di namalayang nakatulog na ng tuluyan.