Kilala ang Lola Viring sa pagbibigay ng pinakamagarbo at pinakamasayang handaan sa fiesta.
Kaya naman laging sa gabi inihahanda ito bago ang programa sa bayan para makadalo ang lahat ng mga malalaking pangalan sa lahat ng larangan lalo't higit ang mga pulitiko ng aming bayan.
Hindi kami mayaman sa pera. Siguro dahil ang Lolo at Lola ay laging bukas ang mga palad sa mga kabaryo naming nangangailangan. Kaya din siguro patuloy ang dating ng biyaya sa aming pamilya dahil sa ganitong kaugaliang itinuro pa ng mgq ninuno ng mga Lolo at Lola.
Dahil dibln dito ay laging hinihingi ng aming mga kabaryo ang kanilang payo halos sa lahat ng bagay upang makapagdesisyon sila ng tama. Marami na ang nagmungkahi pero sadyang wala sa loob ng aming pamilya ang pumasok sa pulitika.
Madalas ngang sabihin ng Lolo, "Bakit ko pasasakitin ang ulo ko sa pulitika kung pwede naman akong makatulong sa kapwa ko kahit wala akong posisyon sa gobyerno."
Dahil dito maituturing silang maimpluwensiyang tao hindi lang sa aming baranggay kundi sa buong San Bartolome.
Ang Isidro din ang may pinakamalaking populasyon sa labing limang baranggay ng aming bayan. Ito rin ang may pinakamaraming rehistradong botante. Kaya naman sa mga ganitong okasyon palaging dumadalo ang lahat ng importanteng tao sa aming bayan.
Iba ang naging ayos ng bahay sa pagkakaayos nito nuong ipagblow out nila ako. Sa may silong ng mangga ay nagtayo ang mga tiyuhin at pinsan ko ng maliit na stage. Sa kanan nito sa ibaba ay may maliit na puwesto ang bandang tutugtog. Ang driveway ang magsisilbing dance floor.
Ang sasakyan ko'y ipinark ng itay sa likod ng bahay dahil ginawang buffet area ang garahe. Tumutulong si Gilbert ilabas ang mga handa at pagaayos ng mga pagkain.
Tinatayang buong baranggay at may humigit kumulang isang daang dagdag pa ang dadalo sa handaan. More or less, one thousand guests.
Nagpakatay ang lolo ng limang malalaking baboy, isang baka, dalawang kambing at tatlumpong manok na niluto sa iba't ibang putahe.
Buhat ng umuwi mula sa pamamalagi sa Hawaii bilang beterano nuong World War II ay ang pasasaka at pag-aalaga ng farm animals ang pinagkaabalahan ng Lolo. Ngayon nga matapos ang tatlong taon ay maganda na ang return of investment niya rito.
Nakibahagi naman ang Lolo Pacio at Lola Oriang sa handaan. Sila naman ang naghanda ng mga panghimagas at kakanin para sa malaking salu-salo.
Siguro kaya laging binibiyayaan ng Diyos ang aming pamilya dahil pinalaki ng mga Lolo at Lola ang aming mga magulang na maging bukas palad sa nangangailangan na naipapasa naman nila sa aming mga anak nila ang ganitong kaugalian.
Sabi nga ng mga lola, "Aanhin natin ang sobra-sobra kung may mga kamag-anak tayong salat. Dapat share your blessings para happy ang lahat."
Effort ng buong baranggay ang handaan kahit pa mas malaki ang pinansyal na ambag ng Lolo Temiong at Lola Oriang para isakatuparan ang selebrasyon.
May kanya-kanyang toka ang lahat.
Ang buong bakuran ay nilatagan ng maraming upuan at lamesa.
Kasalukuyan kaming gumagawa ng mga gagamitin sa palaro na kasama sa programa. Kasama ko ang mas nakababata kong mga pinsan na naeexcite sa mga pinamili kong laruan na isinasabit namin ngayon sa bitin-btin na gawa sa kawayan.
Palihim naman akong nagdidikit ng maliliit na papel na may numero o mensahe sa ilalim ng ilang mga upuan. Ngayong taon ay napagpasyahan kong makibahagi sa pagpapalaro.
Bilang pasasalamat sa biyayang natanggap ko, I decided to give back to our community sa pamanagitan ng mga palaro. Naglaan ako ng dalawang daang libong pisong budget para dito.
Dahil kailangan kong makuha ang pakikisama ng pinsan kong si Marian ay kailangan ko na ding maging tapat dito.
Alas singko y'media na, alas sais maguumpisa ang programa. Matapos iayos ang lahat ng gagamitin sa palaro ay umakyat na ako sa kwarto para magbihis.
Unti-unti na ding dumadating ang mga bisita na tinatanggap at pinapatuloy ng aking mga tiya.
Nasa kwartong tinutulugan ko si Marian at nag-aayos. Kasalukuyan itong nagmemake-up ng pumasok ako.
Mula sa dresser ay tumingin siya sa akin saka ako tinanong, "Hindi ba makapal ang make-up ko?"
Nginitian ko siya at sinagot ng totoo, "Hindi pinatingkad lang nito ang ganda mo."
Lumawak ang kanyang ngiti at binalik ang tingin sa salamin para tapusin ang paglalagay ng mascara.
Suot na nito ang maroon jumpsuit na binigay ko sa kanya. Skater skirt ang style ng itaas nito na pwedeng gawing offbshoulder sleeves o tube. Pinarisan niya ito ng black pumps at ang buhok niyay itinali niya sa isang mataas na ponytail atsaka nagsuot ng itim na choker na may pendant na kulay pula. Fancy accessory lang pero dumagdag sa kinang ng kanyang ganda.
Napagkasunduan naming magtwinning ngayong gabi kaya pagkahilamos at toothbrush ay sinuot ko na din ang aking royal blue jumpsuit ko pero pinili kong itarzan style ang skater skirt sleeves nito.
Tinernuhan ko ito ng flat sandals na itim. Kitang-kita ang pagkakapedicure sa mga kuko ng aking paa. Hindi ako nagsuot ng kwintas pero isinuot ko ang dangling bead earings na nasa time capsule ko. Pinaghalong puti at asul ang mga beads na alternate ang pagkakaayos sa isang hugis parihabang hikaw.
Naglagay ako ng manipis na foundation, manipis na blush on, wing eyeliner at manipis na Coral colored lipstick.
Bago kami bumaba ay hinawakan ko ang mga kamay ni Marian. Tinignan ko siya sa mga mata saka sinabi, "May sasabihin akong sikreto sa'yo."
Namilog ang mga mata niyang parang kinakabahan sa sasabihin ko.
"Ikaw lang bukod sa inay at itay ang pinagsabihan ko nito kaya apat lang tayong makaka-alam," dugtong ko.
"Cut to the chase, Gelay! Sumisikip ang dibdib ko sa excitement." Napahawak pa ang kanang kamay nito sa tapat ng kanyang dibdib.
Bago yun ay kinuha ko sa drawer ang regalo ko para sa graduation niya at iniabot ko ito sa kanya.
"Insan, latest high end cellphone ito, malaking halaga ang katumbas nito." Namamanghang sambit niya habang sinisipat ang kahon ng cellphone. "O it's a prank?" Taas ang kanang kilay itong tumingin sa akin.
"Buksan mo kasi ng makita mo." Natatawang hinila ko siya paupo ng kama.
Binuksan na nga niya ito at napaawang ng malaki ang bibig niya ng makita na tunay ang high end cellphone na nasa kahon.
"Nanalo ako sa lotto, solo winner kaya hayun..." Tipid kong paliwanag sa tanong na kita sa kanyang mukha. Ganun namin kakilala ang isa't-isa. Tingin lang sa mukha ay alam na namin ang laman ng isip at gusto naming sabihin.
"Ayaw ko nang tanungin kung magkano baka mahimatay ako, pero thank you dito." Itinaas niya sa hangin ang bago niyang cellphone at saka yumakap sa akin ng mahigpit.
"Walang anuman. Hindi lang yan, kasama ka sa adventure namin nila itay. Saka na natin pag-usapan. Tapusin muna natin ang gabing ito." Ikinawit ko ang aking kamay sa kanyang braso at hinila ko na siya palabas ng kuwarto.
Habang pababa ng hagdan ay sinabi ko sa kanya ang plano ko. Sumang-ayon naman ito na sasabihing mula sa nakalap naming pondo ang aming mga papremyo ngayong gabi.
Alas sais ng gabi ng umpisahan namin ni Marian ang programa. Ginawa niya akong cohost ngayong gabi.
Nakita kong umupo na sa isang mesa si Gilbert malapit sa stage kasama sina Remi, Laila at iba pang mga kaibigan namin. Kinawayan ko sila mula sa silong ng mangga.
Nang dumating si Enrico ay may dala itong napakagandang bouquet. Lumapit siya sa akin para iabot ito. Dahil maraming tao at ayaw kong gumawa ng eksena ay tinanggap ko ito saka ko siya binulungan, "Hindi naman kailangang ito."
"Sabi ko naman sa'yo, I'll make it up to you. Kahit ayaw mo gagawin ko ang dapat ginawa ko nuon, ipaglaban ang pagmamahal ko sa'yo." Pabalik na bulong nito. His arms brushed mine which sent electric currents on my skin.
Pumunta na siya sa mesang katabi ng inuupuan nina Gilbert at umupo paharap sa stage.
Dumating din si Jerome, may dala din itong bouquet at iniabot naman ito kay Marian. Tumabi na ito kay Enrico pagkabigay ng bulaklak sa gulat na gulat kong pinsan. Halatang hindi ito inaasahan pero nginitian niya ito nang tinanggap ang mga bulaklak at inamoy-amoy pa ito bago ipatong sa mesang kawayan sa tabi ng stage.
Pumunta na din ako duon para itabi ang bouquet na natanggap ko. Natigilan ako ng makita kong kamukhang-kamukha ito ng unang bouquet na binigay niya sa akin. Di ko mapigilan ang mapangiti. Itinabi ko ang mga bulaklak sa bouquet ni Marian at sabay na kaming umakyat sa maliit na stage.
Tig-isa kami ng microphone at nauna na siyang nagsalita para umpisahan ang aming munting programa.
"Good evening, everyone. Una sa lahat salamat sa pagdalo sa salu-salong ito na tulong-tulong isakatuparan ng mga seniors ng Brgy Isidro sa pangunguna ng Lola naming si Virginia Punzalan kasama ng lahat ng mamayan dito sa aming baranggay."
Isa isang kinilala ni Marian ang mga importanteng tao na naroon at hindi kinaligtaang kilalanin din ang lahat ng dumalo ng gabing iyon.
Inumpisahan ang programa ng maiksing panalangin na pinangunahan ni Mark. Matapos ay sinunod na namin ng flow ng program na inayos namin ni Marian ng mga nagdaang araw.
Dahil halu-halo ang mga bisita, may bata, kabataan, middle aged at seniors isinakto namin ang programa para magenjoy ang lahat.
Sumunod ay ang pagbubukas ng dance floor at hiniling ni Marian na tumugtog ang banda ng waltz music para makasayaw ang lahat.
Bumaba muna ako sa stage dahil kayang-kaya naman ni Marian ihost ng solo ang programa. Sasamahan ko lang siya sa harap bilang moral support at katulong sa mga inihanda naming palaro.
Hindi nagtagal ay lumapit sa akin si Gilbert, inilahad niya ang kanyang palad at niyaya niya akong sumayaw.
Tumayo na ako at sumama sa kanya sa kongkretong daan papasok sa bahay na nagsilbing dance floor. Baka isipin niyang unfair ako dahil tinanggap ko ang bulaklak ni Enrico tapos tatanggihan ko ang hiling niya ng sayaw.
Ipinatong ko ang aking kanang kamay sa kanyang kaliwang palad at ang kaliwa sa kanyang balikat. Bumalse kami sa parteng malapit sa gate at ng matapos ang kanta ay nagpaalam na ako sa kanyang babalik na sa pwesto ko.
"Nagbibilangan ba ng puntos yung dalawa?" Tanong sa akin ni Marian na napansin ang dalawang binatang tila nagtutunggaling makuha ang atensyon ko.
"Sinabi ko na sa kanilang dalawa kanina na wala pa sa loob ko ang makipag relasyon. Kung ipipilit nila bahala sila basta huwag silang aasa ng sagot dahil pinigilan ko na sila." Mariin kong sinabi kay Marian na nahimigang ayaw ko na ng anumang ganung atensyon mula sa dalawang mokong ngayong gabi kaya imbis na isingit sa programa ang dance for all ay pinalitan na lang namin ito ng mgainihanda palaro.
Una ay ang bitin-bitin para sa mga bata. Enjoy na enjoy ang mga tsikiting na nag-aagawang makahila ng pagkain o laruan na ibinitin namin sa kinwadradong kawayan.
Matapos ay ang scavenger hunt. Lahat ay excited na tumingin sa ilalim ng mesa at upuan nila para hanapin ang bilot ng papel na may nakasulat ng mga katagang, "Pag sumigaw ka ng "Pinagpala ako!" ay matatangap mo ang malaking premyo."
Matagal tagal ding naghanap ang lahat. Si Remi ang nakapulot ng papel na nuoy natanggal pala sa pagkakadikit sa upuan ang lumapit sa stage ng pakendeng-kendeng.
Kinuha nito ang microphone sa akin at sumigaw ng "Pinagpala ako!" Nakataas pa ang isang kamay nitong parang sumigaw ng Darna!
Pumalakpak at naghiyawan ang lahat lalo na ng iabot ko ang sobreng naglalaman ng sampung libong piso. Naglulundag ito sa tuwa habang binibilang namin sa harap ng lahat ang premyo niya.
Matapos ang scavenger hunt ay pinakain na namin ang mga bisita. Para maayos ay isa-isang tinawag ni Marian ang numerong nasa gitna ng lamesang kinauupuan ng lahat.
Isinisingit singit namin ang mga palaro. Sumunod ang Pakbet Challenge. Tinawag namin ni Marian ang mga middle aged na bisita para sa larong ito.
"Bawat gulay ay may katumbas na galaw ng katawan. Pag sinabi kong Talong, ikekendeng pakaliwa ang inyong baywang. Pag sinabi ko namang Ampalaya ay ikekendeng pakanan ang inyong baywang. Pag sinabi kong Okra ay hahawak sa baywang atsaka itutulak palikod ang inyong mga puwet. Kapag sinabi ko namang Kamatis ay itutulak para ang puson. At kapag sinabi kong Pakbet ay iikot ang inyong baywang ng nakahawak sa magkabilang gilid ang inyong mga kamay. Game na.."
Nagbanggit si Marian ng mga pangalan ng gulay. Nung una ay mabagal kaya nakakasunod pa ang lahat. Hanggang sa binilisan niya ito ng binilisan at halos malito na ang karamihan. Last man standing ang mananalo. Tuwang-tuwa ang lahat ng nanunuod habang kumakain ganun din ang mga kasali sa laro. Sa huli ay si Mang Ador na tatay ni Laila ang nanalo. Iniabot ko sa kanya ang kanyang premyo. Dinagdagan ko ito mula sa isa pang sobre na hinati ko ang laman.
"Dahil bigay na bigay si Mang Ador sa pagindak at pagkendeng eto ang premyo mo." Paliwanag ko. Hindi na namin binilang sa harap ng lahat ang papremyo pero namilog ang singkit nitong mga mata na minana ni Laila ng makita ang ilang piraso ng tigiisang libong piso.
Natapos ang programa mag-aalas otso ng gabi. Tinapos namin ito sa fireworks display.
Tumagal ng sampung minuto ang fireworks. Habang nakatingin sa kalangitan para matunghayan ang ganda ng mga pailaw ay lumapit sa akin si Enrico.
"It's a beautiful night," sambit nitong nakalapit na sa akin at ilang pulgada na lang ang pagitan namin. Tulad ko ay nakatunghay ito sa kalangitan. Nang ibaling niya ang mukha sa akin ay nagtama ang aming mga tingin.
Nangungusap ang kanyang mga matang nakangiti na parang hinahaplos ang puso ko. "You look so beautiful tonight, Angeli. I'm always mesmerized whenever I see you." Dugtong pa nito.