Chapter 12 - Starting Over

1557 Words
Tinugon ko lang sila ng pagkibit balikat. Natapos kaming kumain nang hindi nasasagot ang tanong nilang tatlo sa akin. Matapos kumain ay dumaan muna kami sa grocery para mamili ng ilang mga gamit at pagkain. Ipinamili ko ng groceries sina Aling Josie at Aling Karing. Nuong una ay tumanggi ang dalawa kong kaibigan. Kalaunan ay napapayag ko din. "Sige na, humakot na din kayo ng mga kailangan sa bahay niyo. Huwag kayong mag-alala, medyo malaki yung monetary reward ng scholarship ko. Regalo ko yan sa mga nanay niyo para sa pag-anak at pag-aalaga sa mga bestfriends ko." Niyakap ko silang tatlo. "Oo, Rian, pati ikaw." Umikot ang mata ko habang natatawang sinagot ang tahimik na tanong ng pinsan kong inihayag ng kanyang puppy eyes. Natapos kaming may tig-iisang basket sina Marian, Remi at Laila habang tulak ko ang push cart ng karamihan ay finger foods gaya ng chichirya, chocolates, candies, at mga lulutuing fishballs, kikiam, hotdogs, ham at mga tinapay. Sa kabuuan ay anim na libo ang binayaran ko gamit ang e-wallet ko. Alas dos ng hapon ng matapos kami at bumalik ng San Bartolome. Inihatid namin ni Marian sina Remi at Laila bago kami umuwi ng Isidro. Nang makarating kami sa bahay ng Lolo Temiong ay nakaparada sa harap ang sasakyan nina Enrico. Nagkatinginan kami ni Marian bago ko ipasok sa garahe ang sasakyan ko. Nang maiayos ang parada ay binuksan ko ang likod para makuha namin ni Marian ang aming mga pinamili. Bitbit ang mga plastic bag ng groceries at paper bags ay pumasok na kami sa loob ng bahay. Nadatnan naming kausap ng itay at inay si Enrico sa sala na tumayo sa kinauupuan niya ng makita kami ni Marian sa may pintuan. Tinanguan ko lang sila atsaka namin ipinasok ni Marian ang mga pinamili namin at umakyat sa kwarto. "Seryoso siya?" Tanong ni Marian sa aking nahihiwagaan at mukhang kinikilig na. "Malay ko sa kanya. Tara baba na tayo, huwag na nating hintaying tawagin pa tayo ng itay," yaya ko kay Marian pagkababa ng mga pinamili namin sa kwarto. Magkasunod kaming bumaba sa sala, nakabuntot lang si Marian sa akin. Muli, tumayo si Enrico mula sa pagkakaupo ng pumasok kami sa sala. Napakagalang naman nito pero sa loob ko'y umiikot ang mga mata ko. "Tamang-tama ang dating niyo, halos kararating lang din ni Enrico. May pag-uusapan daw kayong importante," mula sa makabuluhang tinginan nila ni Enrico ay inilipat sa akin ng itay ang kanyang tingin, ganun din si Enrico. Nacorner na niya ako, hindi ko na siya maiiwasan. I puckered my lips and tilted my head nodding the direction outside the house. Naintindihan naman niya ang gesture ko at saka sinabayan akong lumabas ng bahay. Naiwan na si Marian kasama nila itay at dumiretso na silang tatlo nila inay sa kusina. Kasalukuyang nagaayos ng bakuran ang mga tiyuhin, pinsan at ilang kapitbahay para sa handaan mamayang gabi. Ang iba ay naglalatag ng mga lamesa at upuan habang nilalapatan naman ng ibang pinsan naming babae ng mantel ang mga lamesa. Tahimik naming nilakad ang papunta sa silong ng mangga at dinaanan lang ang mga nagtatrabaho sa bakuran. Umupo ako sa dulong malapit sa gate habang nanatili siyang nakatayo sa harap ko. Sa tabi ng mahabang upuan sa silong ng mangga ay nagtatayo ang mga kamag-anak namin ng isang maliit at mababang stage. Nakikita ko na ang pagiging kuwelang host ni Marian mamayang gabi. Hindi naman kami pinagtutuunan ng pansin ng mga gumagawa dahil nagmamadali na ang mga itong matapos ang kanilang gawain para makagayak na din. Tinapik ko ang gitnang bahagi ng mahabang upuan sa silong ng mangga pagmuwestrang maupo siya rito na agad naman niyang sinunod. Nagpapakiramdaman muna kami nung umpisa pero hinayaan ko siyang buksan ang usapan namin. Hindi naman ako nabigo dahil siya ang unang nagsalita. "I'm sorry," bungad niya. "For what?" Tanong ko sa kanya. Marami siyang dapat ihingi ng tawad pero hindi ko alam kung alin dun ang pinatutungkulan niya. "For everything." Pag uumpisa nito. "For the letters that came inconsistent then stopped, for not informing you about Daphne ahead of time," pagpapatuloy nito na malamang ang tinutukoy ay yung babaeng nakita kong kasama niya nuon sa peryahan. "For not going after you when Jerome handed me your break up letter, for being coward all these years to try and make it up to you. Daphne is my cousin. Nakiusap ang Uncle Martin na samahan ko siya at ipasyal sa San Bartolome nung magbakasyon sila rito. Naging busy ako sa varsity team at sa exams kaya hindi na ako nakakasulat or nakakauwi nuon." Pagpapatuloy na confession nito. Nakaharap na siya sa aking nakapatong ang kanang kamay sa hita niya at ang kaliwang kamay sa lamesa sa harap ng aming inuupuan. Nakapinta sa mukha niya ang pagmamakawang patawarin ko siya. "I'm sorry for barging earlier sa pizza parlor and for coming here today kahit alam kong ayaw mo akong makausap or makita man lang." sambit nito habang hinihilot ng kanyang hintuturo at hinlalaki ang noo niya. Umayos siya ng upo at humarap na ulet sa akin. Nakahawak sa sandalan ng upuan ang kanang kamay niya habang nasa hita naman ngayon ang kaliwa. "Please tell me what I can do to make things right between us." Pagsusumamo pa din nitong nakahawak na sa kaliwang kamay kong nakahawak sa gilid ng upuan ng hindi ko namamalayan. "Enrico, we're done," seryoso ang mukha ko siyang hinarap. "Whatever your relationship with that girl, wala na sa akin yun. Hindi ko din kasalanang hindi ka pa nakakamove on. Who knows you just feel guilty for what you've done kaya umaasa ka hanggang ngayon na magkakaayos tayo." Pinatatag ko ang damdamin ko habang sinasabi ko ito sa kanya. "I am guilty but mostly, I love you. I loved you then. I love you until now. Nasaktan din ako na hindi mo ako binigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag sa'yo. Sabi mo sa sulat mo ayaw mo na akong makita kaya dumistansya ako sa'yo. Mahal na mahal kita kahit masakit, nirespeto ko ang desisyon mo. Pero ngayon narealize ko dapat ipinaglaban ko ang nararamdaman ko para sa'yo." Pagpapaliwanag nitong mukha namang nagsisisi talaga. "Let's start over, please," pagsumamo nito. "At least, allow me to court you again. Kung wala na talaga, maiintindihan ko pero sana maging magkaibigan pa din tayo kahit paano." Dagdag pakiusap nito. "I don't know, Enrico. With my experience in the love department, I don't think I want to be in a relationship anymore." Sa pahayag kong iyon alam ko pinatay ko na ang natitirang pag-asa niya na maging kami ulet. Siguro puwede kaming magkaibigan. Ayaw ko din naman na forever magalit sa kanya. "At least, allow me to court you again," pakiusap pa din nito. Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko towards Enrico. Part of me wants to punch him dahil hindi siya naghabol pero parang mas lamang yung pakiramdam na gusto kong magpasakop sa kanya. Makulong sa mga bisig niya at yumakap sa malapad niyang dibdib. "Magiging magkaribal pa din pala tayo hanggang ngayon," bulalas ni Gilbert na nakatayo sa gate malapit sa kinauupuan namin ni Enrico. "Anong ginagawa mo rito? Kanina ka pa diyan" Sunod-sunod kong tanong sa kanya. Lumapit na siya sa amin ni Enrico. Tinanguan nila ang isa't-isa tanda nang pagkilala sa presensya ng bawat isa. "Kararating ko lang, hindi ko naman narinig ang usapan ninyo. Yung paghingi niya lang ng pahintulot na manligaw ulet sa'yo. Parehas pala kami ng pakay. Hingin ang pahintulot mong manligaw ulet sa'yo." Tugon nito sa tanong ko. Matigas ang mukhang nakatingin kay Enrico na nuoy nakatitig lang sa akin at napaangat ang mukha ng sabihin ni Gilbert na gusto din nitong manligaw sa akin. Ang haba ng hair ko. Kung andito lang si Remi magbibiro nanaman itong nanghihingi ng buhok ko. "Hindi niyo na kailangang maghintay ng matagal o mag-effort dahil ngayon pa lang malalaman niyo na ang sagot ko," may buntong hiningang pagbungad ko sa sagot ko sa kanilang dalawa. "I'm not ready to be in a relationship yet. Mas makakabuting manatili na lang tayong magkakaibigan. That would be the best for all of us." May finality sa tono ko at tinignan ko ang bawat isa sa kanila na parehas na lang tumungo. "I'm not giving up though," tugon ni Enrico. "Ako din," sagot ni Gilbert. "Bahala nga kayo!" Tumayo na ako at pumasok sa loob ng bahay para tumulong sa handaan mamayang gabi. Iniwan ko silang dalawa sa silong ng mangga. Ilang minuto ang nagdaan at sumunod sila sa akin sa kusina. Parehas silang nagpaalam na uuwi na. "Hindi niyo na ba hihintayin ang handaan?" Tanong ng inay sa kanilang dalawa. Alas singko na ng hapon at isang oras na lang ay mag-uumpisa na ang kainan. "Babalik na lang po ako mamaya," paalam ni Enrico. "Ano pong maitutulong ko," tanong naman ni Gilbert na mukhang mag-papaiwan. I don't want to lead them on. Ayaw ko silang paasahin sa wala. Mabuti nang alam nila ang nararamdaman ko ngayon pa lang. Kung mangungulit sila pagkatapos nun ay desisyon na nila yun. May isip na sila, sariling desisyon Wala pa talaga sa loob ko ang makipagrelasyon muli. Gusto kong enjoyin muna ang pagiging single ko at ang napanalunan ko sa lotto kapiling ang aking mga magulang. With my parents, I will start over. Start making memories that we would cherish forever.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD