Kabanata 6

1577 Words
SAMANTHA's P.O.V PAPANSIN talaga siya kahit kailan. Basata-basta na lang siya lagi sumusulpot kung kailan maganda ang araw ko at sa tuwing nariyn siya ay nasisira ang lahat. Pagkatapos ng huling pag-uusap namin ni Christian ay hindi na ulit iyon naulit pa. At nang araw ding iyon ay hindi ko pinansin si Jacob. Kahit anong pangungulit at pang-iinis niya sa ain ay hinayaan ko lang. Nang sumunod na araw naman ay sinadya kong magpahuli ng pasok at sa unahang upuan ako nauupo para hindi siya makatabi. "Bakit kaya wala pa sila? Hindi ba maaga nang pumapasok si Jacob?" "Baka late na naman ulit." Rinig kong usapan ng mga kaklase kong babae. Wala pa nga ang dalawang Hortongs. Sa unahan pa rn ako umupo para na rin siguro makasiguradong hindi ko makakatabi si Jacob. Dumating na ang uang Professor namin kaya ngasiayos na silang lahat. Kasabay ng pagpasok ng Professor ay siya ring pagpasok ng magpinsang Hortons. Unang pumasok at dumeretso si Clent sa dulong upuan niya. Si Jacob namna ay nasa harapan ko. Nakangisi sa akin habang ang bag ay nakasabit sa balikat. Malandi niyang kinausap ang katabi kong babae na roon maupo. At ang katabi ko naman ay kinikilig pang tumayo at ibinigay ang upuan kay Jacob. "Thanks," ani Jacob. "A-anything for y-you," uta na sabi ng babae at tumungo sa ibang upuan. Buumunotng-hininga ako at kiinuha ang bag para makalipat ng panibagong upuan. Ngunit bago pa man ako makatayo sa upuan ay hinawakan na ako ni Jacob sa braso para pigilan sa dapat kong gagawin. Pilit kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin at siya namang pinipilit rin akong manatili sa upuan ko, katabi siya. "Are you avoiding me?" tanng niya sa mahinang boses. "Why would I?" "Then, what are you trying to do? Lumipat na naman ng upuan malayo sa akin?" Dahil nagsisimula nang mag-discuss ang professor namin sa unahan ay sinikap namin pahinain ang boses sa pag-uusap. "Babalik na ako sa dati kong upuan," sabi ko at sinubukan ulit tumayo. Inilapit niya ang mukha niya sa akin at bumulong sa tainga ko at habang ginagawa niya iyon ay naamoy ko ang mabango niyang hininga na amoy mint. "Nandito na ako hindi ba? Bakit ka pa babalik sa dati?" Plastik akong ngumit sa kaniya at tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko. "Subukan mo lang mang-inis, lilipat ako." Umayos ako ng pagkakaupo at nakinig na sa nagtuturo sa harapan. "Yes, honey." Napairap na lang ako sa sinabi niya. Honey your face. Buong klase ay nakapatong ang isang braso niya sa sandalan ng upuan ko kaya hinid ko magawang sumandal doon at medyo iniwas ko ang sarli sa kaniya. Prente siyang nakaupo, ang ulo ay paranng nakahilig na sa aking balkat kapag inilapit ko ang sarili ko sa kaniya. Kahit ang mga mata niya ay nasa harapan ay pakiramdam ko ay wala ang atensiyon niya doon dahil madala siyang lumilingon akin at basta na lang kong tataasan nng kilay. Pairap naman akong nag-iiwas ng tingin sa kaniya. "Nagka-stiff neck yata ako, ang sakit," reklamo niya habnag hinihilot ang leeg niya. Eh, sino ba kasing nagsabing itabingi ang ulo niya at halos isandal na sa akin? Bumaling siya sa akin habang ginagawa iyon. "Marunong ka bang manghilot?" "Hindi," tipi kong sagot. "Common, kahit saglit lang. Sobrang sakit talaga eh." "Mayaman ka hindi ba? Try mo kayang tumawag ng masahesta at sa kaniya magpahilot," sarkastikong tugon ko. Ngumuso siya at tinigil ang ginagawa sa leeg niya. "Wala bang asukal sa bahay niyo?" Biglang tanong niya naman. Kunot-noo akong tumingin sa kaniya. "Bakit?" tanong ko. "Kulang ka kasi sa ka-sweet-an." "Anonng connect?" taas kilay kong tanong. "Psh.. shut up." Hindi pa dumadating ang susunod naming Professor nang tumayo siya at akmang lalabas . "Saan ka pupunta?" tanong ko bago pa siya makalabas ng tuluyan. Matamis siyang ngumiti sa akin. "Sa comfort room, sasama ka?" "Bwiset." Kahit kailan napakawalang k'wenta niyang kausap. ilang saglit pa ay dumating na ang professor naming babae kasama si Jacob at dala nito ang gamit ng professor namin. Matanda na lang Professor namin ngunit hindi ko alam kung bakit naiirita ako sa paraan niya ng pagngiti at paghaplos sa braso ni Jacob. Magiliw naman ang pagpapasalamat niya kay Jacob ngunit naiirita talaga ako sa paraan niya ng paghaplos sa braso ni Jacob at hindi ko rin alam kung bakit ko pa nga ba napanisin iyon. "Did you miss me?" agad na tanong ni Jacob ng makaupo siya sa tabi ko. "Miss mo mukha mo." "Oh, yeah I miss you too." Malapit na nama ang mukha niya sa akin at ang buwiset na lalaki na Jacob ay pumikit pa sa harapan ko at parang may inaamoy na kung ano. "Bango," aniya pagkadilat ng mga mata at nagtama ang paningin namin. Agad naman akong nag-iwas ng tingin. NASA gymnasuim kami ngayon para sa isang volleyball game ng aming physical education. Naka-P.E uniform ako at itinali ang buong buhok para hindi maging sagabal sa paglalaro. Nahati kami sa dalawang grupo, babae laban sa lalaki. Halos magkapantay ang iskor ng bawat team. Sa bawat laro ay parang lutang si Jacob. Minsan ay nasasalag niya naman ang bola ngunit madalas ay hindi lalo na kung ako na ang titira. Sa huling laro ay nasa akin ang bola at handa nang paluin. Nang palappit na ang bola sa kabilang team ay akala ko ay maasalag iyon ni Jacob, ngunit sa kasamaang palad ay sa mukha niya mismo iyon tumama. Nanlalaki ang mga mata ko nang makita siyang bumagsak sa sahig. Agad namin siyang pinuntahan, pagkalapit ko ay parang nakatulog siya at may kauniting dugo sa ilong. Agad siyang sinikap mabuhat ni Clent at ng ilan pang kaklaseng lalai para madala sa clinic. "Ang lakas yata ng pagkakatama sa ilong niya," wika ng kaklaseng babae. "Sana hindi mabangasan ang mukha niya." Lahat kami ay nasa labas ng clinic at naghihintay. Nnag biglang bumukas ang pinto ng clinic at magkasabay na lumabas si Clent at ang Professor namin. Agad na nagtama ang mata nmain ni Clent, maging ang Professor ay nasa akin din ang mata. "Kailangan mong pumasok sa loob," wika ni Clent. "Bakit?" Nagkabit-balikat lang siya sa akin. "Ikaw ang hinahanap niya eh. Ikaw daw ang nakatama sa kaniya kaya ikaw an gagamot sa kaniya," ani Clent. "May nurse naman sa loob hindi ba?" "Just do it, kung ayaw mong maubsan siya ng dugo. Ayaw niyang magpagalaw sa nurse sa loob eh." Napakamot pa sa batok si Clent. Napangiwi na lang ako at wala nang nagawa kundi ang pumasok na sa loob ng clinic. Pagkapasok ay biglang umayos ng pagkakahiga si Jacob. Nasa akin ang paningin a nakangisi. Mukhang hindi man lang siya nasaktan sa itusra niya. Habang palapit ako ay pansin ko ang paglunok niya. "Bakit kailangan ako pa ang maggamot sa iyo?" agad na tanong ko. Hindi niya ako sinagot at nakatingin lang sa akin, naghihintay sa gagawin ko. Lumapit ang nurse sa amin at ibinigay ang first aid kit. Kinuha ko iyon at nagpasalamat saka sinimulang kunin ang kailangan ko. "Umupo ka." Agad iyong sinunod ni Jacob. Tuwid siyang umupo at hindi pa rin maiwasan ang paglunok habnag deretso ang tingin sa akin. Sinimulan kng dampian ng bulak na may alcohol ang parte ng mukha niyang may dugo. "Bakit ayaw mong mas lumapit pa para maayos mong magamot?" medyo sarkastikong aniya. Ibinukaniya ang dalwang hita niya at iniwestra iyon sa akin. Bumuntong hininga na lang ako saka lumapit pa sa kaniya. Sa pagitan ng mga hita nya para akong nakakulong. Sa hindi malamang dahilan ay hindi ako komportable sa posisyon naming dalawa na pilit kong binabalewala. Sa bawat ginagawa ko ay nasa akin ang ang buong atensyon niya at halos hindi na lumabayan n mata niya ang mukha ko. May ilang beses ko pang dinidiinan ang pagkakadampi ng bulak sa kaniya. "Ayan tapos na," ani ko at inayos na ang mga ginamit ko. Aalis na sana ako sa pagitan ng mga hita niya nang ipitin niya ako doon. Sinubukan ko pang umalis sa pagitan ng hita niya. "Lalabas na ak---" Hindi ko natapos ang dapat na sasabihin ng bigla niya akong hapitin sa baywang at ilapit sa kaniya at saktong maglingnon ko sa kaniya ay nagtama ang mga labi naming dalawa. Nanlalaki ang mga mata, halos nanigas ako sa kinatatayuan at nabitiwan ko pa ang hawak na first aid kit. Hindi ko alam kung isang segundo o minuto iyon dahil hini ko pa rin alam kung anong gagawin. Lalo na nang gumagalaw ang labi niya at sipsipin ang labi ko. Ang isang kamay niya ay inihawak niya sa ulo ko at mas ilapit pa ako sa kaniya habang ang isang braso ay nasa baywang ko nakahawak. Hindi ko maintindihan ng bakit pati ako ay napapikit na lang rin ng mga sandaling iyon. Bumalik lamang sa katotohanan ang diwa ko nang biglang may magsalita sa kung saan. "Oh my god!" mahinan wika ng kung sino. Pilit kong itinulak si Jacob at nang maghiwalay kami ay nagkatitigan kaming dalawa. Namumungay ang mga mata nya habang ako ay nag-init ang mukha at hindi makapaniwala sa nangyari. Agad akong tumalikod at dmeretso sa pintuan palabas. "S-samantha," tawag pa sa akin ni Jacob. Sa paglabas ay nakasalubong ko pa si Clent at halos hindi ko magawang tumingin sa kaniya. "What happen to you?" nag-aalalang tanong ni Clent. Umiling ako at tumakbo na. That was my first kiss. And Jacob stole it! Ang lalaking kinaiinisan ko pa talaga ang nakakuha ng unang halik ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD