Kabanata 5

1714 Words
JACOB'S P.O.V. "Who's your first kiss?" Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung baki ko nga ba iyon biglang natanong kaniya. Basta na lang talaga siya lumabas sa bibig ko. Nang maglapit ang mukha namin kanina ay hindi ko rin maintindihan kkung bakit ganooon na lang ang kabado ko at parang may nagsasabi sa akiin na masarap ang pinkish na labi niya at dapat ko iyong halikan. Mabuti na lang at hindi ko iyon nagawa sa loob ng classroom habbang nagtuturo ang Professor namin. Iritado at padabog siyang lumabas ng room dahil sa tanong kong iyon. Ako naman ay parang tangang natatawa dahil doon. Ang sarap niya talagang inisin. "Dude, bakit mo siya tinatanong ng ganooon?" tanong ni Clent sa likuran ko. Nagkabitbalikat lamang ako sa tanong niya. Maski sarili ko ay hindi ko rin alam kung bakit. "Huwag mong sabihing gusto mo siyang isama sa mga babae mo?" agad akong umiling sa sinabi ni Clent. "No... she's different." "Then, why did you sk her lthose thing?" "I just don't know, basta na lang iyon lumabas bibig ko." "Do you like Samantha?" Bigla akong napatingin kay Clent dahil sa tanong na iyon. Seriously? "Ofcourse not. I'm just enjoying her annoyed face. And she's not even my type. You know my types about girls at wala siya noon. Mataba siya saka Amazona pa, akala mo lalaki." "Baka pagsisihan mo iyang sinasabi mo sa huli," ani Clent at nauna nang sumakay kotse. Nag-isip pa ko saglit dahil sa sinabi niya. Bakit ko naman pagsisisihan? Habang nasa kotse ay hindi ko maiwsang mapangiti at matawa sa tuwing maaalala ang mukha ni Samantha kapag naiinis sa akin. She's so priceless. Natigil ang pag-iisip ko nang biglang sunod-sunod na tumunog ang cellphone ko. Puro text iyon ng mga babaeng nangungulit sa akin at may ilang missed calls pa. "I miss you.Kailan ka tayo magkikita?" basa ko sa isang mensahe galing sa nakilala kong babae sa bar. Ni isa sa mga nag-text sa akin wala akong ni-reply-an. Siguro dahil wala akong ganang makipagkita... o dahil may iba na akong pinagkakaabalahan. "Want to go to bar?" tanong ni Clent. Umiling ako at binalik sa bulsa ang cellphone ko. "Magre-review na lang ako sa bahay." "Woah, that's new! Are you sick or what?" gulat at tila hindi makapaniwalang tanong ni Clent. Natawa ako sa reaksyon niya. "None of the above." "Or is it because of a woman?" Kunot-noo akong tumingin sa kaniya. "What do you mean?" Hindi niya ako sinagot at nailing na lang sa akin. Alam kong may gusto pa siyang sabihin pero pinipigilan niya lang anng sarili niya. "It just for a change. Ilang ulit na rin akong kinukulit ni Mommy na umuwi na sa U.S sabi niya kapag hindi ako nagtino sa pag-aaral ay si Ate mismo ang kukumbinsihin niyang pauwian ako. At alam mo ang magyayari kapag umuwi ako, kukontrolin niya na naman ang lahat ng galaw ko." Mahabnag paliwanag ko. "Tita Alondra is always your enemy in life," buntonghiningang wika niya. IYON nga ang ginawa ko nagbasa ako saglit pagktapos ay nagkulong na lang sa kuwarto kasama si Clent dahil nag-aya pa siya ng inuman. "You know what, Samantha is a cool girl." Naningkit ang mga mata ko sa biglang pag-iiba ng topic ni Clent. Kanina ay puro mga kalokohan namin noong kabataan ang pinag-uusapan namin, ngayon ay bigla na lang napasok ang babaeng iyon sa usapan. "Do you like her?" kritikal kong tanong. Tumawa pa siya bago uminom ulit at sagutin ako. "No, it just that she's different to the women I met." "Well, yeah she's really different. Do you like Samantha?" tanong ko ulit sa huli kahit nasagot niya naman iyon. "I said no, Dude. Don't worry hinid ko siya aagawin sa iyo." Saglit akong natahimik at ganoon din naman siya. Tanaw ang isang bote ng vodka sa harapan ko nang biglaakong may naalalang nagpainis ng ulo ko. "P'wede bang... p'wede bang lumayo ka ng kaunti kay Samantha? Naiinis ako kapag pinagkukumpara niya ako sa iyo! Mas pogi namna ako sa iyo at approachable pa, samantalang ikaw hindi ka marunong ngumiti sa mga babae." "Well, she likes me... at ikaw hindi,' malaki ang ngising sabi niya sa akin. "Shut up, dude!" Napakahangin nito! Natawa pa siya sa reaksyon ko. "Tigilan mo kasi ang pang-iinis sa kaniya. Halos araw-araw mo nang sinisira ang araw niya," wika niya at nagsalin ng alak sa baso naming dalawa. "Hindi na yata matitigil iyon. Ang sarap kasi tingnan ng mukha niya kapag naiinis na sa akin." Natatawang sabi ko. "Para akong aso't pusa lagi." "DUDE, it's too early pa. If yu want mauna ka nang pumasok," naalimpungatang sabi ni Clent. Ala-sais pa lamang ng umaga at ginigising ko na agad siya para maagang pumasko ng Campus. Madalas ay late na kami lagi napasok at hindi ko rin alam kung bakit ba ang aga kong nagising ngayong araw. Nanng magising ako kanina ay parang gusto ko na agad pumasok ng school, na hindi ko naman talaga ginagawa. Sa buong buhay ko ay ngayon pa lamang yata ako nagising ng ganito kaaga para pumasok. Iyon nga ang ginawa ko, hinayaan ko na siyang matulog pa ulit at ako naman ay nagmadali nang mag-ayos para makapasok na. Hindi ko na rin binalak pang mag-almusal, siguro ay sa canteen na lang ng school. "Good morniing, Sir! Ang aga niyo po ngayon ah," gulat na bati ng driver namin. Hawak ang tasa ng kape at nakaupo sa harap ng kotse sa garahe at gulat na napatayo nang makita ako. "Good morning, Kuya. Bagong buhay na ako ngayon HAHAHA!" natatawang wika ko. Agad akong pumasok ng kotse at pasalampak na umupo sa pasenger seat. "Tara na, kuya baka ma-late na ako." "Si Sir Clent ba ay mamaya pa papasok?" Tumango na lang ako kay Kuya at kinuha ang cellphone ko. BInuksan ko ang twitter account ko at hinanap ang pangalan ni Samantha de Vera. Maraming lumabas ngunit ni isa doon ay wala ang account niya. Nang subukan ko sa i********: ay ganoon din, hindi ko makita ang pangala niya. "May account ba siya? Baka naka-private?" tanong ko sa sarili ko. Sinubukan ko rin sa f*******:. Bihira ko lang buksan ang account ko sa f*******: at madalas kong gamitin ay i********: at twitter lamang. Isang click ko pa lang ng search button ay unang bumungad sa akin ang niyang pamilyar niyanng mukha. Aggad ko iyong pinundot at nag-scroll pa pababa. Wala gaanong post at malalaki ang pagitan ng bawat post niya. Ang mga larawan niya naman ay nagpabagal ng bawat tingin ko sa bawat isang picture na makikita ko. May isa pa akong larawang nakita na kasama niya ang mama niya na sa tingin ko ay matagal na. Kamukhang kamukha niya ang babaeng kasmaa niya kaya tingin ko ay mama niya iyon. Si Samantha ay nakasuot ng pulang dress na hanggang tuhod nkatali angn buhok at matamis ang mga ngiti. Payad pa siya sa larawang iyon at kitang kita ang kurba ng katawan niya. Bigla ay parag ang init ng paligid kahit bukas naman ang aircon ng kotse. Ilang beses pa akoong napalunok habang nakatingin sa larawan niyang iyon. Ang suot kong uniporme sa babae ay parang biglang sumikip at tila may gustong kumawala doon. D*mn! What the h*ll is this? Morning hormones, i think. Napailing ako at sinubukan pang paypayan ang sarili ko gamit ang kamay. Basta ko na lang pinatay ang cellphone ko at tinago sa bulsa ko. Bumuntong-hininga ako at kinalma ang sarili. Calm down, doggy. "Sir, nandito na po tayo," wika ni Kuya. Tulala pa rin ako at basta na lang tumango. "Sige, mamaya na ko lalabas ang init pala." "Laksan ko po ba ang aircon?" tanong ni Kuya. Agad naman akong tumango. "Itodo mo na." Ilang minuto pa akong nanatili sa loob ng kotse bago nagpasyang lumabas na nga. Anong silbi ng maaga kong gising kung nasa loob lamang ako ng kotse? Nagbillin na rin ako sa driver na umuwi na para sunduin naman ang pinsang kong is Clent. "Hi, Jacob." Sabayy-sabay na bati ng isang grupo ng mga babae. Kinawayan ko na lamang sila at hindi na pinagtuunan pa ng pansin. Hindi pa man nakakalayo ay tanaw ko na ang isang pamilyar na pustora ng isang babae kasama anng isang lalaking nakasalamin. Magkasama na naman sila ng nerd na lalaking iyon? Bigla ay parang nag-init ang ulo ko sa nakita dahil mukhang masaya silang dalawa. Mabilis akong naglakad patungo sa kinaroroonan ng dalawa. Bago pa man akong tuluyang makalapit ay isang babae ang humarang sa akin. "Bakit hindi mo na sinasagot ang text at tawag ko?" parang nagtatampong ani ng babae. Kumuunot ang noo ko dahil hindi ko matandaan kung sino itong nasa harapan ko. maganda siya, pulang-pula ang labi dahil a lipstick, maging ang pisngi ay mapula rin at nakatali ang medyo kulot nitong buhok. "Sorry, busy kasi ako eh. Excuse me may pupuntahan pa ako," wika ko at umalisna sa harapan niya. Tinawag pa ako ulit ng babae ngunit hindi ko na siya nilingon pa. Ngayon ay nakaupoo na sa isang lamesa ang dalawa sa ilalilm nng puno ng mangga sa tapat ng business department. Mas binilisan ko pa ang lakad at nang makarating sa kinaroroonan nila ay basta na lang ako umupo sa tabi ni Samantha na siyang ikinagulat nilang dalawa. Natigil din ang kung anong pinag-uusapan nila dahil sa akin. Masama ang tingin sa akin ni Samantha at ako namna ay umastang balewala lang iyon. "Ano na naman ba?" inis na tanong ni Samantha. "Good morning," bati ko at binalewala ang tanong niya. Hindi niya ako sinagot at bumuntong hiininga pa. "Go on, ituloy niyo lang ang pag-uusap niyo." Imbis na sundin ang sinabi ko ay nagpaalam na si Samantha sa kausap na lalaki. Napangisi na lang ako habang pinagmamasdan ang paalis na bulto ni Samantha. Nang ibaling ko naman ang tingin sa lalaking kausap niya ay inaayos na nito ang gamit niya at handa na ring umails. Bago pa man siya makaalis ay pinigilan ko siya at nagsalita. "What's your name?" stanogn ko sa lalaki. "C-christian," ulit na sagot niya. Tumango ako at nagsalita ulit. "Layuan mo si Samantha kung ayaw mong basagin ko iyang mukha mo," seryosong wika ko at umalis na. Bakit ko ba iyon ginawa? Ewan ko, basta ayokong nakikita silang magkasama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD