Kabanata 4

1440 Words
Habang naglalakad papasok ng paaralan ay isang magarang itim na sportcar ang tumigil sa gilid ko at bumisina. Kahit nasa tabi namna ako ay napatigil ako sa paglalakarad at gumilid pa dahil sa pagbusina nito. Unti-unting bumaba ang bintana nito at iniluwa noon ang mukha ng kinaiinisan kong si Jacob. Nagtaas ako ng kilay sa kaniya kahit pa mapatamis ang mga ngit niya sa akin. Inirapan ko siya at nagpatuloy na sa paglalakad ngunit sinundan pa rin ako ng kotse. "Sakay na," ani Jacob na nakadungaw pa rin ang ulo sa bintana ng kotse. "Huwag na<" walang ganang sabi ko "Ang pakipot mo1 Ang magandang katulad mo ay hindi dapat naglalakad, pagpapawisan ka saka baka masunog ang kutis mo sa araw." Napangiwi na lang ako sa siabi niya. Anong akala niya sa akin anak mayaman? Bumaba na siya ng kotse, mas binuksan pa ang pinto ng kotse at naglaahd ng kamay sa akin. "Sanay akong maglakad at mapapwisan. Huwag mo akong itulad sa inyong anak mayaman." Bumuntonghiniga siya at parang nawawalan na ng sasabihin. "Hindi mo na rin ako kailannga isabay, baka kung ano pa isipin ng mga estudyante sa school pag nakita akong nakasakay sa kotse mo." "Ano nman kung makita ka nila? ANd can you just accept my offer?" aniya na parang nauubusan na ng pasensiya. "Pinipilit mo ba ako?" iritadong tanong ko sa kaniya. Magsasaalita na sana siya nang dumungaw si Clent sa kotse. Ang pogi niya talaga kahit anong ayos ng buhokk niya. Magulo ang buhok niya pati ang uniporme ay hindi rin nakaayos at ang mga mata ay parang inaantok pa rin. "Sumabay ka na sa amin, Samantha. Hindi ka niyan titigilan hanggat hindi ka sumasabay. And both of you, please stop fighting kung ayaw niyong mahuli tayo sa klase." Nang tingnan ko anng relo ko ay ilang minuto nanga lanng ay mag-uumpisa na ng unang klase nmin. Kaya naman pumasok na rin ako sa kotse. Padabog naman pumasok si Jacob ng kotse. Napagi-gitnaan nila akong dalawa. Naglalaban ang panlalaking pabango nilang dalawa sa ilong ko. Hindi ko rin matukoy kung ano bang uri ng pabango iyon dahil ngayon ko lamang iyon naamoy. "Isang bese ng inaya umu-oo agad? Samantalang ako halos maubusan ng ng pasensiya, ayaw pa rin?" pabulong na sabi ni Jacob na nasa kaliwa ko. NIlingon ko siyang nakanguso at halos hindi maipinta ang mukha. "Anong sabi mo?" tanong ko dahil wala hindi ko masyadong naintindihan ang mga sinabi niya. "Wala!" inis niyang sabi. "Sinisigawan mo ako?!" sigaw ko rin sa kaniya. "Hindi!" sigaw niya ulit ng hiindi man lang tumitingin sa akin. "Sinisigawan mo ako, tang*!" "Sinabi n---" "Tumigil nga kayo! Ang sakit niyo sa tainga," suway ni Clent. "Shut upt, bro. Naiinis ako sa 'yo," ani Jacob. 'What?" takang tanong ni Clent. Sabay kaming napatingin ni Clent kay Jacob na hindi pa rin maipinta ang mukha. Deretso ang tingin sa harapan habang nakataas ang gilid ng labi niyang nagpapakita lang ng pagkairita niya sa kung ano. "Problema mo?" nanghahamong tanong ko sa kaniya. Dahil doon ay tumingin siya sa akin at nagpalipat-lipat siya ng tingin sa akin at kay Clent. "Anong pagtutulungan niyo akong dalawa? Tsk... pagbuluhin ko pa kayo eh," naiinis niya ani at umirap pa. "Sige, gawa," paghahamon ko. Nabigla naman ako sa sunod niyang ginawa at para pa akong naistatwa sa kinauupuan. Pinisil niya ang magkabilang pisngi ko na para bang gigil na gigil. "Nakakainis ka na alam mo ba 'yon? Puro ka na lang Clent," wika niya habang pinipisil ang magkabilang pisngi ko. Mabilis kong tinanggal ang mga kamay niya sa pisngi ko. Hindi naman iyon masakit, pero pakiramdam ko ay nagtagal sa pisngi ko ang pakiramdam ng pagkakapisil niya. Kahit wala na ang kamay niya ay pakiramdam ko ay pinipisil niya pa rin ako. Hinimas ko ang magkabilang pisngi ko habang masamang nakatingin sa kaniya. Siya naman ay may bulto ng ngiti sa labi habang pinagmamasdan ang dalawang kamay niya. Lakas ng tama nito, ah? Bipolar... kanina halos 'di maipinta ang mukha, ngayon parang tang* na naman kung makangiti. Umayos na ko ng pagkakaupo. Nang ituon ko ang paningin ko sa harapan ay nagtama ang mata namin ng driver sa may salamin. Parang natatawa si Manong Driver at nang makita akong nakatingin sa kaniya ay agad siyang nag-iwas ng tingin. Sa parking lot na ako bumaba para wala masyadong estudyante ang makakita na kasama ko silang dalawa. Dahil nga umiiwas ako sa kanilang dalawa ay nauna na akong maglakad sa kanila kahit pa ilang beses akong tinawag ni Jacob. Kahit ilang linggo pa lang ang pasok ay matung na ang pangalan nilang dalawa, lalo na sa mga babae. At iyon ang dahilan kung bakit ako umiiwas sa kanila. "Bakit ba atat na ata kang lumayo sa akin, ha?" tanong ni Jacob. Nasa classroom na kami ngayon at ito na naman siya sa panggugulo sa akin. Nagbabasa ako ng notes ko ng umupo siya sa tabi ko at inilagay ang kamay niya sa mismong bnabasa ko. Pinitik ko ang kamay niya para alisin iyon doon. Inalis niya nga ang kamay ngunit kinuha niyanaman ang notebook ko at inilagay iyon sa lamesa niya. Masama ko siyang tiningnan na sinuklian niya lanng ng palaging nakaiinis niyang ngisi. "Hindi kita nilalayuan sadyang ayoko lang sa presensiya mo. Ang hilig mong mambuwiset," kalmado ngunit madiin konsagot sa kaniya. Ngumisi lalo siya at bahagyang inilapit ang mukha sa akin. Ang isang braso ay nakasandal sa sandalan ng upuan ko at ang isa ay nasa lamesa niya, tinatakpan ang notebook ko. "Ang swerte mo nga at ikaw ang babaeng pinapansin ko." "Oh, swerte ba 'yon? Parang sumpa naman ata ang ibig mong sabihin," sarkastikong ani ko. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at pilit kinuha ang noteboook ko sa lamesa niya. Tinampal ko ulit ang kamay niyang tinatakpan ang notebook ko. Nang hindi niya iyon tanggalin ay napalingon ako sa kaniya at doon ko lang napansin na sobrang lapit na pala ng mukha ko sa kaniya. Kaunting galaw na lang ay maari na niya akong mahalikan. Ang mat niya ay bumaba sa labi ko at pansin ko rin ang ilang ulit niyang paglunok. "Akin na ang notebook ko," pagbabanta ko. Parang wala siyang naririnig at naroon pa rin sa labi ko ang mga mata niya. Kahit naiilang man ay pinilit ko pa ring maging kalmado at maangas sa harapan niya. Hindi ako madadala sa ganiyang istilo. Sinubukan ko pang kunin ang notebook ko pero mabigat ang kamay niyang nakadagan sa notebook ko. Kaya naman inangat ko ang kaliwang kamay ay bahagya siyang sinampal sa pisngi. "Sabi ko akin na ang notebook ko. Para kang tanga diyan." Tila natauhan siya sa pagsampal ko ay mabilis na tinanggal ang kamay at inilayo na ang mukha sa akin. Huminga sya ng malalim at iningungod ang mukha sa lamesa matapos kog makuha ang notebook ko. Buti na lang talaga at ayoko sa kaniya at puro inis lamang ang nararamdaman ko sa kaniya. Kung hiindi ay baka mahulog ako sa patibong. Ilang subject ang natapos nang hindi ako kinukulit ng katabi ko. Minsan ay kakalabitin niya ako at magtatanong ng kung anong walang k'wentang bagay. Kapag alam niyang hindi ko siya papansinin ay mananahimik na siya pagkatapos ay pasimple kong tumingin sa akin. Parang hindi naman siya nakikinig sa sinasabi ng Professor namin sa harapan dahil nang minsanng tawagin siya ay walang naisagot kaya natatawa akong tumingin sa kaniya at siya naman ay ngunguso na lang. "Sino first kiss mo?" biglang tanong ni Jacob. Tapos na ang klase namin, nagsilabasan na rin ang mga kaklase namin at iilan na lang ang nasaloob. "Ano?" tanong ko rin nang malito ako sa biglang tanong niya. Napatingin ako sa mga iilang kaklase na palabas na at kaming tatlo na lang ang naiwan sa loob. Si Clent inaayos din ang gamit niya at mukhang hindi narinig ang tanong ng pinsan niya. "Who's your first kiss?"ulit ni Jacob. "Bakit mo tinatanong?" "Just answer me," seryosong ani niya at deretso ang tingin sa akin. "Ba't ko sasabihin sa iyo?" mataray na tanong ko. "Well, I bet wala ka pang first kiss kaya hindi ka makasagot." Hindi ko alam kung insulto pa iyon o ano dahil seryoso lang siya ng sabihin iyon. "Eh, ano naman ngayon?" "So... wala nga?" "Bakit ba tanong ka ng tanong?! iritadong tanong ko. Natawa lamang siya sa reaksyon ko at pinaglaruan niya ang labi niya gamit ang hintuturo. Ang lakas ng taa nitong lalaking ito. Parang siraulo kausap kung ano-ano lumalabas sa bibig. Naiiling akong nakatingin sa kaniya. At nang mukhang wala naman na siyang sasabihin pa ay padabog akong lumabas ng room. "Baliw na ang Hortongs na iyon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD