Kabanata 3

948 Words
Habang naglakad pauwi ay kanina ko pa nararadamang may sumusunod sa akin simula nang makalabas ako ng Campus. Nang malapit na sa isang iskinita ay agad akong lumiko roon para magtago. Habang nagtatago roon ay isang anino ng lalaki anng nakita kongpalapit sa kinaroroonan ko. Pinosisyon ko ang dalawang kamao ko malapit sa bandang mukha ko, istilo tulad ng isang boksingero. Nang malapit na siya ay agad ko siyang sinuntok diretso sa mukha. "Oh f*****g s**t!" Gulat na ania niya at natumba. Aamba pa sana ako ng mulingpagsuntok nang mamukhaan kung sino angn lalaking ito. "Ikaw?!" "Bakit mo ako sinuntok?!" Mabilis siyang tumayo habang nasa gilig ng labi ang isang kamay. "Siinusundan mo ba ako?" takang tanog ko sa kaniya na ngayon ay inaalis ang ugo sa labi gami ang kamay. "Babae ka ba talaga? Grabe ang lakas mong sumuntok!" "Anong ginagawa mo rito?" Dahil sa tanong ko ay natigilan siya sa ginagawa at nagpakurap-kurap. "A-ahm may bibilhin lang diyan sa tindahan. Bakit?" aniya na mukhang hindi naman totoo. Sa yaman niya, rito lang siya bibili? "So, sinong niloko mo?" Mataray na tanong ko sa kaniya. "So, sinasabi mo bang sinungaling ako?" balik na tanong niya sa akin. Bahagya akong lumapit sa kaniya. "Bakit hindi ba?" "B-bibili ako ng sigarilyo diyan!" Palusot niya. Tumaas ang sulok ng labi ko sa sinabi niya. "Yuck." "Anong yuck ka riyan?" Tinalikuran ko na siya bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Ayoko sa lalaking nagsisigarilyo." "H-hindi ako naninigarilyo, ah!" "Akala ko ba bibili ka ng sigarilyo?!" "Wala akong sinabing sigarilyo." Taas noong sabi niya pa. Pinagloloko ako ng lalaking ito. Umiling na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. "Huwag mo na akong sundan, uuwi na ako!" "T-teka---" "Ano na naman?!" "Paano lumabas dito?" tanong niya at inilibot ang paningin sa kinatatayuan naming dalawa. Isang iskwater at ang mga tao ay nasa amin ang lahat ng paningin. Tila ba ngayon lang sila nakakita ng tao. Maraming nagtatakbuhang bat at ang isa ay nabangga pa ang lalaking kasama ko, si Jacob. Malapit lang io sa campus na pinapasukan namin. Pero kung hindi ka taga-rito ay puwede kang maligaw. At sa katulad niyang anak mayaman ay baka mapagtripan pa siya rito. "Bakit ka pa sumusunod sa akin?! Nasaan ang pinsan mong si Clent?" "Clent na naman," mahinang tugon niya. Magsasalita na sana ako nang biglang may lumapit s aming isang babae. Mali, sa kaniya pala lumapit. Maikli ang short nito, may kaliitan ang tangkad nito at dahil nakatalikod siya sa akin ay hindi ko makita ang mukha niya. "Hi, pogi naliligaw ka ba? Gusto mo samahan kita?" Malandi ani ng babae. Kusang imikot ang mata ko sa pandidiri sa tono ng pananalita ng babae. Nang tingnan ko ang reaksiyon ni Jacob ay kunot-noo lang siyang nakatingin sa babae.Pinasadahan niya pa ng tingin ang kabuua ng babae bago bumaling sa akin. Like the view, Jacob the playboy? Nang magtam ang mata namin ay inirapan ko siya. Binangga ko ang maharot na babae at hinatak si Jacob palayo sa lugar na iyon. "Sa susunod huwag mo akong susundan. Pero kung gusto mong lapitan ka ng mga ganoong babae, puwede rin naman at magpakasawaka sa kanila." "She not my type." Tipid na sagot niya habang nakasunod pa rn sa akin. "Yeah, right. Gusto mo iyong mga babaeng kalebel mo... mayayaman." "Well, I'm not into money. Mas gusto ko iyong simpleng babae lang at hindi tumitingin sa materyal na bagay." "Edi... wow." "You don't believe me?" seryosong tanong niya. Hinarap ko siya at nagkabit-balikat lang sa kaniya. Kumunot ang noo niya para bang binabasaang isip ko. "Pero kung... si Clent ba ang nagsabi noon maniniwala ka ba sa kaniya?" seryosong tanong na naman niya at hindi maalis ang mata sa akin. "Hindi rin." Bumuntong hininga siya at tumango na lamang sa sinabi ko. "May dumaraang taxi rito, sumakay ka na lang pauwi sa inyo." "Ikaw?" "Uuwi malamang. Malapit lang bahay ko dito, hindi ko na kailangan sumakay." Hindi ko na siya hinayaang magsalita pa at tinalikuran ko na siya para makauwi na. Kanina pa dapat ako nakauwi, bwiset kasi itong Jacob na ito! Nasa bakuran pa lang ay kita ko na agad si Papa na nag-aabang sa labas ng pintuan ng bahay. Nang matanaw niya ako ay agad siyang tumayo habang nakapamaywang. "Ba't ngayon ka lang? Nauna pa sa iyo makauwi kapatid mo," istriktong aniya. Agad akongnagmano sa kaniya. "May ginawa pa po kaming activity ng kaklase ko." "Babae o lalaki?" "Dalawang lalaki po." "Aba't dalawa pa?" "Groupings iyon, pa." Napakamt na lang ako sa ulo. Nauna siyang pumasok sa bahay at sumunod naman ako. "Sino ang nanliligaw sa iyo sa dalawang iyon?" "Wala po, hindi ko po gusto iyong dalawa. Magpinsan sila saka mayaman." Kinuha ni Papap ang isang basong tubig at binigay iyon sa akin. Alam kong may sasabihin pa siya kaya inunahan ko na agad. "Ayoko po sa mayamang lalaki." Marami pa tinatanong si Papa saakin na paulit-ulit ko na lang naririnig sa kaniya. "Mag-aaral saka magtatrabaho po muna ako bago pumasok sa isang relasyon." "Tatanda ka talagang dalaga kung puro aral at trabaho ang nasa isip mo." "Pa, kumpara sa ibang tatay ikaw ang naiiba. Iyong iba, ayaw muna magkaroon ng boyfriend iyong anak nila dapat daw aral saka trabaho muna. Samantalang ikaw, mas atat ka pa sa akin magkaroon ng boyfriend. Ikaw na lang po kaya mag-boyfriend?" Natawa na lang siya sa huling sinabi ko. "Tama ka naman. Pero ang gusto ko lang namna ay ang makita kayong nasa maayos na kalagayan, saka gusto ko p makita ang mga apo ko sa inyo bago ako sumama sa mama niyo sa langit." "Apo?! Matagal pa iyon!" "Sinasabi ko lang naman sa iyo." Natatawang sabi niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD