KABANATA 2

1556 Words
Ang inis at pagkadisgusto ko yata sa kaniya ay hindi na maaalis. Pagkauwi ko agad ng bahay ay hindi ko agad napigilang mag-kuwento kay papa. Ang pagku-kuwentong iyon ay sinimulan ko nang masayang pagpasok hanggang sa umeksena na ang nakakabuwiset na lalaking iyon. "Nakakainis nga lang po iyong kaklase kong lalaki–" Hindi pa man natatapos ay agad nang nagtanong si papa. "Bakit binabastos ka ba?" tanog niya. "Hindi po," wika ko at tinulungan siya sa paglalagay ng plato at kutsara sa lamesa. Pumunta agad ako sa kusina para kumuha rin ng tatlong baso saka itinuloy ang sinasabi. "Nakakainis po kasi lagi siyang nakangiti, naiirita ako sa kaniya. Tapos ang dami namang upuan pero sa tabi ko pa sumisiksik nang sumisiksik. Para pa siyang bulate katabi ang galaw masyado." "Eh, baka naman..." Putol na sabi ni papa na parang natatawa pang nakatingin sa akin. "Tapos feeling gwapo pa masyado!" dagdag ko pa. Bumalik na naman ang inis ko nang maalala kung paano sinabi ng lalaking iyon na mataba ako. "May itsura ba?" "Opo, pero pangit siya para sa akin! Sabihan ba naman akong mataba!" Padabog kong inilapag ang basong hawak dahil sa inis nang maalala na naman iyon. "Aba'y siraulo pala ang lalaking iyon! Sasabihin ko na sanang baka may gusto sayo kaya ganoon." Umupo na si Papa at sumenyas sa akin na tawagin na ang kapatid ko. Sakto namang dumating na ang kapatid kong babae, si Sancha. Maputi, mahaba ang buhok, medyo may kaliitan ang tangkad nito para sa isang labing-anim na taon. Singkit ang mata at may mapupamg labi. "Kain na," ani ko't umupo na rin. Habang nagsasandok ay bumalik na naman ang paulit-ulit na tanong sa akin ni Papa. Na tanging pagbuntong-hininga na lamang ang nagawa ko. "Kailan mo ba ipapakilala sa akin ang nobyo mo? Mayroon na ba?" "Wala po. Ilang beses niyo na oong tinatanong diyan eh wala naman po akong panahon diyan. Pag-aaral po ang inuuna ko." "Nagtatanong lang naman. Ang gandang babae mo eh. Mana ka yata sa mama mong habulin. Basta lagi mong tatandaan ang bilin lagi sayo ng mama mo dati tungkol sa pagpili ng lalaki–" "Opo. Halos kabisado ko na lahat iyon." Putol ko sa sasabihin ni Papa. "Kaylangan dumaan muna sa akin ang magiging nobyo at asawa mo... huwag bibigay agad sa kung sinong lalaki." Tumango na lamang ako. Ayoko talaga na pinag-uusapan ang tungkol sa pagkakaroon ng relasyon. Wala rin naman kasi akong panahon sa ganoon. Hindi ko rin nakikita ang sarili kong may kasamang lalaki at maging masaya para roon. At hindi rin ako nagmamadali sa bagay-bagay. Kung mayro'n edi salamat, pero kung walang para sa akin ay maraming salamat. PAGKAPASOK ko pa lang ng gate ng campus ay nangangamba na agad akong baka siya ang bumungad sa akin at sirain niya na naman ang araw ko. Buti na lang ay hindi ko agad siya nakita sa campus. Pero nasa kalagitnaan pa lang ako ng pagallakad sa field ay isang di kilalang lalaki na ang humarang sa akin. "H-hi." Nahihiyang aniya. Napakamot pa sa ulo at hindi makatingin ng maayos sa akin. Nang tingnan ko ang kabuuan niya ay masasabi kong pagdo-doktor o nursing ang kurso niya dahil sa puro puti ang suot nito. Maamo ang mukha niya, may itsura at palakaibigan ang nyiti kahit na halatang nahihiya. "Hi," bati ko rin. "Uh... you're Samantha, right?" Tumango ako sa kaniya. "May kailangan ka?" tanong ko rito. "W-wala naman. Gusto ko lang sanang makipagkaibigan. G-gusto kasi kita simula no'ng highschool pa." Halos mangamagis ang mukha niya matapos sabihin iyon. Gusto nya ko simula no'ng Highschool? "Okay lang naman kung maging magkaibigan tayo, pero tatapatin na kita agad wala pa kasi akong panahon sa pakikipagrelasyon." Mahinanong ani ko. Agad siyang tumango sa akin at masayang ngumiti. "Okay lang, alam ko naman iyon." "By the way, I'm Chirstian." Pagpapakilala niya at naglahad ng kamay sa akin. Tatanggapin ko na sana iyon nang biglang may bumangga sa akin sa likuran ko at basta na lang dumaan sa gitna mismo namin ni Christian. Ang lalaking iyon ay wala man lang sinabi at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad habang sumisipol pa. Likod pa lang ay alam ko na kung sino ang may gawa noon. Peste ka talaga! "Sorry." Si Christian pa mismo ang nagsorry sa akin. "Okay lang. Sige una na ako, Christian baka ma-late na ko," wika ko at nagmadaling hinabol ang pesteng lalaki. Kahit pa ang daming estudyante ang nababangga ko ay wala akong pakialam basta maabutan ko siya at magantihan. "Hoy!" Malakas na sigaw ko pero hindi pa rin siya tumitigil. "Hoy! Hortongs!" Sa pangalawang sigaw ko ay natigil siya at dahan-dahang humarap sa akin. Nang makalapit ako at ilang dipa lang ang pagitan namin ay humakbang siya palapit sa akin saka medyo inilapit ang mukha niya sa mukha ko. "Honey, it's Hortans not Hortongs." Medyo ngumisi pa siya sa akin at lumayo na ang mukha niya sa akin. "Pakialam ko! Bakit mo ako binangga kanina? Saka bastos mo talaga eh no? Nakita mong may kausap ako dadaan ka sa gitna namin?!" bulyaw ko sa kaniya. Susuntukin ko sana siya sa tiyan na agad napigilan ng kamay niya. "Boyfriend mo 'yon? Ang pangit naman ng taste mo." "Hindi ko siya boyfriend! At saka anong honey pinagsasabi mo? Honey mo mukha mo!" Mabilis ko siyang sinuntok sa balikat at galit na umalis sa harapan niya. Peste talaga siya kahit kailan! Kahit mabilis ang paglalakad ko ay ramdam ko ang pagsunod niya sa akin. dahil na rin sa mga tilian ng mga nadaraanan kong mga babae at ang mga mata ay nasa likuran ko. Nang medyo nakalayo na kammi sa mga babae at kaunti na lang ang estudyante at igl ko siyang hinarap na siyang nagpagulat sa kaniya at muntikan pang bumangg sa akin. "Huwag mo nga akong susundan! Kanina ka pa,ah!" Bahagya siya natawa sa sinabi ko bago nagsalita. "I'm not following you. alam mo namang magkaklase tayo so, parehas lang tayo ng pupuntahan." Lumapit pa siya sa akin bago pinagpatuloy ang sasabihin. "ba't di mo na lang aminin na gusto mo talaga ako?" aniya at ngumisi pa siya. Napasinghap naman ako sa kayabangan nng lalaking kaharap ko. "Kapal mo riin ano? Hindi kita type at kahit anong gawn mo sa harapan ko hinding-hindi kita magugustuhan!" Nagkabit-balikat lang siya sa sinabi ko na para bang hindi iyon totoo at nagsisinungaling lang ako. "Okay, sinabi mo eh. Pero huwag mo akong sisisihin kapah nahlog ka na sa akin," aniya at nilampasan ako. "Asa ka, Hortongs!" Nagkaroon kami ng groupings para sa ssunod na activity at sa kasamaang palad ay naging kagrupo ko pa ang dalawang Hortongs! Iyong kasama niya aymukha namang seryoso sa pag-aaral pero itong pilinegrong lalaki ay parang matinogn maiaambag sa akin kundi pambu-bwiset lamang. "Sa library na lang tayo gumawa. Kailangan ko rin kasing umuwi ng maaga kaya tatapusin ko ngayon iyong parte ko." "Sure. Sabay-sabay na lang tayo gumawa," an ng isang Hortongs. "Sige." "Bakit saan ka pupunta mamaya? Magkikita kayo ng boyfriend mong mukhang aso?" Napairap na lang ako sa sinabi ng nsa gilid kong Hortongs. "Pakialam mo?" "Boyfriend mo ba talaga iyon? Panget ng taste mo." "He's not my boyfriend," walang ganang ani ko. Saglit pa siyang natahimik bago magsalita ulit. "That's good to hear. Kung magbo-boyfriend ka... dapat iyong katulad ko." "Well, I don't like man like you, asshole." Bumaling ako sa kasama namin na tahimik lang nakikinig sa amin. HIndi ko maiwasang ipagkumpara ang dalawang hortongs na kasama ko. Sa tingin ko ay mas masarap kasama itong si Clent dahil tahimik at seryoso lang lagi. Samantalang ay isa ay halos hindi maubusan ng sasabihin at pambu-bwiset sa akin. "Magkapatid ba kayong dalawa?" biglang tanong ko sa kabila ng malalim na iniisip. "Nope, magpinsan kami," agad na sagot ni Jacob. "To be honest, I like your presence, Clent. You're chill and serious type." Tipid lang na ngumiti si Clent. "Thanks." "Mas gusto kita kasama kaysa rito sa pinsan mo." Seryosong sabi ko at inirapan pa si Jacob na gulat na nakatingin sa akin. "H-hoy! Bawiin mo iyong sinabi mo!" Di mapaniwalang ani Jacob. "Mas gusto ko si Clent kaysa sa iyo." Deretsang sabi ko. "Hustisya naman! I hate you Clent!" Parang batang ani Jacob. "Sorry, dude, but she said she likes me." "F*ck you, dude!" Tinuloy namin ang ginagawa sa library. Halos kami lang ni Clent ang nag-uusap at si Jacob namin ay nakabusangot ang mukha buong oras. Nagsasarili siya sa ginagawa, manggugulo siya sa amin ni Clent kapag may kung ano siya nakikita. Ramdam ko rin ang mga mata niya sa akin at kapag nahuli ko siyang nakatingin sa akin ay iniirapn ko siya na agad niya rin namang ginagantihan ng pag-irap. Parang bakla. "Nice teamwork!" ani ko nag matapos kami. "Psh. Teamwork ba tawag doon?" bulong ni Jacob na hindi nakatakas sa pandinig ko. "Palibhasa kasi halos hindi ka tumulong sa amin at nagsarili ka." "Eh ni hindi mo nga ako pinapansin!" sumbat niya naman sa akin. "So, kasalanan ko?" mataray ong tanong. Agad naman kaming inawat ni Clent. "Stop it, guys. Saan ka uuwi, Sam? Hatid ka na namin," tanong ni Clent habang nililigpit ang gamit niya. "Hindi na, malapit lang bahay ko rito." Agad akong tumayo nang maayos lahat ng gamit ko. "Ingat kayo sa pag-uwi." Paalam ko pa at nagmadali nanng lumabas ng library.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD