KABANATA 1

1994 Words
"Miss Samantha de Vera?" "Ma'am," ani ko't nagtaas ng kamay. Unang klase sa kolehiyo. Kabado man ay hindi maitago sa akin ang pagkasabik. Maaga akong nagisisng at nag handa para rito dahil ito talaga ang gusto ko at ilang taonna lang aymakakapagtapos na rin ako ng pag-aaral. Matagal pa man ay sabik na agad akong makapagtapos nang sa ganoon ay matulungan ko na si papa at ako na ang magpapa-aral sa kapatid ko. Ang tanging suot ko ay jeans at simpleng kulay asul na t-shirt. Dahil unang klase ay pinapagan pa ang ganitong ayos, hindi pa rin kasi ako nakakabili ng uniporme para sa akin. Marami nang tinawag na pangalan ang professor namin ngunit ni isa roon ay wala akong natandaan. Ang isip ko ay naglalayag sa kung saan at mga maaari pang mangyari ngayong araw. Kung marami na ba agad ipapagawa o kung ilan ang magiging malupit kong professor. "Mr. Jacob Hortans?" Inilibot ng professor ang paningin sa kabuuan ng silid nang walang sumagot sa tawag niya. "Is Mr. Jacob Hortans here?" pag-uulit niya. Magtatawag na sana ng panibago ang babaeng professor nang biglang bumukas ang pinto at narron ang dalawang lalaki. Ang isa ay makasabit ang bag sa balikat at malaki ang mga ngiti habang ang isang kamay ay nasa loob ng bulsa. Ang isa naman ay seryoso ang mukha at parang walang kagana-gana sa katawan animo'y walang pakialam sa paligid. "I am Jacob Hortans," pagpapakilala ng nakangiting lalaki. Mukhang palakaibigan ito at sa tingin ko ay matinik din sa mga babae. Kung ako ang papipiliin ay mas gusto ko pa ang isang lalaking mukhang seryoso at walang pakialam kaysa rito sa parang tanga kung makangiti. "You're late," wika ng professor namin. "Binibini, kakatawag mo pa lang sa pangalan ko kaya obviously, we're not late." Tila nang-aakit na ani ng lalaki at nagawa pang kumindat. Dumeretso ang pumasok ng lalaki kasunod ng kasama niyang seryoso pa rin ang mukha. Habang naglalakad papasok ay hindi maiwasan ang mahinang bulungan ng mga babae at halos hindi maalis ang tingin sa dalawang lalaki na kararating lamang. "Mr. Clent Gunner Hortans?" tawag muli ng professor. Itinaas lang ng lalaking seryoso ang kamay at sumunod sa kasama nito. Magkapatid siguro? O magpinsan? Hindi magkamukha saka mas pogi pa ang lalakig seryoso. Deretso ang lakad ng dalawa sa direksyon konsa pinakalikod na upuan. Habang palapit at pansin ko ang tingin sa akin noong Jacob na kanina pa nakangiti. Tinaasan niya pa ako ng kilay para bang may sinasabi. Agad ko siyang ginantihan ng masamang tingin at inirapan. Akala ko ay sa likuran ko rin siya uupo tulad ng ginawa ng kasama niya ngunit, sa kasamaang palad ay sa tabi ko pa ito umupo. Parang gusto kong magprotesta. Pakiramdam ko rin ang kumulo ang dugo ko dahil sa ginawa niya. Habang paupo siya ay may ibinulong pa siya sa akin. "Sungit naman, bakit ang taba mo?" "W–what?" Mahinang bulalas ko sa sinabi niya. Kapal ng mukha nito! Ngayon ko lang nakita tapos kung magtanong feeling close agad. Hindi ako mataba, chubby lang... magkaiba iyon. Natawa siya sa reaksyon ko at pasimpleng pinagmasdan ang mukha ko. Hindi ko gusto ang awra ng gag*ng ito. "Hoy, huwag kang feeling close. Kung ayaw mong makakita ng babaeng nananapak," pagbabanta ko sa kaniya sa mahinang boses. "Wow," saad niya at tila namangha pa sa sinabi ko. Nasira ang magandang umaga ko dahil sa lalaking ito. May upuan pa naman sa likod, bakit sa akin pa tumabi? Hanggang sa natapos ang klase ay hindi maipinta ang mukha ko dahil sa katabi ko. Para siyang bulateng hindi mapakali sa upuan. Sa bawat kilos niya ay nasasagi niya ako. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba iyon at paulit-ulit din ang paghingi niya ng tawad ngunit natatawa rin naman sa huli. Ang hirap mag-pokus kung ganito ang katabi ko, baka buong magdamag akong walang maintindihan sa klase. Kaya sa susunod ay lilipat ako ng upuan kung saan hindi siya ang katabi ko. Pansin ko rin na kung anong galaw at bibo nitong katabi ko ay kabaligtaran naman ng lalaki sa likuran ko. Puro tipid na sagot lang ang ginagawa niya sa tuwing kakausapin siya ng katabi ko. Sana siya na lang ang naging katabi ko. "Do you want to have lunch with me?" Biglang tanong ni Jacob na katabi ko. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa ginagawang pag-aayos ng gamit ko. Bakit ba kanina niya pa ako kinukulit? "Don't worry, my treat. You just need to join me for lunch," wika niya at kinuha ang isang notebook ko. Agad ko naman iyong inagaw sa kaniya at masama siyang tiningnan. Nilingunan ko rin saglit ang lalaking kapatid o pinsan nitong papansin na ito. Seryoso lang ang mukha nitong nakatingin sa aming dalawa ni Jacob. "Mag-lunch ka mag-isa mo." Mabilisan kong inagaw sa kaniya ang notebook ko at iniwan na siya. "Sungit talaga." Akala niya ba madadaan niya ko sa ganoong galawan? Ibahin niya ako sa mga babae diyan. Hindi ako basta-basta makukuha sa ganoong galawan. At wala akong panahon sa pakikipaglaro. Sa library ako agad nagtungo para makapag-advance reading na rin at makapagpahinga sa tahimik na lugar. Hindi na rin ako naglunch dahil marami naman akong kinain sa bahay bago pumasok. At naiinis din ako sa lalaking iyon. Sabihan ba naman ako ng mataba! Mamaya hindi na ako tatabi sa kaniya. Ang sakit niya sa mata. Naiinis ako sa mukha. Akala mo kung sino kung kausapin ako. Feeling close masyado. Habang nagbabasa ay pumasok na naman sa isip ko ang sinabi niya. 'Sungit naman, bakit ang taba mo?' 'Sungit naman, bakit ang taba mo?' Padabog kong itinupi ang libro at masama ang loob na tumayo. Agad kong binalik sa bookshelves ang libro saka lumabas na. Ikinalma ko muna ang sarili bago nagpatuloy sa paglalakad palabas ng library. Hindi nga ako mataba! Bwiset talaga ang lalaking 'yon! Sa lahat ng nakilala ko, siya lang ang nagsabing mataba ako! Kahit mga kaibigan ko hindi ako sinabihang ganoon. Akala mo naman ang pogi niya? Well, pogi naman talaga siya pero mas gusto ko iyong pinsan niya! Tuloy-tuloy akong naglalakad papunta sa susunod na asignatura. Mabibigat ang bawat hakbang ng paa at tingin ko ay hindi na maipinta ang mukha ko ngayon dahil sa lalaking iyon. "Where have you been?" biglang sulpot ng kung sino sa harapan ko. Sa gulat ko ay muntikan ko na siya masapak. Nang makita kung sino iyon ay agad kong pinagsisihan kung bakit hindi ko pa tinuloy na sapakin siya. "Ikaw na naman?!" Iritadong sabi ko. "Well—" "Don't talk to me! Wala akong panahon sayo, nakakainis ka!" Bahagya ko siyang tinulak para makadaan at maiwasan siya. Ilang beses niya pa akong tinawag ngunit binalewala ko lang siya. Alam kong nasa likuran ko lang siya kaya mas binilisan ko pa ang lakad. Nang marating ang room ko ay agad akong nagmadaling pumunta sa likurang upuan kung saan hindi ko siya makakatabi. Sa pinakadulo at sulok sa bandang bintana ako umupo. Inilagay ko ang gamit sa katabing upuan nang sa ganoon ay walang makakaupo. Kung mayroon man ay sana ibang tap dahil kung siya ipagpipilitan ko ang gamit ko roon nang hindi siya makaupo. Pagkapasok niya ay nasa akin agad ang paningin niya. Bahagyang ngumuso at hindi maitago ang tawa sa labi. Napakamot pa siya ng ulo habang nakatingin sa kinaroroonan ko. Sinamaan ko siya ng tingin ng tuloy ang lakad niya papunta sa direksyon ko. Hindi pa man siya tuluyang umuupo ay naiisip ko na ang balak niyang gawin. "Problema mo?" tanong kong masama pa rin ang tingin sa kaniya. "Ikaw? Anong problema mo?" Balik na tanong niya naman. Umupo nga siya roon. Isang upuan lang ang pumapagitna sa amin. "Ang init ng ulo mo sa akin. Lagi ka pang galit pag nagsasalita," aniya't pinating pa ang paa sa katapat na upuan. "Epal ka kasi! Ang daming bakanteng upuan tapos sa tabi ko pa ilaw umuupo? Ang pangit mong katabi, masyado kang magalaw! Nakakawala ka ng pokus!" paghihimutok ko. Wala pa ang susunod na professor at iilan pa lang ang kaklase namin sa loob kaya malaya akong nakakasigaw. Nahinto ang lahat sa ginagawa at nasa amin na ang atensyon nila dahil sa ginawa kong pagsigaw. "Uupo ako kung saan ko gusto." Kalmadong sabi niya. "Umupo ka kahit saan pero lumayo ka sa akin!" "Well, ikaw ang gusto kong seatmate kaya hindi ako makakalayo sa 'yo." Rinig ko na ang bulungan ng mga kaklase namin dahil sa pag-aaway namin nitong lalaking ito. Hindi ko man gustuhing pagtinginan pero naiinis talaga ako sa katabi ko! "Pag ako napuno sa 'yo, masasapak talaga kita," banta ko sa kaniya. "Kababaeng tao mo, mananapak ka?" natatawang tanong niya pa. "Oo, bakit?" "Ano bang problema mo?" "Wala akong problema. Ikaw ang may problema, masyado kang papansin." Halos magsalubong ang kilay ko dahil sa inis sa kaniya. "I don't have any problems with you. I'm Jacob, what's your name?" tanong niya at naglahad ng kamay sa akin. Binalewala ko iyong kamay niya at nag-angat ng tingin sa kaniya. "Di ko naman tinatanong pangalan mo." Kinuha niyang muli ang kamay at ibinalik sa dati nitong puwesto. "You're Samantha de Vera, right?" Nagtatanong pa eh alam naman pala. "Yes or no lang ang sagot." "Oo at manahimik ka na." Tumango lang siya, yumuko sa lamesa niya at umastang matutulog. Nasa banda ko ang mukha niya kaya kita ko ang mukha niyang nakapikit. Matangos ang ilong, mapupulang labi at makapal na pilikmata. Okay na sana lahat kaso nakakainis talaga mukha niya. Pati pagkatao niya naiinis ako. "Papansin," wika ko at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Huminga ako ng malalim para makalma ang sarili. "Pakipot." Bumaling ako sa kaniya nang may marinig na kung ano mula sa kaniya. Hindi ko iyon masyadong naintindihan dahil sa ingay ng kadarating lang na kaklase. Magtatanong na sana ako kung ano iyon nang dumating na ang professor namin. Naisip ko ring baka guni-guni ko lang iyon dahil nakapikit at mukhang nakatulog na siya. Wala akong balak na gisingin siya dahil magsisimula na ang klase. Mas gusto ko ring mapagalitan siya ng professor namin. Napatuwid ako ng upo nang palapit ang Professor sa banda namin. Nang makita niya ang katabi kong natutulog ay hindi ko maiwasang magpigil ng tawa sa susunod na puwedeng mangyari. "Mr. Hortans!" Napabalikwas naman ng upo si Jacob at nagpalinga-linga sa paligid. Nang dumako ang tingin niya sa akin ay halos hindi ko na mapigilan ang impit na tawa dahil sa itsura ng mukha niya. Parang tanga lang HAHAHA! Ngumisi siya sa akin at nagtaas ng kilay. "Mr. Hortans, answer my question." "A-anong tanong, Sir?" Inulit ng Professor ang tanong. At nasagot naman iyon ni Jacob ng tama. Akala ko ay hindi. Nang umupo na siya ay nasa akin agad ang tingin niya. "Sinadya mong hindi ako gisingin?" Agad akong umiling. "Sorry, nakalimutan kong may katabi pala akong tulog." "Happy?" sarkastikong tanong niya. "Yes." Hindi ko na napigilang matawa. Ganoon din naman siya, natawa rin at umiling pa. Natapos ang klaseng iyon nang medyo okay at hindi ako kinukulit at hindi parang kiti-kiti ang katabi ko. "Parang sobrang saya mo at napagalitan ako kanina, ah." Tumingin ako sa kaniya. Kanina pa tapos iyon. Bakit iyon pa rin ang sinasabi niya. Di maka-moved on? "Deserve mo naman kasi." "What?" "I said, deserve mong mapagalitan. Nasa loob ka ng room, hindi ka dapat natutulog." "Oh, sorry po. Ngayon ko lang nalamang bawal pala matulog sa loob nang may klase," sarkastikong aniya. "Sabay na tayong mag-lunch?" nakangiting tanong niya. Umiling ako. "Hindi ako sasama sa iyo?" "I thought we're good. Kinakausap mo na ako!" "Kinakausap mo rin ako! Ang panget naman kung mukha kang tangang salita nang salita sa harapan ko. Okay, sa susunod, hindi na kita kakausapin." Umalis na ako sa harapan niya. Bago tuluyang makalabas ng room ay nagsalita pa siya. "Ang gulo mong babae ka!" Ako pa magulo? Siya nga itong gulo nang gulo sa akin. Ang daming puwedeng kausapin, bakit ako pa?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD