Shooting

2138 Words
Gabi na pero tinatapos ko pa din yung script. Nagulat ako nung biglang mag iba ang tugtog sa phone ko, may natawag pala. Huh? Anonymous number? “Hello?” tanong ko pagkasagot ng tawag “I heard pupunta daw kayo dito to shoot a short film.” sabi nung nasa kabilang linya “Ate Lavalee?” taka kong sabi “Yeah, it’s me. Anyways, have a good night. Save my number.” sabi niya tapos nag end yung tawag Paano nya nakuha yung number ko? Ibinigay ko nga pala sa kanya, silly me. Nagiging makalimutin na ako. Paniguradong susumpungin na naman ako ng insomnia half past ten PM na kasi. Teka ibig sabihin gising pa si ate Lav ng ganitong oras? Haay busy siguro yun sa business kaya di pa natutulog. Si Fuego kaya? Tinapos ko nang sulatin yung script tapos inayos ko na yung mga gamit ko tapos saka ako nagpunta sa CR para mag toothbrush at maghilamos ng mukha. May napapansin lang ako sa mata ko, brown sya pero pag nakatapat sa araw iba yung kulay di ko ma identify kung anong kulay ganoon din sa buhok ko kapag nasisinagan ng araw para syang sobrang dark na red or should I say para syang maroon pero sa lilim dark brown. Ay ewan. Naka ilang bago na ako ng pwesto sa paghiga pero hanggang ngayon di parin ako makatulog, eto na nga ba sinasabi ko eh sinumpong na naman ako ng insomnia. Nagbukas nalang ako ng phone, wala naman akong magagawa hihintayin ko nalang na dalawin ako ng antok. Sana bago mag-3 antukin na ako para naman kahit papaano may 1 oras pa ako matulog, 4:30 pa naman ako nagising. Nagbabasa lang ako ng w*****d. Nung nakatapos na ako magbasa ng isang story 1:45 am na kaya sinubukan ko matulog, maya-maya nagvibrate yung phone ko, nagsend si ate Lav ng isang music. ‘AS Lullaby’ Ano kaya toh? Sinuot ko yung earphones at pinakinggan yung tugtog, unti-unti akong inantok. Thanks, ate Lavalee. --KINABUKASAN-- Saturday 7:30 am Ngayong nga pala yung shooting, paano yan? Hinanda ko na yung mga dadalhin ko sa Shooting tapos binuksan ko yung messenger, may bagong GC. ‘Short Film Group 2’ Nakita ko na nagcha-chat pala sila since yesterday. Ren: Mia makakapunta ka? Mia: Saan ba? DJ: Baka di ako makapunta. Walang sasakyan. Summer: Susunduin namin kayo. Ken: Paano di mo alam bahay namin. Summer: Anong silbi ng sss? Labas nalang kayo sa kanto o kaya kita nalang tayo ng school. Lumabas na ako ng kwarto para mag paalam kay Mom. “Mom, may kailangan po kaming i-shoot na short film. Pupunta po kami sa bahay ng kaklase ko.” sabi ko “Hindi naman siguradong kumpleto kayo.” sabi ni Mom kaya muntikan na akong mapairap. Should’ve expected this response. Lagi naman kasing iyon ang sagot nya sa t'wing magpapaalam ako. Napagsabihan na sya nina Nanay noon na payagan ako kasi marami akong nami-miss but then again, she won’t allow me. “Mom naman. Lagi nalang ako ang walang participation,” sabi ko “Kaninong bahay kayo pupunta?” tanong ni Mom “Kayna Summer po.” sabi ko “Di ko naman alam kung taga saan yun kaya di ka sasama.” sabi niya Umakyat ako ng kwarto at naligo, nagbihis ako ng isang black shirt tapos nag ripped jeans at sketchers ako kahit di pa pinapayagan. Bumaba ako dala-dala ang mg gagamitin namin. Binuksan ko yung phone ko at bumungad sa akin yung chat ni Summer. Summer: Nee-chan @Mia susunduin ka ni Kuya dyan. Overnight tayo. Mia: Bakit? Ren: Andito na kaming lahat sa subdivision nina Summer. Ikaw nalang ang wala. 2 to 3 days tayo dito. Mia: Ah sige magpapa alam lang ako Lumpit ako kay Mom at pinakita yung chat ni Ren. “Kanino ka sasabay?” tanong ni Mom “Yung isa ko pong kaklase magko kotse tapos on the way naman daw po itong bahay natin kaya sa kanya nalang ako sasabay.” sabi ko “Sige, pero umuwi ka bago mag 6.” sabi niya “Ma, ano kasi, ahm overnight kami doon parang 3 o apat na araw kasama na yung ngayon.” sabi ko “Pumayag ang magulang nung kaklase nyo?” tanong ni Mom “Sa ate niya sya nakatira. Mabait si ate Lavalee.” sabi ko Tiningnan naman ako ni Mom na parang sinusuri kung nagsisisnungaling ako. “Kilala mo?” tanong nya “Opo. Sinusundo nya kasi si Summer.” sabi ko “Sige. Kumuha ka na ng damit mo.” sabi niya Kumuha ako ng damit at undergarments para sa 2 susunod na araw. Pagka ayos ko ng gamit ko. Bumaba na ako, nagulat ako nung nakita ko sina Mom at Fuego na magkausap. “Mag-ingat kayo sa byahe, Mia, magpaka ayos ka don.” sabi ni Mom Kinuha naman ni Fuego yung mga bitbit ko at dinala sa kotse nya. “Sakay na.” Sabi niya habang hawak ang pinto ng kotse Sumakay na ako tapos sinara na nya, pumasok na sya tapos stinart ang kotse. Pulang Ferrari ang sinasakyan namin ngayon. Huh, may license na sya? Feeling ko ngayon bumabawi ang antok ko. “You can sleep, Zhel. I’ll wake you up when we arrive.” sabi ni Fuego kaya natulog na ako. Nagising ako nung maramdaman kong may natapik sa pisngi ko. “Zhel, Anzhel, Anzhela Mia, wake up.” sabi ni Fuego habang tinatapik ang pisngi ko Nagmulat naman ako. “We’re here.” Sabi nya Lumabas ako ng kotse at nakita ko sina Ren sa harap ng subdivison na may dalang gamit. “Nasaan gamit mo?” tanong ni Rica sakin “Nasa kotse ni Fuego.” sagot ko Naglakad kami hanggang makarating kami sa pinakamalaking bahay. May Butler na nag-aabang. “Young Lady Mia,” Sabi nung butler tapos nag bow pumasok na kami. Naglakad kami papunta sa Front door nung may narinig kaming parang nagtatalo. “Fuego-chan! Ka-share ko si Nee-chan Mia sa kwarto.” rinig kong sabi ni Summer “Shiru.” sabi naman ni Fuego “Uh Hi?” bati ko at napa ayos naman ang dalawa “Welcome to our house.” bati ni ate Lavalee habang pababa ng hagdan. “Tara. Upo muna kayo.” sabi ni Summer tapos may dumating na mga maid at naglagay ng juice sa lamesa. Nagsi upuan naman kami. Nag assign lang sila kung sino magkakasama sa Room. So eto ang magkakasama sa room: Rica and Jill AJ and DJ San and Ren Ken and Hans Nick Si Nick kasi nasa lower floor and kwarto kaya solo lang sya. Wait... “Um saan ako magka kwarto?” tanong ko “We’re roomates.” sabay na sabi nung kambal “Magkasama ba kayo ng kwarto ni Summer?” Tanong ni Ken kay Fuego “Nope, but that jerk is really insisting. Ayaw niyang ako ang kasama ni nee-chan sa room.” Pairap na sabi ni Summer “Bakit ba ayaw mo na kasama ni Summer si Mia?” Tanong ni Jill “Her things are already in my room.” sabi ni Fuego Napamulagta naman ang mga kasama namin. “Seryoso ka?” tanong nila na medyo napalakas Bigla kaming may narinig na mga nagdadabog na yabag. “Uh oh the Ice dragon's here,” narinig kong sabay na bulong nina Fuego at Summer. “Hi Winter Eonni.” bati ko sa kanya at tumayo bago ngumiti “Mia.” bati niya pabalik tapos tiningnan yung kambal “The two of you, they’re awake.” sabi ni ate Winter tapos umakyat uli “Grabe kinabahan ako doon ah.” sabi ni Nick “Akala ko nagalit kasi ang ingay natin.” Sabi ni AJ “Mabait naman si ate Winter.” sabi ko at umayos ng upo “MABAIT?!” di makapaniwalang sabi ni Summer “Tara na magsimula mag shooting para mabilis.” sabi ni Ren kaya tumayo narin sila “Tara, sa garden tayo mag shooting.” Sabi ni Summer kaya naglabasan kami papuntang garden. “So ang first scene ay romantic. Who will play as these characters?” tanong ni Ren habang nagsusulat sa whiteboard. So papaiksiin ko nalang eto yung mga characters at yung gaganap sa kanila. Callie Fortalejo - Rica Francine Santiago - Jill Cassandra Fortalejo - AJ Sapphire Hanazono - Mia Krystal Hamilton - Summer Dianna Gomez - DJ Calvin Cruz - San Tristan Lee - Fuego Assassin #1 - Ken Assassin #2 - Hans Nag shoot kami ng 7 na scenes na sunod sunod dahil wala kaming naulit na scene at sakto ang time of the day sa bawat scene. 1 chapter, 3 scenes. Nanonood ako dito sa gilid ng performance ni Fuego. Pagkatapos nila mag shoot ng scene tinawag kami ni ate Lav para kumain. “Sya ba si Mia?” tanong nung isang babaeng I think is ka vibes ni Winter Eonni. “Yes, ate Aqua.” sabi ni Summer Sya pala si ate Aqua “She’s maganda, in fairness.” sabi nung isang babaeng I think is fashionista. “Spring, tumigil ka sa ka conyohan mo.” sabi ni ate Aqua “Rielle, Spring, tumigil nga kayo.” sabi nung I think is si ate Autumn Pagka kain namin nagshoot na kami para sa bedtime scenes. Pagkatapos napag-usapan namin na magkitakita kami sa sala. Papasok na sa ako nung may yumakap sa binti ko. Ang cute. Isang baby boy tapos sunod naman isang baby girl. “Hi.” bati ko at kumaway sila pareho pabalik Ang cute talaga. Wait parang may kahawig sila. Tama! Sina Summer at Fuego. “We’w wooking fow Eomma.” Sabi nung baby boy “Tara.” sabi ko at binuhat sila Pumasok ako sa sala at gulat silang nakatingin sa akin. “Oi sino yan?” tanong nila “Tingin niyo?” sagot ko Maya-maya pumasok si Summer tapos yumakap sa kanya yung kambal. “Eomma!” sabi nung baby boy kaya binuhat sya ni Summer Nung tumabi sa akin si Summer bumulong ako sa kanya. “Yours?” pabirong bulong ko Napabuntong hininga naman sya at tumango. Wait... what?! May anak na si Summer? “Kanino?” Bulong ko “Secret.” Sabi niya Pumasok naman na sunod si Fuego. “Dawn, Dusk.” tawag niya dun sa dalawa Tumingin naman sa kanya si Summer “Fuego, Summer, papatulugin ko na yung kambal.” Sabi nung I think is si ate Autumn, base sa kwento ni Summer sakin kanina “Okay, ate Autumn.” sabi ni Summer tapos binigay yung dalawang bata kay ate Autumn Pagkalabas niya nagsalita na si Ren. Sya kasi ang tumatayong leader namin. “Dahil kumpleto na tayo, congrats sa atin dahil 14 scenes nalang ang gagawin natin.” Sabi niya “Oh sige good night na sa atin.” sabi ni Ren tapos isa isa na kaming nagpunta sa mga kwarto namin. “Mia.” tawag ni DJ sa akin Paglingon andoon sina DJ at San “Bakit?” tanong ko “Wag gagawa ng kalokohan ha.” sabi ni San Sinamaan ko naman sya tingin. “Good night, Bess.” sabi niya “Good Night din.” sabi ko tapos umakyat sa Third floor, andun kasi ang kwarto nina Summer. Una akong pumunta sa Kwarto ni Sum. Kumatok ako. “Tulog na yan,” sabi ng nasa likod ko Humarap ako at nakita ko si ate Autumn “Paano yan? Saan na ako matutulog?” sabi ko “Sa kwarto ni Fuego, andun narin naman ang mga gamit mo diba?” sabi ni ate Autumn “Bakit gising ka pa po, Ate Autumn?” tanong ko at hindi pa sigurado kung yun nga ang pangalan niya kahit nakumpirma naman na ng tinawag ni Summer sa kanya kanina “Insomnia,” natatawa nyang sagot Tiningnan ko ang relo. Aish lagot 10:35 pm na, di nako makakatulog, sinusumpong na naman ako ng insomnia. “Ate Autumn, ah ahm ano po kasi pwede po bang sumama nalang po muna ako sa inyo?” nahihiyang tanong ko “Bakit?” tanong niya “Sinusumpong po kasi ako ng insomnia ko.” sabi ko “Tara sa rooftop.” sabi niya Sumunod naman ako sa kanya papunta ng rooftop. Ang daming bituin sa langit. Ang ganda. “Paano mo nakilala sina Summer?” tanong ni ate Autumn “Hindi ko po alam. Wala po kasi ako masyadong maalala.” sabi ko “It makes sense.” sabi niya “Ikaw, ate Autumn, pano mo po nakilala sina Summer?” tanong ko “Family Friends. Magkakaibigan kasi kami ever since bata pa. Wag ka na mag po pag kausap mo ako.” sabi niya “Sabagay kayo kasi ang Elite 5.” sabi ko “Alam mo pala yun.” sabi niya at napatawa bago umiling Tumango ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD