Dahil hindi naman ako nakatulog, nag star gazing nalang kami ni ate Autumn hanggang mag four am.
“Marunong ka palang magluto.” Sabi ni Ate Lavalee nang pumasok sya dito sa kusina
“Sinigang and Chicken Cordon Bleu ang agahan natin ngayon, ate Lav.” Sabi ni Ate Autumn
Maya-maya ay pinatawag na namin sila para mag-agahan.
“Wow! Sinigang.” Sabi ni Freia nang makita ang ulam namin
“Sige, upo na kayo.” Sabi ni ate Lavalee kaya umupo na yung mga kaklase namin.
Umupo ako sa tabi ni ate Autumn dahil yun ang pinakamalapit na upuan sa akin.
Kumuha ako ng kanin at ulam at inilagay sa plato ko.
“Ang sarap.” Sabi ng mga kaklase namin lalaki
“Thank you.” Sabi ni ate Autumn at mahina akong siniko kaya nginitian ko nalang sila
“Kuya, diba favorite ko 'tong mga 'to?” tanong ni Freia kay Fuego
“Yeah.” Sagot ni Fuego habang nakain
“Sino nagluto?” Biglang tanong ni ate Aqua
“Si Mia.” Sagot ni ate Autumn kaya napailing ako
“Hindi po, nag-assist lang ako.” Sabi ko naman
“Oo nga naman. Assist pala ang tawag kapag ikaw yung nag gayat, naghugas ng gulay, at nag handa ng pagkain.” Sabi ni ate Lavalee na parang nang-aasar
“Lavalee nee-chan naman.” Nahihiyang sabi ko
“Wonder why you asked for the recipe?” sabi ni ate Winter habang nakatingin sakin ng makahulugan kaya napaiwas ako ng tingin
Pagkatapos namin mag-agahan nagtaka ako nung makitang nagliligpit si ate Aqua ng pinagkainan namin kaya lumapit ako at sumubok na tumulong.
“Hindi na, Mia, ayos lang.” Sabi ni ate Aqua kaya tumango ako at sumunod sa mga kaklase ko.
Pagdating ko sa parang theater room, napansin kong nagshu shoot na sila ng mga scenes.
“Anong scene na?” tanong ko kay DJ na nakaupo sa likod
“Maghanda ka na, kayo na yung sunod.” Sabi ni DJ kaya lumapit ako kayna Jill at AJ na nag-a-ayos sa mga a-acting.
Nakita ko sina ate Spring at ate Autumn na pinapanood kami mula sa isang sulok.
Kasalukuyang mine-make up-an si Rica, si AJ yung nagme-make up sa kaniya kasi sila lang dalawa maalam mag-make up.
Umiling ako kay AJ nang tinanong nya kung kailangan ko ng make up.
Lumapit ako kay ate Spring at nagtaka ako nung abutan nya ako ng dress.
“Change into that.” Sabi nya at napansin ko na ito yung dress na binili sakin ni ate Lav kaya pumasok ako sa loob ng dressing room at nagbihis.
Paglabas ko ay hinigit ako ni ate Spring paupo at nilagyan ng lip tint sa labi.
Maya-maya ay parehas na kaming handa ni Rica kaya tinawag na kami nina Ren at Nick para sa scene namin, nginitian ko siya pero tinarayan nya ako bago natawa.
Ang background namin ay isang school hallway.
“Okay, ready, take 1!” sabi ni Nick kaya nagimula na kami
“Well, well, well, andito pala ang plastic b***h na dikit ng dikit sa boyfriend ko.” Sabi ni Rica habang ginagampanan si Callie Fortalejo
“Sorry to burst your bubble but you’re nothing but desperate woman claiming someone that’s never been hers.” Sabi ko habang lampas ang tingin kay Rica.
Hindi kasi ako sanay pero nagbotohan kasi kami kaya ayan, ako tuloy ang naging female lead.
“Anong sabi mo?!”
Ang galing ni Rica umakting, nakakapressure na.
"Cut!" sigaw ni Ren
"Sorry," apologize ko agad dahil hindi ako nakapagsalita
"Retake," sabi ni Ren kay Nick na nag-o-operate ng camera
"Okay, ready, take 2!" sigaw ni Ren
“Well, well, well, andito pala ang plastic b***h na dikit ng dikit sa boyfriend ko.” Sabi ni Rica
“Sorry to burst your bubble but you’re nothing but a desperate woman claiming someone that’s never been hers.” Sabi ko at hinanda ang sarili para sa next line
"Anong sabi mo?" tanong ni Rica na masama ang tingin na binibigay sa akin
“I wasn’t informed that a desperate woman like you is also deaf. Well desperate people nga naman.” Sabi ko
“Me? Desperate? Excuse me, di hamak naman na MAS MATAAS ang pamilya namin kesa sa inyo. We are richer than you are.”
Grabe, iba talaga pag forte ang acting.
“Callie!” Pumasok sa eksena si Jill
"Cut! Stay put muna kayo dyan," sabi ni Ren at tumigil kami sa paggalaw
Inayos nila yung camera tapos sinenyasan kami na okay na.
“Cassandra Fortalejo. You know what I’m capable of. Watch your sister.” Sabi ko at naglakad palayo pero halos patakbo na yung ginawa kong lakad makapunta lang sa likod ng camera sa sobrang pressure
Hindi talaga ako sanay magtaray.
“What does she mean?” tanong ni Rica kay Jill
“She knows EVERYTHING. As in every detail.” sabi ni Jill
“And, cut!” Ren said he is our Director.
Nick is our cameraman.
“Grabe ang galing mo umarte, Mia.” Sabi ni Rica pagkalapit nya dito
“Mas magaling ka, nakakapressure,” sabi ko at lumabas na kami dahil sa garden na daw kami magsh-shoot ng sunod na scene
Pagkarating namin ay sinimulan na namin yung pang 13th scene.
Mula 8th scene madalas ay kami na ni Fuego ang nasa stage kaya talagang nakaka conscious, mas madalas naman si Fuego kaysa sakin pero nakakailang lalo na pag yung sweet ang scene.
“Hey! Mia, let me prepare you.” Sabi ni ate Spring kaya nagpahigit na ako sa kanya sa loob ng bahay
Pagkapasok namin sa loob ng bahay ay hinigit nila ako sa isang kwarto at inabutan ako ng damit.
Nagpalit ako ng dress at kung kanina mint green ang dress ko, ngayon naman ay white na.
Pagkalabas ko ay nakita kong nakaupo sila sa parang sofa.
“Lapit ka dito, Mia.” Sabi ni ate Autumn kaya lumapit ako at sinimulan nila akong lagyan ng lip balm at konting eyeshadow
“Cut!” narinig kong sabi ni Ren kaya lumabas na ako sa garden at napansin ko ang tingin nila sa akin
Hindi siguro bagay yung dress sakin.
Lumapit ako doon at nakita kong ang sunod na scene ay parang sa park.
Ganon kasi yung description ko though playground talaga yung nasa isip ko nung sinulat ko yung scene.
“Saan tayo pwede mag shoot nitong scene?” tanong ni Ren kayna Summer at Fuego
“Hmm? Pwede sa park. May park naman dito sa Subdivision.” Sabi ni Summer
“Sige, doon nalang tayo.” Sabi nina Rica kaya nagpaalam sila kay Ate Lav kaso aalis din sila kaya walang maiiwan para magbantay dun sa kambal ni Summer kaya isinama nalang namin, pinahiram kami ni ate Lav ng susi.
Pagdating namin sa park naghanda na agad kami para simulan yung scene.
“Sapphire?” umakto akong nagulat nang makita ko si Fuego pagkaharap ko sa likod
“T-Tristan,” sabi ko at umiwas ng tingin
Mas gusto kong walang eye contact kasi naiilang parin talaga ako
“Where have you been?” tanong niya
“Somewhere you don’t have to know.” Sagot ko na pinilit tanggalan ng emosyon ang tono ko
“What? Why?” tanong ni Fuego as Tristan
“It’s none of your business.” Sabi ko
Medyo natigilan ako nung niyakap nya ako mula sa likod kasi naiilang ako sa dami ng nakatingin pero inalala ko na parte yun ng script.
Tinanggal ko yung braso niya at tumakbo papalayo sa kanya.
Nagdahan-dahan ako sa pagtakbo kasi nakahigh heels ako.
Sanay naman ako na nakahigh heels dahil mahilig ako magheels kahit nung bata pa ako kaya medyo madali na sakin.
Nagkunwari akong nalulungkot pero may lumalabas talagang luha.
Pumunta ako sa isa sa mga puno dito sa park, it was part of my script.
Knowing na ako ang nagsulat nun, I know most if not all of it.
Umupo ako sa lilim ng puno at sumandal sa trunk nito.
I hugged my knees and started crying.
Mababaw kasi luha ko so madali sakin umiyak.
Nahihiya ako pag may nakakakita sakin umiyak kaya medyo naging unconscious na rin yung pagtuon ko ng noo ko sa tuhod ko habang humihikbi.
Nagulat ako nung may nag tunghay sa akin.
Yung kambal!
Pinunasan ni Krystal yung luha sa pisngi ko.
“You swoudn’t cwy, Mama.” sabi ni Blue nagtaka naman ako.
What is happening?
This is off script!
Nagulat ako nung yakapin ako nung kambal, pero pinilit kong di magreact ng out of character kahit na wala na sa script.
“We wuv you, Mama.” sabi nila na nagpangiti sa akin.
I think I should just go with the flow.
Bahala na si batman!
"CUT!" nakahinga ako ng maluwag pagka-cut nung scene
“Ang galing mo talaga, Mia.” sabi ni Rica sa akin nginitian ko naman sila habang nagpapahid ng mata gamit ang iisang basang towel.
“Wag mo purihin, Rica. Likas na maarte yan.” Sabi ni San kaya hinampas ko sya sa braso
“Napakasama mo, San.” Sabi ko bago bumaling kay Ren
“Teka bakit andun sa scene yung kambal kanina?” tanong ko
“Pinabago ko yung ilang parts. To add a little thrill.” sabi ni Ren
“Muntik na ako mag react nung nakita ko yung kambal. Buti napasunod niyo.” sabi ko
“Bess, galing ah. May pinaghuhugutan?” pang aasar ni DJ
“Wala noh.” sabi ko naman
After nilang ayusin yung mga clip, pinanood naming yung short film.
25 Minutes na yung haba.
Finilm narin namin yung 15th scene kasi pwede naman ng madaling araw yun.
Boys lang ang umacting doon dahil 'gangster' part sya.
Kahit totoo ang ginawang laban nung mga lalaki si Fuego parin ang nanalo.
Pagkatapos nun dun na kami natulog sa Bahay ni Summer.
3:00 ng umaga ginising nila ako para mai-film yung pag-iyak ng character ko to sleep tapos yung nangyari kinabukasan.
Finilm namin yung tapos inayusan ko na yung kambal, tapos hinatid talaga kami papunta sa DLA, pero nag-shoot sila ng part kung saan ako yung nagdrive, kahit na forward lang talaga ginawa ko.
Naka-uniform kaming lahat ng Dark Light Academy.
Nung pinark ko ang kotse ni Summer lahat sila napatingin, well, sino bang hindi kung isang color yellow gold na lambo ang makikita mong ipinark.
Bumaba ako nung nag signal si Ren na action na.
Nagtinginan silang lahat well di ko silala masisisi. I looked far from my usual look. Naka light make up ako yung palda ko na dating hanggang ankle naging 2 inch below the knee at isang 2 inch above the knee na black socks.
‘Transferee ba siya?’
‘Sino sya?’
‘s**t ang ang ganda.’
‘Anong grade kaya sya?’
‘Ang cool nya.’
Di ko alam kung coincidence lang ba na kaparehong kapareho ng nangyayari ngayon ang nasa script namin.
Fini-film parin nina Ren ang nangyayari kaya hindi ako makapagreact ng normal kasi bawal mag-out of character.
“Sapphire,” sabi ni Fuego nung makabungguan ko sya sa hallway para sa scene
Umarte ako na nag-iwas ng tingin at pumunta ako sa room, andun sina DJ at San may hawak ng camera.
Everything went smooth and natapos naming ifilm ang scene 16 hanggang 17.