Mischief

1434 Words
Pagkabihis ko lumabas na ako. “Great! You look like a real bad girl except for the shoes.” ate Ianna commented So how can I describe what I’m wearing? Black fingerless gloves sa right hand then isang fingerless net gloves sa left hand, gray sando, black leather jacket and black ripped jeans. Maya-maya inabot sa akin ni ate Ianna ang isang black high heels. Describe ko yung itsura, para syang boots ang kaibahan puro sya irremovable straps tapos sa side yung Zipper nya, may parang thorns sa mga straps tapos I think 4-5 inches ang taas. Pagkasuot ko ng sapatos, pina ayos ako ni ate Ianna ng tayo tapos pinag model nya ako. Si ate Ielle naman pini-picturan ako. Pagkatapo ng ilang shots pinagpalit na naman ako ni ate Ianna sa ibang damit. Pinagsuot nya ako ng pang-prinsesa tapos nilagyan nya ako ng isang maliit na tiara na galing sa box nya. Pinicturan uli ako ni ate Ielle tapos tinuruan nila ako ng tamang pag curtsy. Sunod naman pang agents, Black leather jacket, black ripped Jeans, walkie talkie ear piece, black sando tapos sneakers. Pina subok din nila sa akin yung pang fencing, pang g*n firing, pang archery, pang swimming, pang horseback riding, pang ice skating, pang pop star, pang dancer, pang doctor, pang surgeon, pang fishing, saka pang gangster at assassin. Nagtaka nga ako bakit ang meron silang ganoong damit. Mag aala 1 na nung natulog kami, magkakatabi pa nga kami sa kama ni ate Ielle. Kinabukasan maaga kaming nagising, which is strange dahil late kami natulog. I expected na around 10 na kami magising but we woke up around 6. Lalabas na sana kami nina ate Ielle nung biglang nagsalita si ate Ianna. “How about we play a game?” sabi ni ate Ianna “What game?” tanong ko “Ria, it’s too early.” reklamo naman ni ate Ielle “Elle, we’re just going to play them.” sabi ni ate Ianna tapos ngumiti ng nakakaloko “What are we going to do?” tanong ko “One of us is going to pretend as you, Mia.” sabi ni ate Ianna “Ria, to remind you, Lavalee, Fuego and the Seasonial Burn, knows our existence.” sabi ni ate Ielle Oo nga naman, mabulis nilang mahahalata yung pinagkaiba namin. “Not them.” Sabi ni ate Ianna Wait, tingin ko alam ko na kung sino. “Who else? Our sisters. They know us better than anyone, Camilla.” sabi ni ate Ielle “I guess Mia knows who. Right, Mia?” sabi ni ate Ianna at tumingin sa akin. “I think, Ate Ianna is referring to my classmates.” sabi ko “Exactly. Let’s see if they really know you.” sabi ni ate Ianna “Alright.” sabi ni ate Ielle tapos pumunta sa closet nila ni ate Ianna. Pagkaligo at bihis ni ate Ianna, kinabitan sya ni ate Ielle ng earpiece at inayusan sya para maging mas magkamukha kami. “Now done. Any reminders or pointers to help Ria act as you?” sabi ni ate Ielle “Ate Ianna, speak Filipino. As much as possible dapat madaldal ka. Ayos lang maging maldita kasi may pagkamaldita rin ako. Then mayroon akong dalawang best friend doon, bukod kay Fuego of course, sina DJ at San.” sabi ko Tinuro ko kay ate Ianna kung paano ako magsalita, at kung sino yung mga kaklase ko. What’s the use of phone kung di ko gagamitin? Pinakita ko yung pictures nila para makilala niya. Nung tapos na. Ako naman ang naligo at nagbihis at si ate Ianna ang nagbigay ng damit sa akin. Wala kasi diba yung gamit ko nasa kwarto ni Fuego. She insisted na yun nalang daw ang gamitin ko kesa naman pumunta pa ako sa kwarto ni Fuego ng nakatapis lang ng tuwalya, baka kung ano pa isipin nun. Pagkatapos unang lumabas si ate Ianna yung damit na suot nya is yung damit na dala ko nung inaya nila ako doon matulog. Yun yung damit na pang-alis ko. Peach colored sando na mahaba sa likod saka Navy blue Ripped Jeans. Nag rubber shoes din sya pero yung kanya. Nung makalabas na siya agad kaming tumingin sa Cam na nasa hair pin niya. Ang cool nila, meron silang iba’t ibang gamit na pang spy. Naka connect yung cam ng hair pin sa phone ni ate Ielle kaya nakikita namin ang nanyayari. Pababa sya ng hagdan, nakita ko sila na nagke kwentuhan. “Oh Mia gising ka na pala.” sabi ni Ren kay ate Ianna “Nope, actually standee lang toh.” sagot ni ate Ianna “Abrianna, attitude.” sabi ni ate Ielle sa earpiec “Yeah. Whatever. Joke.” sagot niya pabalik “Aga aga nambabara ka.” sabi ni DJ kay ate Ianna Sana di mapansin ni DJ na di ako si ate Ianna “Maaga pa?” tanong ni ate Ianna “Marunong ka ba mag-basa ng orasan?” Tanong ni Ren at tinuro yung wall clock “Syempre noh.” she said “Ate Ianna, di ako marunong.” sabi ko sa earpiece na suot ko “Pero di ganyan.” bawi nya Nakita ko naman na nagpipigil ng tawa si ate Ielle. Naman eh. “Ano ka bata?” pang-aasar ni Ken “Nope. Bakit bawal? Bawal?” sabi ni ate Ianna “Taray mo, meron ka?” tanong ni Rica sinabihan ko naman si ate Ianna na sumagot ng hindi Habang busy sila kay ate Ianna pumunta kami ni ate Ielle sa kusina para magluto. Andito na si ate Autumn “Magandang Morning, everybody.” sabi ni ate Spring habang pababa ng hagdan. Kasama niya si ate Aqua. Mukhang alam na nya at binulong kay ate Aqua. Sabi ni ate Ielle nagke kwentuhan padin daw sila. Nagluluto na kasi ako at si ate Autumn kaya di na ako makapanood. Maya-maya sabi ni ate Ielle dumating daw sina ate Alessa. Nung una daw ayaw ni ate Alessa kaya lang kinumbinse sya ni ate Eleonor “Sino sila?” rinig kong tanong ni Hans “Bisita ni ate Lav.” Sagot ni Summer “Kailan dumating?” tanong ni AJ “Nung natulog na kayo.” sagot ni Fuego “Ang ganda nila.” Rinig kong comment ni Jill “Specially the youngest.” sabi ni Fuego, nabitawan ko tuloy yung kutsara kaya nahulog sa soup. Kinuha ko naman yun gamit ang sandok. Nginitian naman ako ng nakakaloko ni ate Ielle, buti di narinig ni ate Autumn. “Palibhasa kamukha n- Freia.” di na natapos ni Summer yung sasabihin niya kasi pinutol ng kuya niya “Opo, shut up na.” Sabi ni Summer “Close kayo noh?” tanong ni Ren “Yeah/Syempre.” sabay na sagot nila Pinapunta na namin sila dito. Kami ni ate Ielle dito na sa kusina kumain. Mamaya na kami lalabas after ng desert. Wala kaming marinig na ingay kaya pinanood namin sila. Weird ang tahimik ng mga ka-grupo ko. “Mia.” Tawag sa akin ni ate Ielle “Try thinking that you’re floating and invisible.” Sabi niya ginawa ko naman “Paniguradong magtataka si Fuego.” sabi ni ate Ielle Bakit kaya? “Bakit?” tanong ko “Nawala presence mo.” sabi ni ate Ielle “Hinahanap na kayo, lalo ka na, hinahanap ka na ni Fuego.” pang-aasar pa ni ate Autumn pagkapasok niya dito. Nag-deal sina ate Ianna at ate Ielle na magtatagalog sila kapag kaharap ako pero kapag maraming tao, multilingual kami. Pagka kain nila ng main course, dinala na ng maid yung mga desert which is Ice Cream at Cupcake. Pagkatapos pumunta sila sa Living room. “Let’s go.” Aya ni ate Ielle Lumabas naman kami at tumabi kay ate Ianna. Bale napaggigitnaan namin sya katabi ko naman si Fuego. Naka mask kami ni ate Ielle para di agad nila malaman. Sina ate Alessa umupo sa tabi ni ate Lavalee. Malaki yung living room nila actually I think kasya ang 20 tao dito. Sina ate Winter umakyat pupuntahan daw sina Krystal at Blue. Nung medyo naka-ayos na sila ng upo sa kami napansin ng mga ka-grupo ko. “Sino kayo?” Tanong ni DJ “Secret.” Sabay sabay na sagot naming tatlo (ako, si ate Ianna, si ate Ielle) Sa kanila “Kilala mo Mia?” Tanong ni Jill kay ate Ianna “Oo.” Sagot ni ate Ianna na sinabayan namin ni ate Ielle. “Ako lang ba o parang kambal kayo?” Sabi ni San tapos tinuro kami ni Ate Ielle.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD