Umiling kami ni ate Ielle sa tanong ni San at napansin kong naguluhan yung mga kaklase ko. Nakita kong bumuntong hininga si ate Alessa habang si ate Eleonore ay napapailing lang samin, sina ate Alexandrine at Ate Elisa naman ay nakangiti lang samin.
“Ria, Elle, enough.” Saway ni ate Alessa
“Yes, Eonni.” Sagot nina ate Ianna at ate Ielle
“Well, it was fun being Mia.” Sabi ni ate Ianna at mahina akong natawa nang kinindatan nya kami
“If Mia was really there she could’ve - ate Ielle!” saway ko kay ate Ielle dahil sa pang-aasar nya
“Huh? Di namin gets.” Naguguluhang sabi nung mga kaklase ko
“I’m not the real Mia.” Sabi ni ate Ianna
“Weh? Joker ka rin eh.” Sabi ni Nick
“That’s true, hindi siya si Nee-chan.” Sabi ni Summer
“Edi sino?” tanong nila
“Secret.” Sagot namin
“Di ba kayo nahihirapan huminga dalawa? Naka-mask kayo kahit nasa loob tayo ng bahay.” Sabi ni Ren
“Walang kami at wala ring tayo.” Pamimilosopo namin ni ate Ielle
“Si Mia lang ang bitter.” Sabi ni DJ kaya nanlaki ang mata ko
“Playtime’s over, girls. You’re confusing them too much already.” Sabi ni ate Alexa kaya tumango kami
“Zdravyute! Menya zovout Abrianna Camilla/Abrielle Camille.” Sabi nina ate Ianna at ate Ielle tapos inalis ni ate Ielle yung facemask nya
I saw how their (our classmates) eyes widened and how their mouths formed ‘o’. Di ko naman sila masisisi dahil kahit nga mismo ako ay nagulat.
“Doppelganger, someone who look like someone else. A replica, mirror image, carbon copy, lookalike, facsimile. Siguro naman alam nyo na kung sino ako?” Sabi ko at inalis yung maskara ko
Tumayo kaming tatlo at nagpalit-palit ng pwesto, napansin kong naguluhan parin sila dahil sa aming tatlo.
“It’s good to know that you got along with Mia, Abrianna, Abrielle.” Sabi ni ate Lav
“Mia is not hard to get along with, she’s a great friend, and last night she even allowed me to make her my own model and doll.” Sabi ni ate Ianna
“I am the photographer, I’d say that she’s photogenic.” Sabi ni ate Ielle at nahihiya naman akong napangiti
“Thanks, ate Ianna, ate Ielle.” Nahihiya kong sabi
“We have something to discuss about, but the two of you will stay and explain, don’t even dare leave Mia all the explaining, especially you, Camilla.” Sabi ni ate Alessa at umalis na sila
“Let her be, Rianna, as if you don’t know Eonni.” Sabi ni ate Alexa at sumunod na kayna ate Alessa
“So where were we?” tanong ni ate Ielle
“Inside the mansion.” Nag-aasar na sagot namin ni ate Ianna at nag apir.
“Obviously.” Sabi ni ate Ielle at napailing
“Naguguluhan kami, sino kayong dalawa?” tanong ni Rica at itinuro kami ni ate Abrielle kaya inimove ko ang daliri niya para si ate Ianna ang maturo nya tapos lumipat ng upuan para maging katabi na ako ng mga kaklase ko
“Ako yung kaklase niyo.” Sabi ko
Bigla ako binatukan ni DJ kaya napatingin ako sa kanya
“Ang hilig mo kami pagtripan.” Sabi ni DJ kaya medyo lumayo ako nang akmang babatukan niya ulit ako
“Anyways, kahit masakit yun. Ang galing umakting ni ate Ianna napaniwala niya kayo na sya ay ako.” Sabi ko
“Tadashi, it wasn’t actually Mia’s fault. She didn’t plan it.” Sabi ni ate Ielle
(JT: Tadashi = However)
“It was my plan.” Sabi ni ate Ianna
Halatang hindi parin makapaniwala yung mga kaklase ko dahil sa nangyari.
“Tara na kuhanin nyo na mga gamit nyo. Aalis na tayo.” Sabi ni Freia pagkapasok niya kaya nagpaalam na ako kayna ate Ielle at ate Ianna.
Umakyat kami ni Fuego tapos tumigil kami sa may tapat ng kwarto ni Fuego.
“I’ll tell you the password, since some of your things are here.” Sabi iya kaya napatingin ako sa kany ng naguguluhan
“Huh? Bakit pa?” tanong ko
“Just n case you’d sleep here while I’m not around you could use this room.” Sabi niya kaya umiling ako
“Hindi na. Sa guestroom nalang ako, besides this is your room, it is private.” Sabi ko
“I insist.” Sabi niyakaya napatingin ako sa mata niya at napabuntong hininga
She looked at me and in the eye and sighed
“I won’t win this, right?” tanong ko at tumango siya kaya napatango narin ako
“Bahala ka.” Sabi ko
“I6L5OV2E.” Sabi niya kaya saglit akong naguluhan
“That’s the password. I six L four O V two E.” Sabi nya nang mapansing naguguluhan ako
“I’ll remember that.” Sabi ko at kinuha na yung maleta ko
Pagbaba namin, kaming dalawa nalang pala yung kulang.
“Tagal nyo, nii-chan.” Sabi ni Freia
“Sorry natagalan, inayos ko pa kasi yung gamit ko.” Sabi ko
“Ganon ka tagal? Ang bagal mo talaga kumilos.” Naiiling na sabi ni DJ
“And a little chitchat.” Dagdag ni Fuego
“Kwentuhan nga lang ba?” sabi ni ate Autumn nang mapadaan sya
“Autumn.” Sabi ni Fuego
“Kwentuhan lang naman talaga.” Sabi ko at ngumiti sa kanya
Mapang-asar naman kaming ngitian ng mga kaklase namin dahil doon. Kinuha ni Fuego yung mga gamit ko at inilagay sa kotse nya, yung mga kaklase ko naman ay sumakay na doon sa parang van nina Summer at nauna na nang umalis.
“Bye, ate Ianna, ate Ielle.” Sabi ko at niyakap sila
Ngumiti naman sila pagkatapos ako pakawalan sa yakap.
“Uh bye ate Alessa, ate Eleonor, ate Alexa, ate Elisa.” Nahihiyang sabi ko
Mahinang tinapik ni ate Eleonore yung ulo ko at nginitian ako ganoon din ang ginawa ni ate Alessa tapos niyakap ako, hinalikan naman ako nina ate Alexandrine at ate Elisa sa pisngi pagkatapos ako yakapin.
“See you soon, Mia.” Nakangiting sabi ni ate Alessa
Ininahatid ako nina ate Ielle at ate Ianna palapit sa kotse ni Fuego.
“Take care of her.” Bilin ni ate Abrielle kaya mahina akong natawa.
Niyakap ulit nila ako bago ako sumakay sa passenger seat. Nagpaalam na kami sa kanila tapos istinart na ni Fuego yung kotse.
“You seemed close to them.” Sabi ni Fuego habang nagda drive
“Ang bait kasi nila kahit na hindi nila ako katulad, mabait parin sila sa akin.” Sabi ko
“It seemed. I’ll tell you when they visit again.” Sabi niya
“Thanks. Sina ate Alessa, ate Eleonor, ate Alexa, ate Elisa, they were the big sisters that I always wanted to have. It feels warm, when they hugged me earlier I felt warm, it felt like a hug from a real sister. Sina ate Ianna at ate Ielle, they were the twins I’ve always dreamed of. Gustong gusto ko magkaroon ng kakambal, a twin who joins me in putting pranks in being rebellious, and a twin who knows her limit but still have fun. They were great to me. It all feels surreal. Para kasing dati hannggang panaginip lang tapos ngayon, nangyayari na.” Pagkukwento ko sa kanya
“I hope it stays that way, Ai.” Sabi niya
“I hope so too.” Nakangiting sagot ko tapos narinig kong tumunog ang phone ko kaya sinagot ko iyon
“Hello, Andrew?” sabi ko pagkasagot sa tawag
[Nasaan ka na, ate?] tanong niya
“Pauwi na. Bakit?” sagot ko
[Uwi ka na, andito sina Nanay saka sina Tita.] sabi niya
“Akala ko ba next week pa...” sabi ko dahil yun ang alam ko
[Nandito na sila, hinahanap ka.] sabi nya
“Ah sige pauwi na ako.” Sagot ko
[Sabi ni Mommy, umuwi ka na, baka daw gumala ka pa. Hinihintay ka na nila.] sabi niya
“Sige Bye. See you.” Sabi ko at binaba ang tawag
Haist. Bakit kaya napaaga ang bisita nina Lola? Napabunting hininga ak at napasandal sa upuan
“Problem?” tanong ni Fuego
“Ah hindi.” Sabi ko at umiwas ng tingin
“You can’t lie to me, Anzhela.” Sabi niya kaya napalingon ako sa kanya
“Ayos lang talaga, may dumating lang sa bahay.” Sabi ko
“Who?” tanong niya
“My aunts and Grandma.” Sagot ko
“What’s wrong?” tanong niya
“Nothing much really, it’s just that whenever they visit they would always ask me if I want to study in their school.” Sagot ko
“Why not study there?” tanong niya
“I want to, but Mom doesn’t allow me. Kahit na ako yung gusto nilang kausapin, nakatunganga lang ako don habang nag uusap sila.” Sagot ko
“I’ll call you.” Sabi niya kaya umiling ako
“Hindi na. Kaya ko naman na.” Sabi ko at ngumiti
“Salamat sa paghatid.” Sabi ko pagkarating namin malapit sa papasok sa street namin
“I’ll help you with your bags.” Sabi niya pagkababa namin ng kotse niya kaya umiling na ako
“Hindi na, ayos lang, kaya ko naman.” Sabi ko
“Why not?” tanong niya kaya ngumiti nalang ako
“Ayoko ma issue. Saka pag hinatid mo pa ako sa bahay makikita nina Tita at Lola baka kung ano pa isipin.” Sabi ko
“How about we exchange numbers first?” sabi niya pagkabukas sa compartment ng kotse nya kaya kinuha ko yung phone ko at ibinigay sa kanya, kinuha ko naman yung phone nya at itinype yung number ko tapos ibinalik ko na sa kanya.
“So, goodbye?” tanong nya pagkababa ng mga gamit ko
“See you then.” Sabi ko
Pagkakuha ko sa mga gamit ko, naglakad agad ako pauwi. Binabati ko yung mga nakakasalubong kong kapitbahay.
“Ate Mia! Ate Mia!” Bati nina Grace, James, Mark at Alden sa akin
“Bakit?” tanong ko
“Hinatid ka uli ni Kuya Pogi?” tanong ni Grace
“Kuya Pogi? Si Fuego?” tanong ko
Agad naman syang tumango.
“Oo. Bakit?” tanong ko
“Crush ni Grace yun.” sabi ni Alden kaya mahina akong natawa
“Mas matanda yun sayo.” Sabi ko kay Grace
“Sige una na ako.” sabi ko tapos naglakad papunta sa bahay namin.
“Ma, andito na si Ate.” sabi ni Andrew pagkapasok ko sa bahay.
“Mia.” bati ni Lola at nina tita sa akin
Nagmano ako kay Mom tapos kay Lola then kina Tita.
“Akyat lang po ako.” sabi ko tapos umakyat na sa kwarto ko.
Binaba ko yung gamit ko tapos inayos yung mga damit ko sa wardrobe ko. Pagkatapos nun bumaba na ako. Naabutan ko silang nag uusap. Umupo ako sa single sofa tapos nakinig nalang sa music sa earphones ko. Isa lang ang nakakabit sa tenga ko.
“Kumusta naman ang pag-aaral mo Mia?” tanong ni Lola sa akin
“Ayos naman po. With Honors padin po.” sagot ko
“Mia, next school year saan ka mag-aaral?” tanong ni tita Jane sa akin
“Doon parin po.” sagot ko
“Ayaw mo ba sa Le Vien?” tanong ni Tita Cess
“May Senior High na din po kasi sa Darklight Academy.” sabi ko
“Darklight Academy?” tanong ni tita Jane
“Opo.” sagot ko
“Mahirap ang exam doon, sinubukan ng ate Kyllie mo mag-aral doon kaso di sya natanggap. They said that once na nakapasok ka average of 85 ang kailangan mo to remain scholar.” sabi ni Tita Cess
“Opo, pero worth it naman po.” sabi ko
Nag usap lang SILA hanggang mapunta ang usapan sa bakasyon.
“Saan kayo pupunta ngayong bakasyon?” tanong ni Lola kay Mom
“May Reunion po kami sa side ni Lola Kuring.” sabi ni Mom
“Kailan yun?” tanong ni tita Jane
“Sa April 10.” sagot ni Mom
“Wala na pagkatapos nun?” tanong ni Tita Jane
Umiling na naman si Mom.
“Pwede ba naming isama si Mia sa bakasyon pagkatapos ng Reunion nyo?” tanong ni Tita Cess
“Gusto mo sumama?” tanong ni Mom sa akin kaya bahagya akong nagulat pero tumango naman ako
“Kailan ang balik nyo?” tanong ni Mom
“First week ng May.” sabi ni Tita Jane.
Pumunta naman si Mom sa kusina para magluto ng tanghalian namin.
“Saan ka galing kanina, Mia?” tanong ni Lola
“Ah sa bahay po ng kaklase ko.” sabi ko
“Bakit?” tanong ni tita Cess
“May ginawa po kaming project. Film making.” sabi ko
“Sinong naghatid sa’yo?” tanong ni Tita Jane
“Yung kaklase ko po.” sabi ko
“Ang aga nyo naman mag shooting.” sabi ni Lola
“Doon po kasi kami natulog sa bahay nung kaklase ko.” sabi ko
Pagkatapos nun kumain na kami ng tanghalian tapos hinatid namin sina Tita at Lola sa kotse nila.
“Sasama ka sa kanila?” tanong ni Mom pagkasara ng pinto
“Opo.” sabi ko
“Siguraduhin mo lang na wala kang gagawin doon ma ikakapahiya namin ng Daddy mo. Umayos ka ng kilos doon.” sabi niya kaya tumango ako at umakyat sa kwarto ko.
Pagkatapos nun buong hapon na akong nakaharap sa phone ko at kausap ang mga kaklase ko.
Di ko namalayang nakatulog ako habang ka-chat si Fuego.