Friday, School day

1401 Words
Maaga akong gumising dahil may pasok pa. Bumaba ako para mag agahan. Tulog pa pala sina Mom at Andrew. Nagluto at nagsaing nalang ako since 4:00 palang naman. Pagkatapos non, kumain na ako tapos nagligpit ng pinagkainan saka ako umakyat sa kwarto ko para maghanda sa pag pasok. After 15 minutes bihis na ako at handa na pumasok. Bumaba ako dala ang bag ko at nakita ko sina Mom na nakain. “Papasok ka na?” tanong ni Mom “Opo.” sabi ko tapos nagmano sa kanya Lumabas na ako ng bahay. Chineck ko yung oras sa digital watch ko. 5:15 am palang pala. Suot ko parin yung earpiece na pinahiram ni ate Ielle sa akin incase may tumawag sa phone ko. Paglabas ko ng compound namin may tumigil na Lamborghini sa harapan ko. “Need a ride?” tanong ni Fuego “Nee-chan Mia, sabay ka na sa amin.” sabi ni Summer na nasa backseat Sumakay naman ako tapos nagdrive na si Fuego papunta sa school. “Bakit nandoon kayo?” tanong ko sa kanila “Kasi nee-chan Mia, sabi ni nii-sama kay nii-chan na lang daw ako sumabay then sabi ni nii-chan maglalakad daw siya kasabay mo kaya sabi ni Lav-chan isabay ka nalang din namin.” sabi ni Summer “Nag abala pa kayo. Di nyo naman ako kailangan sunduin.” sabi ko “Saka nee-chan mas masaya kung kasabay ka para masaya ang byahe. Malamig kasi si nii-chan.” sabi ni Summer “Parang yelo? Like ice?” tanong ko “Nee-chan, si Ice nangiti yung pag kasama ako at saka grabe yun kung makatawa pag kaming dalawa lang pero si Kuya hanggang half smile at snicker lang yan.” mahabang paliwanag ni Summer Bakit nadamay yun? It seems like that guy is someone na special para kay Summer. Probably yung tatay nila Krystal at Blue. “Anong kinalaman ni Ice?” tanong ko “Kasi diba sabi mo – She’s referring to an ice cube.” putol ni Fuego sa sinasabi ni Summer “Nakarinig ka lang ng Ice eh. Si Ice agad.” pang aasar ko agad namang sumimangot si Summer tapos nag high five kami ni Fuego habang pinangda drive niya yung isa nyang kamay. “Nee-chan naman eh.” maktol niya nginitian ko lang sya. “Ah dito nalang ako.” sabi ko nang makarating kami sa gate ng school. Agad namang nagpark si Fuego sa tabi, bumaba ako tapos pagkasara ko ng pinto agad namang nagdrive pa pasok si Fuego. Pumasok na ako sa gate tapos nung nasa may building na namin ako lumapit sa akin sina Summer at Fuego. “Nee-chan, bakit bumaba ka pa kanina?” Tanong ni Summer sa akin “Ayoko kasing ma issue.” sabi ko Chineck ko yung oras sa orasan ko. 5:30 am Pumunta kami sa Room tapos binaba ko yung bag ko. Maya-maya nung 6:40 na nagdatingan na lahat ng mga kaklase namin. Nagsi upuan na kami sa upuan. Complete kami. Exact 30. Bakit 24 lang kami dati? Yung mga absent di isinali ni Miss para di magulo yung group project. “Uy girl anong balita?” tanong ni Stephanie nung AP time namin “Wala naman masyadong nangyari.” Sabi ko Nag group activity lang kami Tungkol sa kasaysayan ng Mundo. “Sinong magpe present?” Tanong ni Ate Aly Sya ang leader namin, si ate Alyzza Cordovez. Mabait yan, sobra, kaklase ko yan since Grade school. She's smart and a great leader, pag absent sya, ah, kagulo lahat ng ka-grupo nya kasi sya lang ang sinusunod. Eto yung mga members sa bawat group; Sa Group 1: AJ, Corrine, Axel, Naquil, Emgel, Rica, Nikki, Ken, Jona, June Sa Group 2: Alyzza, Mia, Stephanie, Jinky, Summer, Fuego, Gregory, Nick, Hans, Ed Sa Group 3: Andrea, Aphrill, DJ, Savanna, Jhon Rhey, Joseph, Reena, Ren, Gino, San “Pwede ako, ate Aly. /I can do it.” sabi ko at mukhang may nakasabay ako “Ayiee.” pang aasar nina Nick at Hans “Pagpala pinag partner sa movie nagkakatotoo.” sabi ni Nick “Che! Hindi noh. Issue kayo.” Naiiling na sabi ko “Kayo na ni Fuego?” tanong ni ate Aly “Pwede rin.” Sagot ko “So kayo na nga?” tanong ni Jinky “Oo kami na magpe present.” sagot ko “Ang slow mo, Nee-chan.” sabi ni Summer “Ano namang slow don?” tanong ko Kinuha ko nalang yung libro at binasa yung ipe present namin. Naramdaman ko naman na nakikibasa si Fuego sa binabasa ko kaya inilagay ko sa pagitan ng upuan yung libro. Maya-maya pinadikit na ni Miss yung output sa board. Ako na nag volunteer na mag kabit tapos tinulungan ako ni Fuego since matangkad sya. Pagkadikit namin ng output sa board, umupo na uli kami. Tumayo ang magpe present sa Group 1 which is sina AJ at Corrine. Pagkapresent nila binigyan na sila ni Miss ng score which is 9/10 dahil di nila nasabi yung huli. Sunod tumayo kami ni Fuego para magpresent. “Magandang Umaga aming mga kamag aral, at aming guro.” sabay naming sabi “Ako si Anzhela Mia Del Quintana.” Sabi ko tapos tumingin kay Fuego “Ako si Sunny Fuego Juarez.” sabi ni Fuego Sinimulan na namin yung presentation namin. After ng presentation namin biglang nagtaas ng kamay si Emgel kaya tinawag sya ni Miss. “Paano nyo makukuha ang demand at supply?” Tanong niya “Supply and Demand function.” Sagot ni Fuego Pagkatapos nun sina DJ at San yung nag present para sa Group 3. Naka perfect kami sa presentation. Buti nalang talaga at fast learner si Fuego kaya natutonan agad nya magtagalog. Nung mag lunch na inayos ko muna yung gamit ko tapos saka ako lumabas ng room. “Dapat di mo na ako inintay.” sabi ko kay Fuego “Autumn cooked for you.” Sabi niya tapos inabutan ako ng isang lunch bag “Pakisabi sa kanya thank you.” Sabi ko. Pumunta naman kami sa Cafeteria para doon kumain. Nakita ko si Summer kasabay nina Corrine. “Nee-chan, nii-chan,” sabi ni Summer nung nakita nya kami “Pwede pasabay?” Tanong ko “Sige.” Sabi ni Corrine “Ang sweet niyo kanina.” sabi ni Ren habang nakain kami napa ubo naman ako tapos inabutan ako ni Fuego ng tubig. Wala manlang warning yung pang-aasar nya, my gosh. “Sinasabi mo dyan?” Tanong ko pagka recover ko sa gulat “Ayiee, nasamid si unni.” Sabi ni Rica Unni ang callsign namin ni Rica, mahilig sya sa K-Dra, while ako interested lang sa language. “Hindi, nagulat lang.” sabi ko tapos pinagpatuloy yung pagkain “Anong film niyo?” tanong ni Andrea “Action-Romance.” sabi ni Summer “Sinong nasa Romance?” tanong ni Corrine “Secret.” Sabi namin na magkaka grupo sa Filmmaking. “Di parin ako maka get over sa nangyari kahapon.” biglang sabi ni Rica “Bakit anong meron?” tanong ni Reena “Pagkatapos namin mag agahan pinag tripan kami ni Mia.” Sabi ni Ren “Seryoso? Nantrip si Mia?” tanong ni ate Aly na parang di makapaniwala kasi nga good girl ako since grade school pero sabi nila nakakatakot daw ako magalit. Not that I can deny it. “Hindi ah. Malay ko bang di nyo mahahalata na si ate Ianna ang kasama nyo.” Sabi ko “She was stoned on the spot when she first met them.” sabi ni Fuego “Sige mang-asar pa.” Sabi ko habang naiiling Nginitian lang ako ng loko. “Tingnan mo pati si Mia nagulat.” sabi ni Ren “Kaya pala hindi kayo agad sumunod nun, Nee-chan, nii-chan.” sabi ni Summer Pagka kain namin pumunta na ulit kami sa room namin.Nung Math namin nagpa quiz lang si Miss after ng Discussion tapos nung MAPEH namin nagpa kopya lang si Miss Dani. Pagkatapos nun Reccess tapos English Class na namin. Nung nag bell signaling na English Time na kaya nagsi pasukan na kami sa classroom. “Good afternoon, Angels.” sabi ni Miss agad naman kaming nag si ayos ng upuan “Those who aren’t able to participate in the Film making, you will be the ones to comment about the movies that your classmates had made.” sabi ni Miss
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD