Chapter 17: Marry Me

1473 Words
Napabalikwas siya ng bangon ng hindi niya makapa si Baby Ri sa tabi niya. Tila sumikdo ang kaba sa dibdib niya ng pati si Klein ay wala rin sa kama. "Klein?" tawag niya rito habang nagkukumahog na lumabas ng kuwarto. "Ford?" Mabilis siyang tumakbo pababa, wala siyang pakialam kung anuman ang itsura niya. Matapos ang insidente ng panloloob sa kanila ay hindi dapat siya maging panatag. Habol niya ang hininga ng makarating sa may sala pero wala rin ang mga ito roon. Tumingin siya sa labas ng bahay at naroon naman nakaposte ang mga bodyguards. Nakarinig siya ng mga kaluskos sa kusina at tumakbo siya roon. Nakayapak lang siya at hindi na nag-abala na magsuot pa ng tsinelas. "Ford?" tawag niya. Nang marating niya ang kusina ay tsaka lang siya nakahinga ng maluwag. "You're awake, Mama Viel!" wika ni Klein ng makita siya na pumasok sa kusina. Lumingon si Ford na kasalukuyang nakaharap sa kalan at nagluluto habang si Baby Ri naman ay nasa highchair at kumakawag-kawag ng makita siya. "Good morning, Babe!" bati ni Ford sa kaniya. Siya naman ay hindi maipinta ang mukha. "Pinakaba ninyo ko!" bulalas niya na halos nangingilid ang luha sa mata niya. Nilapitan niya si Baby Ri at binuhat. Inilapag ni Ford ang hawak na sandok at pinatay ang kalan bago siya nilapitan. "Hey! Calm down. We're safe now, Babe. Nagdagdag na rin ako ng security at bodyguards." Niyakap siya nito at hinalikan sa noo. Nasa pagitan nila ang nakahilig sa balikat niya na si baby Ri. Si Klein naman ay nakayuko sa lamesa habang nakamasid sa kanila. "Bakit hindi ninyo ako ginising? Ako dapat ang nagluluto at ikaw dapat ipagpahinga mo iyang katawan mo lalo at may sugat ka!" idinuro niya sa pisngi nito ang daliri niya. Hinuli nito ang kamay niya at hinaplos iyon. "Kailangan mo rin ang pahinga, Mama Viel. Look at this oh ang dami mong pasa sa braso mo," sabay turo sa kamay niya na nagkulay blue and violet na nga. Kaya pala ang sakit ng mga ito, galing pala iyon sa matigas na sapatos ng nakaengkuwentro niya. Binawi niya ang kamay mula rito. "Okay lang naman ako. Malayo naman ito sa bituka." naglakad siya at inilapag ang bata sa high chair. "Ako na ang magluluto para makakain na kayo at mapalitan ko na rin ang benda ng sugat mo." Sinipat niya pa ang braso nito na may benda. Malaya niyang namasdan ito na may bakas pa ng dugo dahil nakahubad-baro ito at tanging jogging pants lang ang suot. Lalampasan na sana niya ito para umpisahan ang pagluluto ng biglang hapitin nito ang kaniyang beywang. Nataranta siya dahil naroon ang mga bata kasama nila. "Ford! Ano ba?" nagbabanta ang boses niya. Ngumiti ito at bumaling kay Klein na dahil yata inaantok pa ay nakaunan sa isang braso at nakapikit na. "I just want to claim my morning kiss, Babe," bago pa siya makasagot ay lumapat na ang labi nito sa labi niya. Pero sandali lang iyon, agad din itong kumalas. Ipinaikot siya nito at pinaharap na sa kalan pero ang mga kamay ay nasa beywang niya at humahaplos habang nakatalikod siya rito. Pumikit siya ng mariin. Makaarte kasi ito ay akala mo may relasyon sila. Ni wala naman itong kinaklaro sa pagitan nila maliban na lang sa mga pagpapahaging nito. Napapitlag siya ng maramdaman ang labi nito sa leeg niya. "Ford, umalis ka na riyan at magluluto na ako!" pabulong na angil niya rito habang pilit na inaalis ang kamay sa beywang niya. "Hmm... ang sungit mo naman, Barn!" ganting bulong nito. Akma siyang muling hahapitin nito ng marinig ang pagradyo ng tauhan nito mula sa main gate. "Sir, nandito po si Sir Denz. Kakausapin daw ho kayo." Lumayo ito at inilabas ang radyo sa bulsa at pinindot. "Sige papasukin mo," sagot nito. Ipinagpatuloy niya ang pagluluto. Akala niya ay aalis na ito para salubungin si Denz na papasok sa bahay pero muli itong lumapit at niyakap siya mula sa likod at bumulong. "Magpalit ka ng damit, Babe. Ayokong may ibang tao na makakita ng kaseksihan mo, gusto ko ako lang," sambit nito sabay tanim ng halik sa leeg niya. Marahas niya itong nilingon sabay tingin sa sarili niya. P*nyeta! Hindi nga pala siya nakapagpalit ng damit sa sobrang taranta niya dahil hindi makita ang dalawang bata sa tabi niya kanina. Nakamaluwag na T-shirt lang siya at boyleg na panloob! Wala rin siyang bra! Though dahil malaki naman ang t-shirt na umabot hanggang gitna ng hita niya at medyo makapal ay hindi naman babakat ang bundok pero syete nakakahiya pa rin! Pakiramdam niya ay sasabog ang pisngi niya sa pag-iinit. "P-pakitignan muna ng niluluto ko saglit at iyong mga bata," nakayukong wika niya dahil hindi niya kayang tignan ang mukha ni Ford. Nahihiya siya! Sabay nagmamadali na umakyat sa itaas at nagpalit ng damit. Hingal na pumasok siya sa loob ng kuwarto at wala sa sarili na naghanap ng damit na ipampapalit. Napadaan siya sa full-length mirror at napagmasdan ang sarili. "Sh*t!" mura niya. Pati pala ang buhok niya ay gulo-gulo. Buti na lang at walang tuyong laway sa gilid ng labi niya at walang muta. Kung hindi baka hilingin na lang niyang lumubog sa kahihiyan! Mabilis siyang nagpalit ng damit at nag-ayos bago nagmamadaling bumaba. Baka gutom na ang mga ito, idagdag pa na may bisita. 'Hays! Sana bumalik na si Tetay at Nana Aida' Malungkot na wika ng isip niya. "Hi Viel!" bati ni Denz sa kaniya na naabutan niya sa sala nakaupo. "Hi Denz! Nasa kusina si Ford. Halika at sumabay ka na rin mag-almusal," pagyaya niya rito. Ngumiti ito at tumango. May kislap sa mata nito na nahagip ng paningin niya. Pagdating nila sa kusina ay nakahain na si Ford. Ito na talaga ang nagtuloy ng pagluluto. "Sit here, Viel," utos ni Ford sa kaniya ng makita na uupo siya sa tabi ni Denz. Itinuro nito ang silya sa tabi nito. Kumunot man ang noo ay sumunod na lang siya dahil para itong mangangain ng buhay sa sama ng tingin. Maraming napagusapan ang dalawa lalo at tungkol sa paghihigpit ng seguridad sa loob ng mansiyon. Gayundin ang imbestigasyon sa mga nanloob sa kanila. Halos patapos na sila mag-almusal ng mapukaw ang atensyon niya ng sinabi ni Denz. "Ano nga pala ang balak mo roon sa petition ng child custody, Brod?" wika ni Denz na nagpa-angat ng tingin niya mula sa plato niya. Kita niya ang matalim na titig na ipinukol ni Ford kay Denz. Kung nakakamatay lang ito malamang kanina pa sumambulat ang duguang katawan nito. "Shut up, Denz," mahina pero may hagod ng pagbabantang sambit ni Ford. Nabitin sa ere ang kutsarang hawak nito. Lumunok naman ang lalaki at tila natakot sa tono ni Ford. "Sorry, Brod. Akala ko nasabi mo na," hinging paumanhin nito. Napalingon siya kay Ford ng padabog nitong ibinagsak ang kutsara. Madilim ang awra ng mukha nito. "You're business is done here, Denz. Just let me know the progress," sambit ni Ford na tila itinataboy na ang kausap. Huminga naman ng malalim si Denz bago tumayo na. "Sige, aalis na 'ko. Viel, una na ko," paalam nito. Tumango siya rito. Ngumiti naman ito sa kaniya bago tuluyang tumalikod at umalis. Kita niya ang pagtiim bagang ni Ford habang nakayuko sa plato nito. Saglit siyang bumaling kay Klein. "Kuya, go upstairs at maligo ka na," utos niya rito. Agad naman tumalima ang bata. "Okay, Mama." Nilingon niya si Ford. Ang mga kamay nito ay mahigpit na nakakapit sa kutsara. Parang anumang oras ay mababali ito sa kamay nito. "Ford, anong child custody ang binanggit ni Denz?" usisa niya. Mabuti na lang at nakikisama si Baby Ri na tahimik lang na pumapasag-pasag sa high chair nito habang ngumunguya ng dinurog na carrots. Marahas itong bumuntong-hininga. Tila ba sa pamamagitan no'n ay gagaan ang dibdib nito. "Nagfile ng petition for custody ang pamilya ng asawa ni Hanes," sagot nito na ang tinutukoy ay ang kapatid na namatay. Hindi pa rin ito nag-aangat ng tingin at nakatungo pa rin sa plato habang tinutusok tusok ang pagkain. "Ha? Bakit? Eh naaalagaan mo naman ang dalawang bata ah? Bakit daw sila nag-file ng petition for custody?" Napakurap siya ng umangat na ang tingin nito at diretsang tumitig sa mga mata niya. Kita niya ang tinitimpi nitong emosyon. "I don't know. Basta ang alam ko lang, ayokong mawala ang mga bata sa akin. Sila na lang ang meron ako at alaala ng kapatid ko." Nakita niya ang pamumula ng mga mata ni Ford at parang piniga ang puso niya. Hindi siya sanay na ganito ito na tila nahihirapan. Lumapit siya rito at niyakap. "Anong pwede natin gawin, Ford?" Kumalas ito ng yakap at tinitigan siya. "Marry me, Viel. Please marry me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD