Tila hindi magawang maging ganap na masaya ni Viel sa pag-aalok ng kasal na iyon ni Ford.
Marriage for convenience. Iyon lamang iyon at walang involve na pagmamahal.
Napakurap siya habang pinipigilan ang emosyon, nakatutok ang mga mata niya sa telebisyon at pinapanuod ang pelikula ng isang sikat na loveteam habang nagpapalitan ng linya.
"Kailangan mo ba 'ko dahil mahal mo 'ko? O mahal mo 'ko dahil kailangan mo' ko?" tila nagkabikig ang lalamunan niya at naiwan sa ere ang kamay niya na isusubo sana ang pizza na kinakain.
"Bakit parang nakaka relate ako sa tanong? Peste!" naiiling na bulong niya. Nasa sala siya at nagpapalipas ng oras dahil hindi pa siya makatulog. Tila ginising ng alok na kasal ni Ford ang buong sistema niya at hanggang ngayon ay high na high pa rin siya.
Aminin man niya o hindi ay nagkakapuwang na ang hinayupak na lalaki sa puso niya. Sino ba naman ang hindi mahuhulog sa landi nito at galing maglambing? Nakita niya rin kung paano nito sinusubukan na maging mabuting pangalawang ama ng dalawang pamangkin nito. Na sa totoo lang ay hindi talaga madali kung tutuusin.
He's a good man, indeed. Wala pa siyang nakukuhang dagdag na impormasyon kung may kinalaman ba ito sa pagkamatay ng kapatid niya o may illegal ba itong gawain. At pakiramdam niya, oras na malaman niyang may kinalaman ito sa pagkamatay ng kuya niya ay mahihirapan siyang tanggapin ito.
Isang malakas na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Totoo talaga ang laging sinasabi ng chief nila na hindi dapat pairalin ang puso sa misyon, dahil ito ang magiging sanhi ng pagkabulilyaso nito. Naniniwala na siya ngayon. Pakiramdam niya ay nahahati na ang puso niya sa pagitan ng misyon niya at ng pagtulong rito para sa custody gayundin ang pagiging malapit ng puso niya sa mga bata.
"What's bothering you, Babe?" napukaw ang pagmumuni-muni niya ng marinig ang malambing na boses ng talipandas na gumugulo sa sistema niya. Idagdag pa na pinapanindigan na talaga nito ang endearment nito sa kaniya.
Ang puso naman niyang marupok ay tila nagpaparty-party sa loob ng dibdib niya dahil halos mabingi siya sa lakas ng pagkabog nito at pagpintig.
Nilingon niya ito at lalong napalunok ng tumabi ito sa kaniya sa sofa. Umangat ang braso nito at hinapit siya palapit rito.
"W-wala naman. Naisip ko lang iyong sa custody ng mga bata," gusto niyang sampalin ang sarili sa pagkautal niya. Parang masyado na yata siyang naaapektuhan ng lalaking ito.
Inihilig nito ang ulo niya sa balikat nito at ramdam niya ang paghalik sa buhok niya. "Don't worry too much about it. I'm confident na mapupunta sa atin ang custody. Hindi ako papayag na mawala ang mga bata sa atin."
Iniangat niya ang ulo niya mula sa balikat nito para makita ang mukha ni Ford. Pero wrong move yata dahil naging napakalapit ng mukha nito sa kaniya at naaamoy niya ang amoy mint na hininga nito na tila kakatoothbrush lang.
Sh*t! Samantalang ang hininga ko amoy sibuyas dahil sa pizza!
"Thank you for accepting my marriage proposal, Mama Viel," pabulong na sambit nito. Kita niya ang pagbaba ng tingin nito mula sa mga mata niya papunta sa labi niya. Nagtaas-baba pa ang adam's apple nito.
Akma siyang kakalas sa pagkakayakap nito sa kaniya para sana makadistansiya pero maagap ang mga braso nito at mabilis siyang hinapit at siniil ng halik ang labi.
"Uhmp--!" nilamon ng halik nito ang salita na sana ay lalabas sa bibig niya.
Nanlaki ang mga mata niya sa gulat dahil sa ginawa nito at tinangka na itulak ito pero nabalewala lamang dahil ni katiting ay hindi nito natinag ang pagkakahapit sa kaniya.
Hanggang kusa na lang siyang napapikit habang lumalalim ang pananalakay nito sa kaniyang labi. Malambing, masuyo at marahan ang paraan ng paghalik nito. Tila pa siya tinutudyo nito at naghahanap ng katugon.
Natagpuan na lamang niya ang sarili na nadadala na rin sa halik nito. Ang mga kamay niya na kanina ay tumutulak ay nakapulupot na sa batok nito. Napasinghap siya ng maramdaman ang isang kamay nito na pangahas na pumasok sa suot niyang t-shirt at marahang pinisil ang kaniyang beywang.
"Are you working out lately, Babe? Your waist is getting leaner," anas nito sa paos na tinig ng panandalian nitong bitawan ang labi niya para sumagap ng hangin.
Ngunit hindi niya nagawang tumugon dahil muli nitong siniil ng halik ang kaniyang labi na tila nanggigigil.
"Ohh! Ford...," napadaing na sambit niya ng maramdaman ang kamay nito na pumisil sa dibdib niya.
"Let's go upstairs, Babe," bulong nito sa punong tainga niya. Napalunok pa siya ng maramdaman ang paghagod nito ng dila roon.
Oh my gulayness!
Pakiramdam niya ay tila sinisilaban ang buong katawan niya. Dumagdag pa ang sumisingaw na init din na nagmumula sa katawan ni Ford.
Muling bumaba ang labi nito sa leeg niya habang tila linta na sinisipsip ang bawat madaanan nito.
"Uhmm, Ford baka mag-marka iyan," mahina niya itong tinutulak at ikinikiling ang katawan pero hindi siya makawala sa pagkakahawak nito. Grabe naman kasi kung makasipsip ito, sigurado siya na magkaka-kiss mark ito.
"I'm just marking my territory, Barn," umangat ang tingin nito sa mukha niya habang ang mga kamay ay malayang humahaplos sa lahat ng daanan nito. Ang mga labi nito ay namumula na lalo at kumikintab dahil sa pagpapalitan nila ng halik.
Minasdan niya ang mukha nito at tila lalo siyang nahuhulog sa lalaki sa bawat araw. Napakaguwapo nito lalo sa malapitan at lalaking-lalaki. Iyong tipo na poprotektahan ka ano man ang mangyari. Baka dumating ang araw na hindi na siya makaahon sa pagkakalunod sa pagmamahal dito.
Nabalik siya sa ulirat ng maramdaman ang pagpisil nito sa beywang niya. Nakataas na pala ang t-shirt niya hanggang dibdib habang nakasandal siya sa sofa at ito naman ay nakadagan ang itaas na kalahati ng katawan at nakapulupot ang mga braso.
"You're spacing out again, baby. Kanina pa malalim ang iniisip mo. Aatras ka ba sa kasal natin?" masuyong tanong nito habang pinapaulanan ng maliliit na halik ang mukha niya.
Ngumiti siya rito. Kahit alam niyang ginagamit lang siya nito para sa custody ng bata ay gusto niyang sumugal. Kahit walang kasiguruhan hanggang kailan magiging ganito ang pakikitungo nito sa kaniya ay susubukan niya pa rin. Kahit walang direktang salita mula rito na mahal siya nito ay wala na siyang pakialam. Ang mahalaga, yummy ito. Charot!
Muling bumaba ang mukha nito at sinakop ang labi niya. Ang mga kamay nito ay umangat paikot sa likod niya at tinarget ang hook ng bra niya.
"Papa? What are you doing to Mama Viel?"
Sabay silang napadilat ni Ford. Naitulak niya ito at mabilis na inayos ang sarili. Mabuti na lang at nakatakip sa kaniya si Ford.
Bahagya lumingon si Ford para sagutin si Klein.
"Uhm, it's nothing, Bud. Just giving your Mama a CPR," nakangisi nitong sagot sa bata na nasa ibaba na ng baitang ng hagdan.