"Babe," malambing na tawag ni Ford na nagpalingon sa kanya. Bahagya pa siyang napapikit dahil tila nasasanay na siya sa ganitong endearment ng lalaki.
Yumakap ito mula sa likuran niya at dinampian ng halik ang leeg niya habang nakaharap siya sa lababo at naghuhugas ng plato.
Simula ng pumayag siyang magpakasal dito para makuha ang custody ng mga bata ay tila mas lalo pa itong naging sweet at clingy sa kanya. Kulang na lang talaga ang mga kataga na gusto sana niyang marinig mula rito pero ayaw naman niyang umasa.
Mesheket kaya!
"Ford, umalis ka muna riyan. Para kang anaconda na lingkis ng lingkis!" kunwari ay pagalit na sabi niya rito sabay piksi.
"Hmmm... Ayoko. Bakit ba ang sungit mo?" pabulong na wika nito sabay pisil sa beywang niya na isa pa sa nakagawian nitong gawin tuwing yayakapin siya.
Bumuntong-hininga siya. Yawa! Landi ng landi wala namang label! Mabuti pa ang sardinas may label. Kaloka! Piping himutok niya.
Sabay silang napaangat ng tingin ng tumunog ang doorbell.
Agad kumilos si Viel para lumabas sa sala at pagbuksan ito ngunit si Ford ay nanatiling hindi natitinag sa pagkakayapos sa kanya.
"Ford, may tao sa labas," sambit niya habang inaalis ang kamay nito ngunit ipinihit lamang siya nito paharap dahilan para mas lalong maging malapit ang katawan nila. Minsan talaga hindi na niya alam kung paano pa makakawala mula sa pagkakahulog sa lalaking ito.
Nakita niya na nagkibit-balikat ito at mas hinapit pa ang katawan niya rito. "Baka doorbell ng kapitbahay iyon. Hayaan mo na," wika nito na nagsimula nanamang humaplos sa balakang niya habang nakatingin sa mukha niya.
Sinimangutan niya ito. "Doorbell ng kapitbahay? Eh nasa kabilang ibayo pa yata ang katabing bahay ng mansiyon mo, Mister. Kaya imposible na hindi dito sa bahay mo ang pakay," paliwanag niya sabay irap na tinawanan lang nito.
Putragis talaga! Pati pagtawa masyadong ikinalulundag ng puso niya! Ang sexy at ang guwapo nito lalo sa paraan ng pagtawa.
"Hayaan mo na iyon, Misis. Wala naman akong inaasahang bisita ngayon, ikaw ba mayroon?" halos masamid siya sa itinawag nito sa kanya. Hindi talaga ito nauubusan ng mga bagay na makabibigay ng nakakakiliting pakiramdam sa sikmura niya.
Bago pa siya makasagot sa tanong nito ay muli nanamang tumunog ang doorbell. Kita niya ang pagguhit ng inis sa guwapong mukha ni Ford. "Nasaan ba kasi ang mga bantay? Ni hindi man lang iniradyo muna sa akin kung sino ang mga poncio pilato na iyan!" painis na mahinang sambit nito.
"Sige na ako na ang magbubukas, Ford," pagprisinta niya at muling sinubukan na baklasin ang mga braso nito sa katawan niya.
"No. Ako na, Babe. Baka si Denz lang iyan. Puntahan mo na lang ang mga bata sa itaas at huwag ka magpapakita sa siraulong 'yon," banta nito sa kanya.
Kung titignan ay para itong selosong asawa na nagbibilin na magtago siya sa mata ng ibang lalaki. Gusto niyang mapangiti pero pinigilan niya ang sarili. Baka umasa nanaman siya. Erase! Erase!
Isang hakbang bago niya marating ang punong baitang ay lumingon siya sa baba para sinohin ang dumating. Nanlaki ang mga mata niya ng makita at makilala ito.
"Tetay!" sabik na tawag niya. Miss na miss na niya ang kadaldalan nito. Kita niya na sabay na tumingala sa kanya si Ford at si Tetay.
Mabilis siyang tumakbo muli pababa. Malaki ang ngiti na tinahak niya ang pintuan para salubungin ito. Pero mas lumapad ang ngiti niya ng makita ang kasama nito.
"Nana Aida!" halos talunin niya ito ng makita. Masungit man ito palagi at nagbubunganga pero naging malapit ang loob niya rito. Parang nanay na ang turing niya rito.
"Aray ko namang bata ka! Makayapos ka ay akala mo wala ng bukas!" sermon sa kanya ni Nana Aida na bahagya pang tinapik ang braso niya na nakapulupot dito.
"Na-miss ko po kayo!" bulalas niya na parehas inakbayan ang dalawa habang si Ford ay naiiling na nangingiting pinagmamasdan siya. "Nana Aida, magaling ka na ho ba? Bakit pala kayo sumama pabalik?"
"Baka gusto mo muna kami papasukin hane? At ang mga paa ko ay namimitig na," reklamo ni Nana Aida.
Tila naman siya natauhan at mabilis na inakay ito papasok sa loob ng bahay. Ang mga bagahe naman ay binitbit papasok ng isang guwardiya ni Ford.
Para siyang batang sabik na sabik sa kamag-anak na dumating galing abroad.
Hays! Paano na lang pala kapag tuluyan na siyang umalis ng mansiyon ng mga Montecillo. Pakiramdam niya ay mahihirapan siyang makausad kapag nagkataon. Napamahal na sa kanya ang lahat ng tao rito.
Lalong-lalo na si Ford at ang mga bata.
Mabilis siyang tumungo ng kusina para ipaghanda ng makakain ang dalawa.
"Naku Ford, huwag mo na akong sermunan at kaya ko ang sarili ko hane. Mas lalo akong mamamatay ng maaga kapag humilata lang ako ng humilata!" tila sinesermunan ito ni Ford sa katigasan ng ulo nito.
Matandang dalaga si Nana Aida at tanging mga pamangkin at isang kapatid na lamang ang pamilya nito. Halos buong buhay pala nito ay iginugol niya sa pagsisilbi sa mga Montecillo.
Napatigil sila sa pakikipagbalitaan kila Tetay at Nana Aida ng tumunog ang cellphone ni Ford kaya't bahagya itong lumayo.
"What?!" malakas na sambit ng binata na nagpalingon sa kanila rito.
"Okay, okay. Thank you for informing me," wika nito bago patayin ang tawag.
Hinihilot nito ang batok habang ang isang kamay na may hawak ng cellphone ay nasa beywang nito. Tila aburido.
"Is everything okay, Ford?" hindi niya napigilan na tanong dito. Halatang nabalisa ito sa ibinalita ng kausap.
"Samahan muna natin sila Nana Aida at Tetay sa kuwarto nila, Viel. Para makapagpahinga sila," lumapit ito at inalalayan ang matanda. Siya naman ay ikinawit ang braso kay Tetay at sumunod na rin.
Nang maihatid nila ang dalawa ay inakay naman siya ni Ford papunta sa garden. Seryoso ang mukha nito at tila pusang hindi mapaanak habang paroo't parito.
"Ford, pwede bang umupo ka? Daig mo pa ang ferris wheel kakaikot mo riyan eh. Nahihilo na 'ko sa 'yo."
Agad naman itong tumalima at umupo sa tabi niya. Napasinghap pa siya ng hilahin siya nito at kandungin bago muling nagsalita. "I received a news earlier, Babe."
"Mukha nga. Kasi after ng tawag sa iyo kanina naging ganyan ka na. Ano ba iyon?" bahagya siyang lumingon para makita ang mukha nito.
"Aunt Lucca is flying from Madagascar," panimula nito.
Siya naman ay napakunot ang noo. "Aunt Lucca? Madagascar?" Sorry sa pilyang isip niya pero iba ang lumalarawan sa pangalan at lugar na sinambit nito.
Medyo kontrabida ang arrive ng pangalan, at mga zebra at hippopotamus naman ang naiisip niya sa Madagascar dahil sa movie na napanuod niya.
"Yeah. She's my only Aunt na matagal ng naninirahan sa Madagascar. She heard about our wedding and wanted to meet you in person," wika nito kasabay ng paghaplos nito sa tiyan niya at ang pagsinghot sa buhok niya.
Tila bigla siyang kinabahan. Sino ba siya para pag-aksayahan ng panahon nito na lilipad pa galing ibang bansa para lang makilala siya? Jusko! Pangalan pa lang nito nakakatakot na. "Mabait ba siya?"
"Uhm, oo mabait naman siya pero may pagkastrikta at maraming ipinaglalaban sa buhay. Natatakot ka ba sa kanya, Babe?" sinilip pa nito ang mukha niya.
"Hindi naman. Pero pangalan pa lang kasi niya parang nakakasindak na," sagot niya na bahagya pang natawa.
Mahinang tumawa si Ford at mabilis siyang hinalikan sa pisngi. "Don't worry, I'm sure she will like you."
Nagkibit siya ng balikat at bumuntong-hininga. "Sana nga."