Nakasimangot na mukha ni Ford ang bumungad sa kanya ng lumabas siya mula sa kwarto ng nursery. Nakabihis na siya at sa labas na raw sila mag-uusap ni Aunt Lucca. "Bakit ganyan mukha mo, Mr. Montecillo?" tanong niya kahit alam naman niya ang sagot. Para itong bata na humahabol sa nanay na aalis lang saglit. "Bakit naman kasi kailangan pa ninyo lumabas, Barn? Baka hanapin ka ng mga bata," pagdadahilan pa nito. Umingos siya at nilampasan ito. "Si Tetay at Nana Aida na muna ang bahala sa mga bata." Humakbang na siya pababa ng hagdan ngunit naantala ito dahil sa malalaking bisig na pumulupot sa beywang niya. Tila siya isang magaan na bagay na walang kahirap-hirap nitong nahaklit. Bahagyang bumaba ang kanyang timbang, oo. Pero alam niyang mabigat pa rin siya, pero sa lalaking maharot na si

