Napalunok siya ng makita ang matiim na titig ni Nana Aida sa kanya. Ito ay matapos nitong malaman na ikakasal sila ni Ford. Kasalukuyan siyang nakaupo sa lamesa at umiinom ng kape habang ang matanda ay nakatayo sa harap niya at hawak din ang sariling kape. "Viel, mangako ka sa akin," kumurap muna siya ng ilang ulit bago nahamig ang sarili na tugunin si Nana Aida. "Ho?" Pumalatak ito. "Jusko kang bata ka talaga! Ikaw ay ipatingin na iyang tainga mo at napakabingi mo!" "Nana Aida talaga. Narinig ko naman ho kayo. Gusto ko lang ulitin para sure," nginitian niya pa ito pero irap naman ang itinugon nito. "Kahit kailan ka! Baguhin mo na iyang ganyan na ugali lalo at magpapakasal na kayo ni Ford." Natigilan siya at tinitigan ang matanda. "Masama loob mo Nana?" Marahas siyang nilingon nit

