"Now I know why Damien is so head over heels with you. You are such a charmer!" ngumiti ito sa kanya. Bumuntong-hininga ito na tila may kung anong pumipigil sa sarili nito na ilabas ang nararamdaman. "Po?" iyon lang ang nasambit niya. Parang hindi pa ma-digest ng utak niya ang sinasabi nito. Bobo na ba 'ko? Sh*t! "Ipinatawag kita rito because I wanted to know your kare-kare recipe. Sobrang sarap! I wonder ano inilagay mo roon?" gusto niyang mapangiwi ng maglabas pa ito ng notebook mula sa dala nitong bag. Seriously?! Katok mula sa pinto ng library ang nagpalingon sa kanila ni Aunt Lucca. "Auntie! Nariyan ba ang Babe ko?" gusto niyang masamid ng marinig ang tinuran ni Ford mula sa likod ng pinto. Awtomatikong napalingon siya sa kaharap na si Aunt Lucca na tila may sinusupil na ngiti pe

