VEGA AMARA'S P.O.V: Isinuot ni Axel ang singsing sa mga kamay ko at hindi ko naman inaasahan ang mga salita na iyon mula sa kanya at nang ako na ang magsasabi ng vows ko, natigilan pa ako ng ilang minuto bago ko ibuka ang bibig ko. "Axel, kung ano man ang kahihinatnan ng kasal nating dalawa, sana ay maging tapat ka at huwag sana akong makaramdam ng sakit pero alam ko namang imposible iyon dahil kilala kang babaero. Isuot mo ang singsing na ito bilang tanda ng kasal na ito at nang pagsasama natin habambuhay." Isinuot ko na rin ang singsing sa kanyang daliri at nagsalita ang Pari. "Before these witnesses, you have pledged to be joined in marriage. You have now sealed this pledge with your wedding rings. By the authority vested in me by the great State of Matrimony. I now pronounce you hu

